Chapter 8

4.9K 163 4
                                    




Inabot pa ng dalawang linggo bago humupa ang issue. The culprit has been captured and everything is settled already.

As for now, mahigit isang buwan na ang nakalilipas pero ngayong araw pa lang kami lalabas. Si Reese ay nandon na ngayon sa Daddy ni Janine and kaming dalawa na lang ang nandito sa penthouse niya.

"Let's go." Sambit niya nang matapos sa ginagawa. We're eating dinner at her friend's restaurant. Sawa na raw kasi siya sa mga kinakain namin dito.

We both had steak and decided to drink some glass of wine. Hindi ko na mabilang kung nakailang topic kami bago tuluyang maging seryoso ang usapan. At nagyaya rin siyang umuwi nang napansin niyang napaparami na ako.

Kahit noong nasa byahe, hindi nahinto ang usapan namin. We were talking about random things.

Binati kami ng mga staff ng hotel nang lumakad kami pa-elevator galing sa elevator rin from parking lot.

"Mauna kang gumamit ng shower. I'll wash up after you," marahan niyang sabi habang hinuhubad ang suot na sapatos katulad ng ginagawa ko.

Nauna akong gumamit ng banyo. Lumabas akong may robe na suot at dumiretso sa closet niya. She then entered the bathroom.

I was busy scrolling through my twitter when Janine went out of the bathroom. Katulad ng nakasanayan niya, lumabas na naman siyang walang suot na kahit ano pang itaas. Nasanay na rin ako kaya hindi ko siya sinasaway.

"When you first saw me..." I continued the conversation that we had earlier.

"It wasn't love at first sight," sagot niya bago marahang kagatin ang sariling labi at tumingin sa akin nang deretso sa mga mata. "I have this feeling inside... feeling that I wanna bed you. I wanna know how it would feel like doing it with you." She admitted.

Naintindihan ko yung gusto niyang sabihin kahit pa hindi specific word ang binabanggit niya.

I'm amazed tho. Hindi ko nararamdaman na nababastos ako. I'm just amazed that she never took advantage of me in any situation.

"When my men followed you, well, dalawa sila. Yung isa ay para sa safety mo, yung isa naman, para sa informations that I want to know about you."

"Stalker." Natatawang sambit ko dahil sa mga inaamin niya. Marahil ay dahil sa tama niya sa alak kaya ang tapang niya.

"Yeah. But I didn't gather much information. Alam ko kung saan ka nakatira sa Makati at kung saan yung mga magulang mo. I know that you have two brothers." She looked away and think deeply.

"And?" I asked. Wanted to hear some more. Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi niya.

"You find this funny, don't you?" Tanong niya na may mga nanliliit na mata.

Tumawa lang ako bilang sagot.

"Hindi ko alam kung bakit hindi nila malaman na single ka. And that you never had a boyfriend..." marahan niyang dagdag.

"Well," paunang salita ko. "I was straight all my life." I breathed out. Trying to find the words to say. Hindi ako nakapag prepare. May coming out story pala akong gagawin.

"Was." She said. Pertaining to what I just admitted.

"Was." Ngumiti ako. "I had multiple experiences of men, asking me out. And women too. Dahil kay Tiff." Umayos ako ng higa paharap sa kanya.

"And walang kasing ganda ko?" Proud na sabi niya habang nakatitig lang sa mga mata ko.

"Yeah." Pag agree ko. "But it wasn't just the beauty that you have. You're a genuine person with good personality."

CAPTIVATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon