Chapter 5

5.6K 179 9
                                    




Sa ganda ng ayos ng resort, hindi ko alam kung paano pasasalamatan sina Mark at siyempre, si Janine.

Wala pang dalawang buwan ay natapos na agad nila ang pag renovate. Wala naman kasing problema. Nagkataon lang na masyadong luma ang resort para sa taste ng mga tao ngayon.

I invited everyone for dinner. Sinabi kong sagot ko na at pasasalamat 'yon sa successful na result ng pag renovate ng resort ko.

Kanina pa ako tawag nang tawag kay Janine pero hindi siya sumasagot. We haven't talked for more than a week. Ibinalita ko sa kanya na tapos na ang pag renovate. I even sent her an email regarding sa finished look of it.

Ako
Hi, I'm eating with the team later. Sa MOA.

Ako
Good afternoon, makakahabol ka ba?

Ilang araw na siyang walang reply. Busy? Hindi ko alam. But the first time I slept in her bed, was also the last time.

Ako
May problema ka ba?

Ako
O tayo?

I put light makeup on and picked an oversized shirt and a black pants paired with my black sandals with four inches heels. Nagkausap kasi kami ni Tiffany na magkikita after. Baka sa bagong unit niya ako tutulog.

Binitawan ko ang sinturon na kasalukuyan kong sinosoot nang mag notify ang isang text sa cellphone ko.

It was from Engineer Mark.

Hindi nga yata siya pupunta.

Architect Marie, with her four year old son, Engineer Mark, some from their team, and me. Walo kami na nakapalibot sa mahabang mesa. Nasa Vikings kami ngayon na ipinareserve ko last week.

"Did you know?" Tanong ni Mark sa akin.

Umiling ako dahil hindi naintindihan ang tanong niya. "Alin?" Tanong ko pabalik.

"Miss Janine was with the same girl that keeps on going back to her office. Apat na sunod na araw na." Mark continued eating after saying those words.

Dahil nasa harap ko si Architect Marie, pansin ko ang galaw niya. Uminom siya ng tubig bago sumabat sa usapan namin ni Mark. "It was Stella Evans. Photographer yon. Nandon kanina si Danica Salvador, yung showbiz news anchor."

"Pero... yung Stella lang ang pabalik balik?" I asked. Totally drawn to the topic.

Kaya pala walang paramdam...

"Ang alam ko nag date pa sila over lunch noong isang araw..." sagot ng isa sa team nila na hindi ko maalala ang pangalan.

"Talaga?" Tanong ko. Expecting more informations. Wala lang naman dapat sa akin 'to, di ba?

"She introduced Stella without emphasizing kung mag-ano silang dalawa. Pangalan lang at ibinilin ni ms Janine sa secretary niya na papasukin agad kapag dumalaw 'yon don." Mark added.

"Baka... girlfriend," mahinang pahayag ko. Baka lang naman. Ayaw ko naman siyempreng mag isip ng kung ano... pero, girlfriend nga kaya?

The dark guy from the corner of the table butt in. "Di ba miss, ikaw yung girlfriend?"

"Uh, hindi..." sambit ko kasi hindi naman talaga.

Ako
Hi...

Minutes passed and just like the other days, walang reply.

Ako
Busy?

Wala pa rin reply.

Ako
Hanging out with Stella?

CAPTIVATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon