Chapter 32

85 0 0
                                    

Leigh's POV

"The doctor said you're okay." Naupo ako at tinignan ito. Ngayon ko nalang naramdaman ang pag-aalala nya.


Kinabahan ako kanina nang may pumasok sa doktor sa kwarto ko. Buti nalang may inasikaso saglit si Nathan kaya ginamit ko ang pagkakataong iyon para kausapin ang doktora. Kinuhanan nya ako ng dugo dahil iyon daw ang utos ni Nathan. Hindi naman na ako tumanggi dahil sinabi ng doktora saakin na gagamitin daw nya iyon para malaman kung positive nga ba ako. Alam kong masamang magsinungaling dito at mandamay ng ibang tao para sa sarili kong kapakanan pero ginawa ko pa din dahil wala namang kasiguraduhan kung mananatiling maayos ang pakikitungo saakin ni Nathan sa oras na malaman nyang magkakaanak na kami.


Tinignan ko ang cellphone ko nang tumunog iyon.


Email iyon na mula kay Dra.Severino. Hindi ko muna binuksan ang email dahil baka makita ni Nathan.


"Kumain kana muna baka gutom lang yan." Binigay nito ang tray ng pagkain saka sinubo saakin ang sandwich na ginawa daw nya.


"Masarap ba?" Tahimik akong tumango. Masarap nga sya at mukhang gustong gusto ng bata sa sinapupunan ko ang gawa ng tatay nya.


"Gusto mo bang gumawa pa ako?" Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumango ako agad dahil baka magbago ang isip nya.


"Okay. Kainina mo yan lahat ahh at doon lang ako sa kitchen. If you need something tawagan mo lang ako." Tumango ako at sinubo ang pangalawang sandwich.


Nang makaalis sya nilagay ko na muna ang tray sa bedside cabinet saka kinuha ko yung phone para tignan ang sinend na email ni doktora.


Naluha ako nang makita ang resulta.......

....positive.......


.....hindi nga ako nagkakamali........


Binasa ko pa ang ilang nireseta at payo ni doc saakin hanggang sa natapos ito.


Wala sa sariling napahawak ako saaking sinapupunan at dinama ang hindi pa lumalaking tiyan ko.


Yung mga katanungan na bumabalot sa isipan ko kanina lang ay nagsilabasan nanaman at lahat ng mga ito ay nagsisiikutan nanaman sa utak ko.


Hindi pa ako handa..........


.......pero kahit ganon hindi ko ipapalaglag ang dinadala ko.....dahil anak ko to'. Hindi man ako panagutan ni Nathan hindi ko pa din ipapalaglag to'.


"Hi b-baby....." Hinimas himas ko ang aking tiyan at nakangiting umiiyak. "Mahal ko ang t-tatay mo pero.....h-hindi ko a-alam kung mamahalin nya t-tayo."


Pinahid ko ang aking luha at umakto na parang wala lang nangyari dahil baka bigla nalang umakyat si Nathan at makita nanaman akong umiiyak at magsimula nanaman syang magduda sa nararamdaman ko.

*

Kinabukasan........


"Leigh, we're going to amusment park today." Napatigil ako sa pagsukbit ng bag ko saaking balikat at hindi makapaniwalang tumingin dito.


"P-pero may pasok ako ngayon at kailangan ko nang pumasok dahil hin---"


"Nagbigay na ako ng letter kahapon para malaman nila kung bakit ka absent kahapon at ngayon." Napanganga ako at hindi na umapila nang kunin nito ang bag ko at ibalik sa pinagkuhanan ko kanina.


"A-anong gagawin natin doon?"


"Sumakay ng rides at magpakasaya." Hindi ko sya maintindihan pero kahit ganon sumama pa din ako dahil gusto ko ulit sumaya at makasama sya.


Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon