Chapter 34

85 0 0
                                    

Nathan's POV

I didn't mean to shout at her. Masyado lang kasi akong kinabahan sa isiping nawawala sya.


Kasalukuyan akong nasa sala at pasilay silay sa pinto ng kwarto nya. I want to talk to her again, yung maayos na pero mukhang nagtatampo pa din ito.


I know its my fault too kung bakit sya nawala. Kung hindi sana nawala sa isip ko na kasama ko si Leigh edi sana ayos kami ngayon.


Nawala kasi ako sa sarili nang makita si Ara at sinabi nya saakin ang dahilan kung bakit sya nandoon. Noong una akala ko kasi makikipagkamustahan lang ito kaya tawanan lang kami pero nang sabihin nya saakin ang pakay nya doon nawala na ako sa sarili. Nandoon din pala ang kapatid ko na si Greg which is ex ni Ara na mahal na mahal pa din nya hanggang ngayon kahit nasa kambal na nya ito. Sinusundan pala nya ang dalawa kaya nang makita nya ako nagpatulong sya saakin at dahil sa paghila nito hindi ko na naalala na kasama ko pala si Leigh at basta ko nalang sya iniwan.


Sumandal ako sa sofa at ininom ang natitirang whisky sa baso saka naglagay muli.


Ayokong matapos ang araw na ito na hindi kami nagkakabati ni Leigh dahil iyon ang tamang desisyon para hindi na lumala ang problema. Masmabuti nang solusyonan ng maaga ang problema habang maliit pa ito dahil sa oras na lumaki ito tiyak na magugulo kami lalo.


Pero hindi ko naman alam kung paano ako makikipag-ayos lalo na't nagkukulong lang ito sa kwarto ngayon. Hindi naman pwedeng buksan ko nalang basta ang kwarto nang walang paalam edi maslalo lalala lang ang sitwasyon.


Ginulo ko ang aking buhok at nilagok ng isang beses ang alak at pabagsak na nilapag ito sa coffee table, buti nalang matibay na salamin ang ginamit dito kundi wasak na ito agad dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko.


Nilingon kong muli ang pinto saka nagdesisyon ng maaaring hakbang pero dahil puro yung sinabi ko lang na masasakit kanina ang pumapasok sa isip ko hindi ako makaisip ng pwedeng gawin.


"Fvck!" I need my brother right now pero hindi ko naman sya pwedeng istorbohin dahil nag-aalaga sya sa anak nila ni Stephanie. Ayoko namang tawagan si Greg dahil siguradong busy ito sa pinakamamahal nyang jowa ngayon.


Nilingon ko ang pinto nang marinig ko itong bumukas. Hindi ko magawang magsalita dahil sa hiya kaya sinundan ko nalamang ito ng tingin papunta sa kusina. Parang inapakan ang puso ko nang hindi nya ako linungin pero naalala ko ganto din ang naramdaman nya siguro noong panahon na hindi ko sya binibigyan pansin.



Nagtungo din ako sa kusina at sumandal sa may pader doon at tinignan ang bawat galaw nya. Para akong hangin para sa kanya dahil dinadaan daanan nya lang ako kahit anong papansin ko sakanya.


"Leigh.......let's talk." Tinignan ko ito ng diretso at hinintay itong lingunin ako pero kumuha lang ito ng donut sa ref at nilagpasan lamang ako.


Napanguso ako at pinigilan ang kaunting inis a nararamdaman. Hindi ito ang oras para mainis ako at isa pa ako naman ang may kasalanan kaya wala akong karapatang mainis o magalit sa sitwasyong ito.


"Leigh" Mahinahong tawag ko dito. Ayokong magkulong itong muli sa kwarto nang hindi kami nagkakaayos.


"Leigh, eyes on me, please." Lumapit ako ng ilang palapit dito.


"Leigh, please......Gusto ko ng ayusin ang lahat so please mag-usap tayo para matapos na lahat ng hindi pagkakaintin--"


"Inaantok na ako." Bumagsak ang bibig ko dahil sa simpleng salita nito.


"I-I love you--"


"Oh! Really?" Hinarap ako nito at tinignan ng napakalamig.


"O-ofcou-"


"Goodnight." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang umalis na ito sa harapan ko at walang lingon lingon na pumasok sa kwarto.


Napahilamos ako sa sariling mukha at pabagsak na naupo sa sofa. Hindi ko sya masisisi sa ginagawa nya saakin ngayon pero FVCK! Hindi ako sanay!


Nahiga ako sa sofa at wala sa sariling tumingin sa napakataas na kisame ng penthouse. I feel so empty right now!


I want to touch her, to feel her, to kiss her, to own her....but how?! She's mad at me right now and I don't know what to do!


Ito na ba ang karma ko sa paggawa ng maling desisyon?


Dahil sa nangyayari ngayon kailangan ko na talagang isipin kung kanino ba ako mags-stay?


Kay Ara ba? Kung mags-stay ako sakanya wala namang kasiguraduhan na ibibigay din nya saakin yung atensyon nya lalo na't hindi pa din sya move on kay Greg.


O kay Leigh? I know to myself that I love her pero hindi ko talaga alam sa sarili ko na kahit alam ko kung sino ang mahal ko lagi pa din akong lumalapit kay Ara.

Shit!


Alam kong mali itong paraan ko pero ito nalang talaga ang naiisip kong paraan para malaman kung kanino ba talaga ako mananatili.


Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Ara.


("Yes, bakit ka napa-")


"Sleep with me tonight" Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya at agad ko nalang binaba ang tawag at kinuha ang susi ng sasakyan ko.

-----------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon