Chapter 13

3.6K 129 1
                                    


Muli kong ipinikit nang mariin ang mga mata. Paulit ulit na pinagagalitan ang sarili.

Kung ang ibang tao nakakalimot sa mga pangyayari kapag lasing, ako nama'y walang nakakaligtaan.

I breathed out and picked up my toothbrush to brush my teeth. After doing my morning routine, naglabas ako ng bagong sipilyo para kay Janine.

Since dito lang sa Makati kami nag inom last night, nag suggest akong dito kami sa bahay ko umuwi.

My mom called and asked me how I was. Tinanong kung kailan ako dadalaw sa kanila. She told me that dad was waiting for me to visit.

I told her that I'll visit one of these days pero hindi pa sigurado kung kailan talaga dahil medyo busy pa.

Humalik ako sa natutulog na Janine bago bumaba sa first floor para maghanda ng tanghalian.

Simuna noong naging mag girlfriend kami, nawala sa bokabularyo ko ang almusal.

Dismayadong napa-buntonghininga ako nang makitang walang laman ang ref.

Tiffany was here three days ago. Namili ng grocery pero panay de-lata at noodles na pagkain ang binili. Pinuno niya ang pantry ko pero ang ref, hinayaang walang laman.

I just ordered a bucket of chicken for the both of us. Tumawag rin ako sa isang restaurant para sa fried rice and three lemonades.

I paid online through my card and went upstairs to wake Janine up when the bucket of chicken arrived.

"C'mon baby, we need to eat. I'm hungry." Muli ko siyang hinalikan sa pisngi. Ilang alog pa ang ginawa ko sa kanya bago siya tuluyang magdilat ng mata.

She glared at me. Parang mali pa ako na ginising ko siya para kumain.

"What?" Hindi makapaniwalang saad ko. She's looking at me as if I made a forbidden sin.

Malutong na tawa ang pinakawalan ko nang irapan niya ako.

"Mag Cavite tayo." Aya ko sa kanya. Gusto ko siyang ipakilala kina Mommy.

I made up my mind. Gusto ko siyang ipakilala sa pamilya ko.

"When?" She asked while enjoying her chicken leg.

"Kung kailan ka pwede," Sagot ko.

"I can make time for us." Sambit niya na nakapagpangiti sakin.

She's such a busy person. Kapag nasa penthouse niya, kadalasan ay nasa laptop. Kapag naman sa office niya, palagiang nasa meeting.

"Next week na lang. Isama natin si Reese." Sambit ko.

Sumang-ayon lang siya. Kinahapunan, nagkaron siya ng emergency meeting.

Isinama niya ako sa office niya pero agad ring iniwan para sa meeting.

Umabot ng halos dalawang oras bago pa bumalik si Janine. Wala siyang imik at mukhang hindi magandang bagay kung magbibiro ako.

"You look so disappointed over something," saad ko sa tahimik na Janine sa gilid ko.

Paulit-ulit ang buntonghininga niya. Humihilot ng sintido kapag nakahinto ang sasakyan.

Hindi siya sumagot sa akin. Focus lang sa pag da-drive.

"I'm fine." Saad niya bago ipinark ang sasakyan.

Pag akyat namin sa penthouse niya, tinawagan niya agad si Catherine para sabihing h'wag munang ihatid si Reese. Bukas na lang daw dahil may mga kailangan siyang gawin.

I wanted to insist on taking care of Reese but I don't want to give Janine a hard time. Mukha siyang stress na ewan.

She kissed me before entering the bathroom.

CAPTIVATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon