Chapter 21

3.6K 134 10
                                    


It has been weeks since the last time I saw my daughter and Janine. I enjoyed that day with my daughter tho. Medyo matagal na kasi mula noong huling beses na lumabas kami para mag date.

After that day, the only way to communicate with my daughter was through chat and calls. Na hindi rin naman namin araw-araw nagagawa.

Noong birthday ni Janine, nasa Korea siya at hindi na ako nagtanong pa kung kailan ba siya babalik dito sa Pilipinas.

Her cousins and our daughter invited me but the celebrant didn't so I refused to go.

Naging busy ako at tuluyang nilamon ng business ko ang lahat ng oras na mayron ako.

In just eleven months, I managed to buy resorts from different places here in Luzon.

Mayroong bago sa Batangas, San Pablo Laguna, sa Rizal, Silang Cavite, may public swimming pool sa Sta ana Manila, at sa mga lugar na hindi ko naman pinlanong bilhan ng resort.

As for now, nag agree ako sa appointment ng meeting sa Cebu. They're selling a beach resort and I had to see it myself before the contract signing.

Ibinalita ko kina mommy ang planong pagbili ng beach resort sa Cebu.

I'm really thankful that all of my resorts are successful. May plano na rin ako sa mga ito. Three of my public resorts will be transfer under Reese and my brothers name. I'll just process the papers when I have enough time.

It was all fun and games. I had managers that keeps me updated with my resorts. Iyon na rin ang pinagkaabalahan ng kapatid ko.

I managed to renovate our house in Bulacan.

Things are going easily and smoothly until today.

Aubrey kept on ringing my doorbell. Iyon ang gumising sakin.

"Please, please, pakibantayan maigi." bilin niya habang bahagyang tinutulak ang mukhang inosente at walang alam na si Reese.

"Pasok ka," I opened my door wider but only Reese went inside.

Nang tuluyang makapasok si Reese, saka pa lang nagsalita si Aubrey.

"Tito John is in the hospital." parang nagmamadaling saad nito sa medyo namumutlang itsura.

"Huh?" naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay. Did I hear her right?

"Heart attack, Kim." dagdag niya bago ko pa makita ang biglaang pamumula ng dalawang mata.

"Si Janine?" lumabas 'yon sa bibig ko nang hindi namamalayan.

"Nasa ospital, Kim." sambit niya at hindi ko na naintindihan pa ang mga sumunod na sinabi niya.

At least I know that Janine is here in the Philippines.

"Is she okay?" tanong ko pa.

I'm worried.

Hindi iyon sinagot ni Aubrey dahil pumasok pa siya sa loob bago magpaalam kay Reese.

Nagpaalam si Aubrey at nagsabing ako na raw ang bahala kay Reese.

Hinatid ko agad si Reese kay Tiffany bago humingi ng impormasyon kay Jessica.

"Ako na." may riing sambit ni Tiffany nang sabihin kong pupunta na ako sa ospital.

She doesn't want me to drive. Ihahatid niya raw ako at mag g-grab na lang siya pabalik.

Ilang ulit pa ako nitong pinagalitan dahil sa suot ko.

I'm wearing my short cotton shorts and silk sleeves top. At least I managed to wear a brassiere, right?

Wala na akong panahon para magbilin pa ng kung anu-ano. Kinuha ko agad ang susi at umalis na matapos akong halikan sa sintido ni Tiffany.

CAPTIVATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon