Chapter 16

79 0 1
                                    

Nathan's POV

"Ano naman kasi ang ginawa mo at nasunog yang niluluto mo?" Tinignan ko ang kabuoan ng kusina. Sobrang gulo at hindi lang kasi niluto nya ang nasunog kundi pati na din yung mga ibang kitchen furnitures ko.

"S-sorry......g-gusto ko kasi magluto ng magiging lunch natin. Hindi ko nabantayan ng maayos yung niluluto ko dahil tumawag si mommy saakin at hindi ko namalayan na nasusunog na pala yung piniprito kong fried chicken." Binalingan ko ang nakayukong Ara. Lumapit ako dito at niyakap ito saka hinalikan ang noo nya.

"Okay. Buti naman tinawagan mo ako agad. Nasaktan ka ba?" Sinuri ko ang katawan nito pero wala namang kahit na anong galos.

"Hindi." Tumango ako saka hinila na ito sa sala at pinaupo. Inutusan ko ang mga tauhan ko na ayusin na ang damage sa kusina para magamit muli ito.

Huminga ako ng malalim at tinignan si Ara. "Don't worry I'm not angry."

"Are you sure?" Tumango ako. "You're lying!"

"Fine. A little bit angry." Yumuko nanaman ito kaya lumuhod ako sa harap nya para magpantay lebel namin. "Hey, don't be sad...."

"I'm not sad...." I hold her right cheek and make her smile again.

"Ngingiti na yan...ayieee! Di naman ako galit ehh." Tumingin ito saakin saka unti-unti na ding ngumiti.

"Sorry, babayaran ko nalang yung damage." Umiling ako.

"No need. Ako na ang bahala sa lah--"

"Hindi pwede! Ako ang nakasunog!"

"Sige na nga. Itreat mo nalang ako sa isang amusment park pagbalik natin ng Manila. Iyon nalang ang bayad mo."

"Unfair yun para sayo..."

"Hindi iyon unfair para saakin dahil hindi lang naman ticket ang libre mo ehh kundi foods, souvenirs, at mga ibang pampasalubong pa na foods." Kinindata ko ito saka tumayo na.

Aakyat na sana ako ng kwarto nang may maalala ako. Hindi pala ako nakapagpaalam kay Leigh kanina dahil sa pagmamadali ko pabalik ng bahay. Nawala kasi sa isip ko ang lahat dahil ang nasa isip ko lang ng oras na iyon ay si Ara at ang sunog na sinasabi nito sa kusina.

I'm being unfair again.......

"Ara, maiwan na muna kita dito may pupuntahan lang ako." Tumingin ito saakin at biglang lumiwanag ang mata nito.

"Sama ako! Hindi ko pa kabisado ang bayang ito. Itour mo naman ako Nathan." Paktay.

"Sigurado ka?" Tumayo ito.

"Oo! Wait lang hintayin mo ako magbibihis lang ako." Dali-dali itong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at pumasok sa nakalaang kwarto sakanya.

Napahilamos nalang ako sa mukha ko at tumingin sa nakasarang kwarto ni Ara.

May nangyari na saamin ni Leigh at ayokong isipin nya na may girlfriend ako pero may ginawa kami.

Fvck! Bakit ba ganun? Patagal ng patagal lalo akong nahihirapan sa nararamdaman ko. Gusto ko si Ara at Leigh pero mali naman na pagsabayin sila. Hindi ko din kayang mamili kung sino ba talaga sakanila ang pipiliin ko. Kung dalawa sana ang puso ko edi kay Ara ang isa at kay Leigh naman ang isa pero isa lang ang puso ko ehh dahil hindi naman ako pusit na may utak kada parte ng katawan.

Pero wala pa naman kasing nagpapatunay na may gusto din sila saakin........

"Let's go na Nathan." Naramdaman ko ang pagkawit ng braso ni Ara sa braso ko at hinila na ako palabas kaya wala na akong nagawa kundi sumunod nalang.

Pagkalabas namin ng gate ng bahay nilingon ako nito. "Saan tayo pupunta?"

Luminga-linga ako kung saan saan na kunware naghahanap ng mapupuntahan pero ang totoo umiisip ako ng paraan kung paano makakapunta sa bahay nila Leigh nang walang makakakita saakin na may kasamang babae.

Wala naman kasing masama kapag pinagkamalan kaming magjowa ni Ara pero kasi iba ang sitwasyon ngayon at alam nyo na yon.

"Pupunta tayo sa bahay ng kakilala ko dito."

Kumunot ang noo nito. "Kakilala? Babae o lalaki?"

"Babae." Pag-amin ko.

"Ayy babae pala ahh! Ayiee! May nililigawan kana yata dito ehh! Ano name? Gusto mo tulungan kita?" Parang may tumusok na kung anong matalim sa puso ko.

Tuwing may nababanggit kasi ako na kahit na sino basta babae puro ganyan ang sagot nya saakin. Puro tulungan kita makuha sya ang naririnig ko lagi sakanya at nasasaktan ako tuwing sinasabi nya yun dahil parang sinabi din nya na magmahal na ako ng iba at tutulungan nya ako.

Nauna na ako at iniwan na ito. Ako ang problem solver ng pamilya pero sarili kong problema hindi ko masolusyonan.

Naglakad ako papunta sa bahay nila Leigh at kumatok pero nakakailang beses na akong katok wala pa ding lumalabas.

"Ayy walang tao dyan. Umalis kanina sila Leigh kasama yung dalawa nyang kapatid at hindi ko alam kung saan nagpunta pero may mga dala naman silang tuwalya." Tumango ako sa kapitbahay nila Leigh at umalis na.

"May dala daw tuwalya baka maliligo sila kung saan....may paliguan ba dito?" Napaisip ako kung saan sila pumunta.

Tuwalya......

Paliguan......

Saan?....

Sa batis?....

Tama! Sa batis! Kung saan ko sya unang nakitang naliligo.

"Tara sa batis." Nauna na ako at hinintay kong makahabol si Ara saakin.

"May batis dito? Saan?"

"Yup. Hindi naman ganoon kalayo ang batis dito. Sa likod ng bahay tayo dadaan dahil may shortcut doon."

"Ang kati!" Nilingon ko si Ara at nakita ko itong tumigil sa paglalakad. Nilapitan ko ito at nakita ko na namumula na ang legs nya dahil sa madamo nga ang dinaraanan namin ngayon.

Pinasakay ko ito sa likod ko. Kahit mabigat sya ng kaunti kinaya ko pa din. Naglakad na ako patungo sa batis habang bitbit ko sa likod si Ara na walang ginawa kundi kumanta ng bahay kubo.

Nang makarating kami sa batis naabutan namij agad ang mga masasayang bata na naliligo. Agad kong nakita si Leigh na nakaupo sa malaking bato na naroroon habang nakababad ang paa sa tubig. Katabi nya si Johnny at isang lalaki na hindi ko kilala.....at tawa sila ng tawa.

Para akong nakaramdam ng pag-akyat ng dugo sa ulo ko dahil sa inis. Sino naman yun? Hindi lang ako nagpaalan may kasama na syang iba at share pa sila sa chichirya na hawak nung lalaki!

Naramdaman ko ang pagbaba ni Ara sa likod ko.

"Saan dyan yung hinahanap mong babae?"

Nauna na ito sa batis at lulublob na sana nang bigla itong madulas na ikinagulat ko. Lahat ng naroroon ay napatigil sa pagsasaya. Agad kong dinaluhan si Ara na iniinda ang pang-upo nito.

"Sabi ko naman kasi sayo ehh wag kang magpadalos dalos!" Tinayo ko ito at inalalayan pero mukhang hindi nya kayang tumayo kaya wala akong nagawa kundi buhatin nalang ito kesa naman pabayaan ko lang basta basta.

Nang mabuhat ko na si Ara napatingin ako sa gawi ni Leigh. May kakaiba akong nakita sa mata nya na hindi ko maintindihan. Hindi ko na nalaman pa ang nararamdaman nito dahil nilihis nya ang mata nya saakin. Yumuko ako at umalis na doon bitbit si Ara.

--------------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon