Chapter 44

131 0 0
                                    

Leigh's POV

After 3 years.......

"Happy Birthday Leira. Happy birthday Leira. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday to you!!!" Sabay naming hinalikan ni Nathan ang panganay namin na panay ang palakpak.


Habang tumatagal nagiging kahawig nya lalo ang ama nya. Sabi nga ng iba para daw syang girl version ni Nathan na sinang-ayunan ko naman. Yung labi ko lang yata ang nakuha ni Leira at ang buhok ko.


Simpleng celebration lang ang ginawa namin at dito lang din ginanap sa beach house. Mga kamag-anak at ilang kakilala lang ang pumunta dito. Sa part ko mga magulang ko, mga kapatid ko, si ninang Selya, at si Johnny lang ang pumunta. Sa part naman ni Nathan pamilya nya at ilang kaibigan na TUNAY ang pinapunta nya at nandito din ang sekretarya ni Nathan noon sa probinsya na si Malcolm.


"Leira, sino ako?" Napapangiti nalang ako tuwing tinatanong nila si Leira kung sino sila dahil mabilis silang nakikilala ni Leira.


"Toto Dam!" Nagtawanan ang lahat nang makilala nito ni ang nakatatandang kapatid ni Nathan na si kuya Adam.


"Sino naman sya?" Tinuro ni Nathan ang kaibigan nito na si Gab.


"Nonong Gab!" Napawow si Gab at agad lumapit kay Leira saka binigay dito ang kulay pink na sobre. Maslalong nagsitawanan ang lahat nang mapa-wow din si Leira nang makita nya ang favorite color nyang pink.

"Say thank you, baby." Sambit ni Nathan kay Leira.


"Ing kyu!" Nagpacute pa ito sa ninong nya.

Niyaya ko na ang lahat na kumain dahil baka lumamig pa ang mga nakahandang pagkain sa labas. Sa labas namin napagdesisyonan na ilagay ang mga pagkain para tanaw mula dito ang dagat at fresh pa ang hangin.

"Mamaya swimming tayo!" Sumang-ayon ang lahat sa gusto ni Johnny dahil maganda magswimming ngayon lalo na't payapa ang dagat.


Malayo kami ng kaunti sa dagat at kailangan pa namin sumakay ng sasakyan kapag pupunta kami doon, pero pwede din namang lakarin lang kung hindi ka tatamadin at kaunti lang ang dala mong gamit.


"Leira, halika na at kumain kana din." Binuhat ko ang anak ko saka nilagay sya sa high chair at doon nilapag ang tubigan nito. Sinuot ko sakanya ang bib bago ito makakain.

Hinahayaan namin si Leira na kumain nang hindi nagpapasubo dahil ayaw ko naman na masanay syang nagpapasubo nalang lagi at baka kasi mamihasa din. Binabantayan nalang namin sya ni Nathan habang kumakain dahil syempre baby pa din naman ito at makalat kumain at paminsan minsan din ay binabato nalang nya basta-basta ang kutsara nya at tubigan kapag naisipan.


"Babe, ito na pagkain mo." Nginitian ko si Nathan at nagpasalamat nan iabot nito saakin ang pagkain ko. "Ubusin mo yan ahh." Tumango ako.


"Yes sir." Nakita ko ang pagpula ng pisngi nito kaya tinawanan ko nalang.

4 months na kaming kasal ni Nathan at hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na kasal na nga ako sakanya. 3 days lang ang naging honeymoon namin dahil nga may Leira na kami at ayokong malayo ng matagal sa anak ko. Walang araw na hindi pinaparamdam saamin ni Nathan kung gaano nya kami kamahal ng anak nya. Tuwing hating gabi laging nagigising si Leira dahil naghahanap ng milk kaya si Nathan palagi ang gumigising saamin. Sa gitna naming dalawa natutulog ang bulinggit kaya laging puyat ang daddy nya dahil ito ang una nyang gigisingin kapag naghahanap ng gatas.

Susubo na sana ako nang makita na nagtatangka nanaman si Leira ba ibato ang kutsara nya kaya agad kong pinanlakihan ng mata.

"Eat you food Leira and don't throw your spoon." Nilingon ko si Nathan at nakamasid din pala ito sa anak habang kumakain.

Pinagpatuloy ko nalang din ang pagkain dahil di naman na nagkukulit si Leira.


Nang matapos kaming kumain nagsiligpitan na kami lahat. Pinaakyat na din saakin ni Nathan ang anak namin dahil pumipikit-pikit na at oras na din nya para matulog. Habang paakyat ako nakasalubong ko si ate Steph na pinapatulog na din ang bunso nyang anak. Akala ko nga noong una isa lang talaga ang anak nila kaya nagulat nalang ako nang may dala pa silang isang baby. Malaki na ang panganay nila na si Lucas at napakadaldal na kaya hindi din matigil sa katatawa ang lahat lalo na nang ikwento nya ang pagpapansin ng daddy nya sa mommy nya.


Inihiga ko sa kama ang anak ko at nilagyan ng ilang unan sa gilid nito para hindi mahulog. Malaki naman ang kama pero para sure nilalagyan pa din namin ng unan at para na din hindi sya gumulong.
Nagtimpla na din ako ng gatas at nilagay ito sa bibig nya.

Sisilip sana ako sa labas nang bumungad saakin si Nathan na nakakunot noo.

"What are you doing?" Pumasok din ito ng kwarto at dumiretso agad sa tabi ni Leira saka hinalikan nito ang noo ng anak.

"Sisilip sana ako. Teka, ikaw na muna magbantay kay Leira dahil tutulong pa ako doon sa baba"

Kumunot ang noo ko nang tumayo ito at yumakap sa likod ko.


"Nathan.....anong ginagawa mo?" Napapatingala ako nang maramdaman ko ang kakaibang sensasyon na binibigay nya saakin sa pamamagitan ng paghalik nya sa aking leeg.

"Dito ka nalang muna sa kwarto." Gusto kong kumalas sa pagkakayakap nito pero hindi ko magawa dahil masyado akong nahuhumaling sa ginagawa nya.

Masyado kaming tutok sa anak namin kaya wala na kaming time para gumawa pa ng ganto kaya siguro namimiss na din namin ang isa't-isa at kaya ganito na din magreact ang sarili ko sa ginagawa ni Nathan.


"Nandito.....ugh.... si L-Leira." Pinipigilan ko ding hindi umungol dahil malapit lang kami sa anak namin pero hindi ko magawa.

"Nathan...."

"Halika sa bathroom......" Nanlaki ang mata ko at agad ding nag-init ang pisngi ko.


"Huh? Binabantayan natin si—-"


"Don't worry mabilis lang naman......" Hindi ko na nagawang pumalag pa dahil agad ba nya akong hinila sa banyo at doon agad nyang hinubad ang pang-ibaba naming dalawa.


Matapos ang mainit naming pagtatalik na dalawa sa banyo agad kong nilinis ang sarili ko at nagbihis saka pinuntahan ko na ang anak ko. Mahimbing pa din ang tulog nito kaya nakahinga ako ng maluwag.


Nang lumabas si Nathan sa banyo napakalaki ng ngiti nito.


"I'm expecting a new baby again!" Inirapan ko ito.


"Ikaw kaya itong manganak at isa pa maliit pa itong si Leira—" Natigil ako sa pagsasalita dahil baka mamaya magbunga itong ginawa namin kanina kahit mabilis lang.


"I love you baby..." Inirapan ko lang ito uli saka binaling ko nalang ang atensyon ko sa pagligpit ng ilang damit ni Leira.


Hay naku! kung magkakaroon nanaman kami ng isa pang baby aarangkada nanaman ang kaba ni Nathan na ayaw na ayaw ko dahil kinakabahan din ako tuwing nakikita ko syang namumutla dahil sa kaba.

——————————————-

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon