Four long days passed and Janine never contacted me. Galing ako sa isang meeting sa BGC. May nag reserve for a rent sa resort para raw sa wedding anniversary. They have questions na hindi masagot ng helpers ko kaya ako na mismo ang kumausap.Isang buntong hininga ang pinakawalan ko nang sumagi sa isip ko yung resort sa Laguna. Mom and I talked about it and she told me to grab the opportunity that Janine gave me.
Ni hindi ko alam ang cellphone number nung tao kaya paano ako gagawa ng paraan para makausap siya?
Nag order ako ng dalawang box ng pizza sa isang drive thru.
Isa sa mga coffee shop ni Tiffany dito sa Taguig ang hinintuan ko. Papalipas lang ako kahit isang oras bago bumyahe ulit pauwi sa Makati.
Nginitian ako ng ilang staff niya dahil hindi naman na ako bago sa paningin nila.
Tinawagan ko si Tiff para ibalita na nandito ako sa shop niya para magpalipas ng oras. Sadly, she can't go here to be with me. May date daw at nakakaistorbo ako.
Lumapit sa akin si Lea, basa ko sa name tag, upang kunin ang order ko. Nakasanayan ko nang hindi pagbayarin dahil mahigpit na ipinag bawal ni Tiffany na tumanggap ng kahit pa tip mula sa akin.
Iniabot ko ang dalawang box ng pizza na para sa kanila.
"Ipasok mo sa loob at bigyan pati ang mga nasa kitchen." Ngumiti ako.
Nandito ako sa kaliwang bahagi ng shop dahil maingay sa dulo at sa kanan. May mga estudyante na nag uusap usap at medyo malalakas ang mga boses.
Tahimik akong nag browse sa internet at nang manawa, binalikan ang blueberry cheesecake na parang kumakaway sa akin.
Isang large iced coffee at blueberry cheesecake ang nasa harap ko.
Mas iniayos ko ang upo at isinandal ng mabuti ang likod sa upuan. For the nth time, nagbuga ako ng malalim na hininga.
Hindi ako sigurado sa eksaktong dahilan kung bakit pabalik balik sa utak ko ang imahe ni Janine. Her resting bitch face. The smirks, giggle, pag irap at mga bossy'ng tanong sa akin.
Ang isang oras lang na plano ko ay napatagal kaya tumayo na ako nang mapansin ang oras.
Diretso ang naging lakad ko at agad na pinindot ang alarm ng sasakyan.
"Hey," sambit ng kung sino na nakapag palingon sa akin. Nagulat pa ako nang makilala 'to.
"Janine," sambit ko bago muling isara ang pinto ng sasakyan ko.
"Nakita kita," lumapit siya at humalik sa sintido ko.
Mas matangkad siya ng siguro 3 inches sa akin kaya ngayong naka heels siya, at ako nama'y flats, mukha akong unano sa harap niya.
"Habang tumatawid," patuloy niya sa naudlot na sasabihin sana kanina.
"Are you on a date?" Tanong ko. I don't want to be nosy. I'm just... curious.
"You sound like a jealous girlfriend. I was in a meating. Nakita kita nung patawid ako papunta sa sasakyan ko." Sambit niya saka itinuro ang isang black Ferrari na hindi ko alam kung anong model.

BINABASA MO ANG
CAPTIVATED
Fiksyen UmumThis is an LGBT themed story. ----- EMPIRE SERIES #1 Janine Yoona Dela Cruz Kimberly Carlos