Prologue

563 5 0
                                    

"Goodmorning!" Masayang bati ko sa paligid. Kung wala ako sa beach nasa farm naman ako. Ito ang buhay ko at ito ang nagpapasaya saakin dahil masnakakaramdam ako ng pagkarelax kapag wala akong iniisip at simple lang ang buhay ko.

Sawa na ako sa media na laging nakabantay sa bawat galaw namin dahil nga ang pamilya ko ang isa sa may pinakamalaking kompanya sa mundo. Kung ako ang tatanungin ayokong magmana ng kompanya at ang gusto ko nalang manahin ay isang private island at isang malawak na farm kung saan ako magrerelax.

Naglakad ako at nagtungo sa maliit na batis pero natigilan ako nang makakita ako ng babaeng naliligo mula roon. Hindi ko talaga ugaling manilip pero para kasi akong hinihila ng kamanyakan kaya sinilip ko na rin. Nagtago ako sa isang puno ng mangga na malapit doon at tinitigan ang babae. Nakasaplot pa naman ito habang naliligo kaya ayos pa.

Mariin kong pinikit ang mata ko nang makita itong naghubad ng pang-itaas. Dahil sa kuryosidad unti-unti kong binuksan ang mata ko at nakita ko ang babae na nagtatampisaw na sa batis. Nilibot ko ang paningin ko sa katawan nito sa hindi malamang kadahilanan.

Wala naman talaga akong hilig sa pagnanasa sa isang babae pero sa isang to' ay iba ang nararamdaman ko. Nararamdaman ko na parang unti-unting nabubuhay ang pagkalalaki ko na kahit kailan ay wala pang tinitira....it means I'm pure! kung tawagin nga ng iba VIRGIN at proud ako doon at dahil din doon nagkakandarapa ang ibang babae saakin para sila ang maging una ko pero umaayaw ako dahil hindi naman ako babaero. Parang babae lang gusto ko ay sa babaeng para sakin ko lang ibibigay ang pagkalalaki ko para atleast masasabi kong may natikman sya sa katawan ko na hindi natitikman ng iba.

Binalik ko ang sarili ko sa babae at nadoon pa rin sya. Tinignan ko ang relo kong pambisig at 6:24am palang pala at masasabi kong malamig pa ang tubig sa batis kaya namamangha ako sa tindi ng balat ng babaeng iyon.

"Hindi ba sya nalalamigan?" Nagtataka kong sambit dahil hindi ko manlang makita sa mukha nya na nilalamig sya at tuwang tuwa pa ito pero wala naman syang kasama............creepy.

Nagtago ako nang umahon na ito at pinulot ang damit at pang-ibaba nito saka pinalibot ng tuwalya sa sarili.

Ayy aalis na sya? Sayang nagagandahan pa naman ako sa view na binibigay nya.....

Sinundan ko ng tingin ang babae kung san man ito pupunta pero diretso lang ang lakad nito hanggang sa mawala sya sa paningin ko.

Nang mawala na sya napagdesisyonan ko na maligo din sa batis kaya tinanggal ko ang pantaas kong damit saka ang pang-ibaba hanggang sa boxershorts nalang ang natira.

"Here we go! Batis!" Patakbo akong lumusong at nang maramdaman ko na ang sobrang lamig na tubig umahon ako agad.

Maslalo akong namangha sa babae dahil hindi nya ininda ang lamig ng tubig. Dahil sa sobrang lamig ng tubig maski paa ko ay umaayaw na din kaya nagbihis nalang ako at bumalik na sa bahay para doon nalang maligo.

------------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon