Chapter 42

108 0 0
                                    

Note: Ilang chapter nalang tayo ay magpapaalam na kay Nathan Andrade at papasukin na natin ang buhay ni Greg Andrade!

Leigh's POV

Ilang buwan nalang at manganganak na ako kaya grabe ang kaba ko pero mukhang masdaig pa iyon ni Nathan dahil may maramdaman lang akong masakit para na syang hindi makagalaw dahil sa kaba.


"Nathan.....mukhang kailangan natin ng makakasama dito sa bahay tulad ng inaalok ng mommy at daddy mo na ipasama saatin si manang Mina at mang Ben. Kinakabahan kasi ako sayo ehh. Baka kasi bigla ka nalang mahimatay dyan kapag manganganak na nga ako." Kita kong napatigil ito. Yan nanaman sya.


"I can take care of you......"


"Alam ko pero kasi kinakabahan din ako sayo." Naupo ito sa tabi ko. "Hindi naman meaning ng pagkuha natin ng kasama ehh wala ka nang pakinabang at hindi mo na kami maaalagaan" Sorry for the word pero mukha kasing ganon ang iniisip nya.


"Okay." Inabot ko likod ng ulo nya saka hinawak-hawakan ang buhok nya.


"I love you."


Nilingon ako nito saka unti-unting ngumiti. "I love you too." Binigyan nya ako ng matamis na halik na agad ko ding tinugon.


Una akong kumawala sa halik dahil baka kung saan ito mapunta.


"Hanggang sa manganak lang naman ako kailangan natin ng kasama at pag okay na edi tayo nalang uli ang magkakasama." Sumandal ako sa may balikat nito saka nilaro ang kamay nitong maugat-ugat pa.


"So hihiram na muna tayo ng katulong at driver kila mommy?" Tumango ako. "Sige, pero sure kana ba dyan?"


"Yes, ayos naman na ako at isa pa iba sila manang sa mga nakasalamuha ko noon kaya ayos na ayos lang saakin."


Tapos naman na kami kumain kaya oras na para matulog. Para sa iba maaga pa ang 7:30pm pero para saakin oras na iyon para matulog kami hindi dahil nasanay ako sa maagang pagtulog dahil laki akong probinsya pero dahil inaantok na talaga ako at sabi ng doktora ay dahil daw iyon sa pagbubuntis ko kaya nagiging antukin ako na kahit minsan 6:00pm palang inaantok na ako.


Inalalayan akong makahiga ni Nathan sa kama bago ito lumabas para icheck ang buong bahay. Lagi nyang ginagawa iyon at tuwing ginagawa nya yon para akong secure na secure talaga sa piling nya. Napakaswerte ko talaga sakanya.


Tinignan ko muna ng cellphone ko dahil baka tumawag sila mama uli pero hindi naman na kaya tumingin nalang ako sa kisame at hinintay na pumasok si Nathan sa kwarto.

*

Nagising ako at wala na si Nathan sa tabi ko. Bumangon ako saka inayos na muna ang kama bago lumabas ng kwarto. Imbes na sa dibdib ko ako napahawak, sa tiyan ko mismo ako humawak dahil sa gulat nang marinig ko ang nag-uusap sa sala.


"Leigh! What happen?" Mabilis akong napuntahan ni Nathan dahil nasa may unang hakbang palang sya ng hagdan. Umiling ako saka ngumiti. Lumingon na din saamin ang mga nag-uusap na magulang pala ni Nathan at ilang matatanda na naroon.


"Hi Leigh! Kamusta ka at ang apo ko?" Inalalayan akong makababa ni Nathan saka pinaupo sa pang-isahang sofa na katabi lang din ng inuupuan ng magulang ni Nathan.


"Ayos lang naman po" Halata sa mga mukha nito na excited na din sila sa paglabas ng bata.

"Nahihirapan ka na ba?"

"Opo minsan pero ayos lang naman po." Tumango tango ito.

"Btw, sila manang Gina, manang Mina, yaya Fe, at mang Ben ang mga makakasama nyo pansamantala dito sa bahay. Tumawag saakin kagabi si Nathan at sinabi mo nga daw na kailangan nyo na ng makakasama at buti nalang pumayag na kayo na may makasama kayo kahit pansamantala lang dito sa bahay dahil kinakabahan ako para sainyo lalo na't buntis ka pa Leigh at bilang ina ni Nathan alam ko din ang ugali nyan at syempre mahirap din na dalawa lang kayo dito sa bahay  at baka hindi nyo na alam ang gagawin nyo kapag manganganak kana tulad nalang noong pinanganak ko si ang kuya ni Nathan na si Adam, naku! Magkanda mali-mali na ang pinaggagawa namin ng daddy nila dahil nga sabihin natin handa na ng lahat pero pag dumating na ang araw ng panganganak doon mo lang mapapansin na hindi pa pala ang handa ang lahat." Natawa ako sa pagkukwento ni tita at sa tono na din ng pagsasalita nya na talagang mararamdaman mo ang nararamdaman nya base sa tono nya.


"Sa mismo palang buwan na manganganak kana pupunta kami dito para masamahan kayo dahil baka sila manang ay mataranta din. Sa Pangasinan na muna kami uuwi para malapit lang ng kaunti dito at sa pagpunta namin dito uli isasama na namin ang parents mo." Tumango ako kila tita at tito saka nagpasalamat ng marami dahil kahit hindi nila talaga ako kilala ng masyado tuloy pa din ang pagsuporta nila saakin.

"Nga pala Nathan anak, may maganda daw na restaurant na malapit lang din dito at balak namin puntahan yon ng daddy mo at isasama na din namin kayo lahat para doon na tayo maglunch. Then sa dinner mag-ihaw nalang tayo ng kung anong gusto nyo at bet ko din kasi magbonfire sa labas kaya doon tayo sa labas mamaya kakain. Bukas naman na ng tanghali kami aalis ng daddy mo kaya ayos lang." Hindi ko mapigilan na ma-excite para mamayang gabi. Shit! Bonfire! Dati ko pa talaga balak na magbonfire pero si Nathan lang naman ang kasama ko kaya wag nalang dahil boring pag dalawa lang kami.

"Daddy, bigay mo nga kay Nathan yang in-screenshot mong place para malaman nya."

Tumayo na ang lahat at sila manang ay pinadiretso na ni Nathan sa kanya-kanya nilang kwarto na nasa unang palapag lang ng bahay at si tita naman ay nagpaalam na muna na aakyat lang daw sa room nila para makapag-ayos. Nagpaalam na din ako kila Nathan na aakyat na muna para maligo.

"Gusto mo handaan na muna kita ng paligo para hindi kana gaano gumalaw galaw pa?" Umiling ako saka umakyat nalang.

Bago ako pumasok sa banyo nagtungo muna ako sa walk-in-closet at humanap ng magandang maternity dress doon. Nang makapili ako dinala ko iyon sa may kama. Hindi ako nagbibihis sa loob ng banyo at nagsusuot na muna ako ng bathrobe bago lumabas.

Natapos akong maligo agad kong pinatuyo ko na muna akong aking katawan bago sinuot ang bathrobe saka lumabas.

Nang makalabas ako naabutan ko si Nathan na nakatayo at tinitignan ang maternity dress na napili ko.

"Nathan." Pagkuha ko ng atensyon nito. Nilingon nya ako at pansin sa mata nya ang pagkamangha?

"You look so sexy." Lumapit ito ng kaunti saakin na may ngiti sa labi.

"Ewan ko sayo. Tumataba na nga ako ehh." Inirapan ko sya pero hindi pa din nagbago ang reaksyon nya.

Tinalikuran ko ito saka kinuha ang dress sa kama. Hindi ko pinansin ang presensya nya sa likod ko nung una pero unti-unti ko iyong napapansin nang maramdaman ko na parang may nagtatanggal ng buhol ng suot kong bathrobe.

"Ako na ang magtatanggal sayo nito." Alam kong may gagawin sya dahil sa pagkakatono nya kaya pipigilan ko na sana sya sa pagtanggal ng robe ko pero huli na.

Naramdaman ko nalang ang labi nyang dinadampian ang leeg, balikat, likod ko ng mapanuyang halik. Napapatingala nalang ako sa bawat paghalik nya sa leeg ko. Wala akong magawa kundi magpaubaya nalang dahil gusto naman ng katawan ko.

"Lie down and spread your legs for me Leigh." Natigilan ako.

"Nathan no! Ayokong ipasok mo yang alaga mo saakin lalo na't buntis ako!"

"Hindi ko naman ipapasok ehh.......may kakainin lang ako sayo...." Para akong nakaramdam ng grabeng pag-iinit at ang huli ko nalang namalayan ay  ungol nalang ako ng ungol sa binibigay na sarap ni Nathan.

—————————————————-

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon