Chapter 39

94 1 0
                                    

Nathan's POV

"So sino ba talaga si Ara sayo?"


"Leigh, you're pregnant at baka mastress ka kapag pinag-usapan na natin lahat--"


"Just answer me. Sino si Ara sayo?"


Pumikit ako ng mariin saka nagmulat ng mata at diretso ang tingin kay Leigh. She's 6 months pregnant now. Sa ilang buwan na lumipas napakaraming nangyari. Naexplain na ni Leigh sa mga magulang nya ang lahat at sa una nagalit ang mga iyon pero hindi din nagtagal ay natanggap na din nila. Nagpromise ako sakanila na aalagaan ko si Leigh at ang magiging anak namin ng maayos dahil binabalak ng mga ito na iuwi na si Ara sa bahay nila pero buti nalang nagbago ang isip ng mga ito at binigyan na nila ako ng pahintulot.


"She's my friend." Tinignan ko ang bawat reaksyon nito at napapansin ko na parang hindi ito naniniwala. "Nainlove ako sakanya noon kahit sila palang ng kapatid ko na si Greg. Alam ko naman na wala akong pag-asa sakanya pero pinagpatuloy ko pa din. Nalaman ko na nagbreak sila ni Greg dahil sa busy schedule ni Ara lagi at may part saakin na sobrang saya ko dahil inlove na inlove talaga ako kay Ara at akala ko ay iyon na ang tamang oras para ako naman ang mahalin nya pero nagkakamali ako dahil kahit anong gawin ko para sakanya si Greg pa din talaga ang nasa puso nya which is boyfriend na ng kambal nya." Tumigil ako ng saglit dahil binabasa ko ang iniisip ni Leigh. Ayokong buksan ang topic na ito dahil buntis si Leigh at hindi ko kakayanin na duguin ito.


"Continue, Nathan. Kaya ko naman ihandle ang sarili ko at wag ka na mag-alala sa bata dahil kaya ko naman marinig lahat ng sinasabi mo."


Tumango ako at nagpatuloy muli kahit may parte saakin na nagsasabing wag ko na ituloy dahil baka nasasaktan ko na si Leigh hindi ko lang napapansin.


Inexplain ko lahat sakanya at pagkatapos non ay lumuhod ako sa harapan nya para magpantay kami at nagmakaawa nanaman na wag nya akong pagkatapos nyang marinig lahat ng mali ko.


"Wag ka mag-alala hindi kita iiwan dahil maganda dito at mukhang nagustuhan namin ni baby ang lugar dahil nakakarelax"

"Itong lugar lang?"

Hinawakan nito ang pisngi ko na nagpakalma sa nararamdaman kong kaba. "Malapit na kitang mapatawad. Bigyan mo lang ako ng time na buoin muli ang sarili ko at pagkatapos non sayong sayo na ako." Hinalikan nya ang nuo ko na lalo pang nagpakalma saakin.


Pagkatapos ng pag-uusap namin nakatanggap ako ng ilang tawag galing kila mommy at daddy at kinukumusta nila kami.


"Ayos lang naman po." Habang katawag ko si mommy nakatitig ako kay Leigh na nakatingin sa labas ng bahay.

"Yes mom. Okay ingat din. I love you, bye." Binaba ko na ang tawag saka nilagay ko na sa tray ang dalawang club sandwich at juice.


"Meryenda na. Saan mo gusto kumain?" Nilingon ako nito at kita ko sa mga mata nya na tuwang tuwa ito sa nakitang pagkain.


Leigh really loves sandwhich!


"Dyan ko nalang kainin." Binaba ko ang tray sa coffee table dito sa sala at inayos iyon.

Magana nitong kinain lahat ng hinanda ko. Iniwan ko muna sya saglit at bumalik muli sa kitchen para balikan ang ilang sandwich na hinanda ko at kasama na din doon ang akin.


Pinanood ko syang kumain hanggang sa dumako ang tingin ko sa baby bump nya. Napangiti ako habang tinitignan iyon. Ilang buwan nalang lalabas na ang baby namin! Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala a magiging ama na ako. Minsan nga ay tinatawagan o tumatawag ako kay kuya Adam para sa ilang tips. Tinuturuan nya ako kung paano magpatulog ng baby at magpalit ng diaper gamit ang videocall. Nakikipag-usap din minsan si Leigh kay Steph para makakuha din ng tips at kaalaman sa panganganak. First time namin ito kaya kailangan namin gawin ang best namin para maalagaan ang paparating na baby.


Halata ko kay Leigh na takot syang manganak dahil nakikita ko iyon sa mukha nya tuwing nanonood sya ng mga buntis na nanganganak. Pati ako ay natatakot din dahil halata talaga sa mga nanay na nahihirapan at nasasaktan sila pero trying hard pa din sila para mailabas ang anak nila ng maayos.


Hindi muna namin inalam ang gender dahil gusto ni Leigh na kapag nanganak nalang daw sya doon nalang namin malalaman ang gender kaya kahit gustong gusto na malaman ng buong pamilya namin ang gender wala pa din kaming magagawa dahil ayaw ng manganganak na malaman agad ang gender.


Normal na buhay lagi ang nararanasan namin dito sa beach house at sobrang saya namin dahil malayo kami sa mga mapanghusgang mga tao. Bihira lang din ako magbukas ng social media dahil nakay Leigh ang focus ko. Hindi din hilig ni Leigh ang social media at tanging sa balita sa tv lang sya nakakalagap ng sariwang balita.


Nang sumapit ang gabi nauuna itong pumasok sa kwarto nya at ako lagi ang nahuhuli dahil syempre maspinapauna ko sya at sinesecure ko pa ang buong bahay bago ako matulog.


Pipikit na sana ako nang marinig ko na may kumakatok sa labas ng kwarto. Dali-dali ko iyong binuksan dahil siguradong si Leigh iyon dahil wala naman nang ibang tao dito sa buhay kundi kami lang dalawa.

Nang buksan ko ang pinto bumungad saakin ang naka night dress na si Leigh na may dala pang isang unan. Shit! She looks very hot!

"Pwede ba ako matulog sa tabi mo?" Nakabusangot ito sa harapan ko at napapansin ko dito na nahihiya pa sya.

"Ofcourse!" Syempre sobrang saya ko na matutulog sya sa tabi ko dahil miss na miss ko na syang katabi!


Binuksan ko ang maluwag ang pinto at pinapasok iyon bago sinara at naglock ng pinto.


Inayos ko ang higaan at tinulungan itong makahiga bago ako pumunta sa pwesto ko at nahiga na din.


"Pangiti-ngiti ka dyan?" Kunot noo nitong sambit.


"Syempre sino bang hindi sasaya kung makakatabi na kita." Pansin ko na kinilig ito pero syempre maskinilig ako.

----------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon