Chapter 40

112 0 0
                                    

Leigh's POV

Maaga akong nagising pero masmaagang nagising si Nathan dahil paglabas ko ng kwarto nya naaamoy ko ang masarap nyang niluluto.

"Magbreakfast na tayo." Lumapit ito saakin saka inalalayan akong makababa ng hagdan.

There was a time na nahihirapan ako maglakad kaya buti nalang nandito sa Nathan dahil kung hindi baka gumapang na ako. Hinimas ko ang baby bump ko na malaki na ang umbok. Nararamdaman ko na ang pagsipa nya na lalong nagpapangiti saakin. May time na pinapahawak ko kay Nathan ang tiyan ko para maramdaman din nya ang pagsipa ni baby pero syempre may time din na ayaw ko sa hindi malamang kadahilanan.

Tuwing tinitignan ko si Nathan at lahat ng mga ginagawa nga para saamin nararamdaman ko na parang gusto ko nalang kalimutan ang lahat at mamuhay ng payapa kasama sya at hindi na intindihin ang lahat ng mga masasakit na nangyari sa buhay namin tulad ng ginawa ni ate Stephanie.

Pinanood ko ang paglalagay ng pagkain ni Nathan sa plato ko at ang ngiti nyang totoo.

"Eat now. Mamaya mamamasyal tayo sa mall na malapit dito para bumili ng ilang gamit ng baby." Parang nagliwanag ang mata ko at ang pandinig ko dahil aalis kami at nakaka-excite ang gagawin namin dahil mamimili na kami ng mga gamit!

Sa totoo lang dati pa talaga balak ni Nathan mamili ng gamit pero dahil lagi akong tinatamaan ng mood swings yung mga plano nya mamili hindi lagi natutuloy.

"Okay!" Masigla kong sambit saka sumubo na ng pagkain. Kaunti nalang magbabati na kami!

Hindi naman ganoon kalalim ang mga nagawa nyang mali pero masakit parin iyon lahat saakin. Kung si ate Stephanie nga napatawad nya si kuya Adam kahit pinakulong sya nito at ginawan ng malaking mali natuto pa din syang patawarin agad ni ate Steph dahil mahal pa din nila ang isa't isa at magkakaanak na sila that time.

Mabilis kong naubos ang pagkain ko dahil sa sobrang excite. Nagvolunteer akong maghugas ng pinagkainan pero nakikigulo si Nathan at mapilit ito na sya nalang ang maghugas kaya wala akong nagawa kundi maligo nalang at mag-ayos na ng susuotin ko para mamaya.

Nang matapos akong maligo at makapag-ayos lumabas na ako ng kwarto at naghintay sa sala. Hindi naman ganoon katagal ang hinintay ko dahil ilang minuto lang lumabas na si Nathan sa kwarto nya at umalis na kami.

Pagkarating namin sa mall para akong batang tuwang tuwa na parang hindi ako nakapunta ng mall. Dumiretso kami agad sa baby store at doon namili ng ilang gamit. Si Nathan ang pumili ng crib, toys, stroller dahil sabi nya magaling daw syang sumuri bg ganon kung matibay ba ito o hindi. Inuna kong pumili bg bottles dahil nasa tabi ko naman na ang bottle section. Pinili ko ang mga bottle na hindi ganoon masisira at hindi malulusaw kapag ini-sterilize. Sa mga damit naman sinabihan ako nila mama noon kung ano ang dapat ang bagay na kulay at tela para sa baby kaya iyon ang sinunod ko.

"Leigh" Hinarap ko si Nathan at nakita ko ito na may hila hilang stroller. "Maganda ba?" Lumapit ako sa dala nya at tinignan itong mabuti. First time kong tumingin ng ganto pero syempre isasaalang alang ko ang kaligtasan ni baby kaya tinignan ko ang stroller kung matibay ba ito o hindi dahil hindi porket maganda matibay na agad.

"Matibay ba to'?" Tumango ito.

"Okay." Binigay na nito ang stroller sa sales lady na naroon para mabalot na nito ang stroller saka sinamahan akong mamili ng mga damit.

"Stroller and crib lang ang nabili ko kasi hindi ko type ang ilang laruan dito." Tumango tango ako habang ang mata ko ay nasa mga damit pa din.

"May maternity dress din sila dito. May nakita ako doon na maganda at bagay sayo." Naramdaman ko na umalis ito sa tabi ko pero hindi din nagtagal ay nakabalik din ito dala ang sinasabi nyang maternity dress.

"Try this. Alam kong babagay yan sayo." Tinignan ko ang dala nya at saka kinuha iyon.
"Amin na muna yang mga bitbit mo para hindi ka mahirapan." Kinuha nito ang mga bitbit ko saka nilagay sa cart na inabot ng sales lady.

Sinukat ko ang maternity dress sa fitting room na naroon. Napakapresko sa katawan ng dress at hindi naiipit ang tiyan ko. Ang kulay ay bagay sa kutis ko. Napangiti ako nang makita ang repleksyon ko sa salamin. Lumabas ako ng fitting room upang ipakita kay Nathan ang dress na pinili nito para saakin. Kita ko sa mga mata nya ang pagkamangha na nagpapula ng aking pisngi.

"You look so beautiful in that dress." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili na ngumiti. Nahihiya kasi ako.

Pumasok ako muli sa fitting room at hinubad na ang maternity dress saka sinuot muli ang dress ko kanina. Nang makalabas ako naabutan ko si Nathan na nasa bottle section at mukhang natitipuhan nito ang matabang bottle na may design na superman. Tumabi ako dito at mukhang agad din nyang naramdaman ang presensya ko dahil dali-dali nyang binaba ang bottle.

"Why?" Pagtataka ko dahil sa biglaan nyang pagbaba ng bottle.

"Nothing." Umiling iling ito na parang may nagawang mali na ayaw sabihin.

"I saw you." Ngumuso ito saka tinignan muli ang baby bottle na natitipuhan nito.

"Gusto mo yan?"

"Yes...pero di pa naman tayo sure if the baby is a boy or a girl." Tinignan nitong muli ang bottle saka kinuha. "I think we should buy this." Nauna na itong naglakad saakin pero tumigil din agad ng makita ang isa pang bottle na may design naman a hello kitty. Kinuha din nya ang isang yon saka naglakad muli patungo sa counter.

Napailing-iling nalang ako sa mga ginawa nito saka sumunod na din sa may counter.

Habang nagbabayad si Nathan para akong nahiya. Simula kasi nang tumira ako sa bahay nya parang wala na akong nagagawang iba para sakanya at hindi ko din kayang magbayad ng mga pinamili namin dahil nga hindi naman sapat ang pera ko para doon.

Habang tinitignan ko si Nathan naaalala ko nanaman ang mga sinabi ng ibang kaibigan nito saakin noon. Sinabihan nila akong pineperahan si Nathan at umaasa lang sa pera nito dahil nga simula nang dumating ako sa Maynila palagi nalang akong nakaasa kay Nathan at sa pamilya nya.

"Hey are you okay? May masakit ba sayo? Gusto mo bang umuwi na tayo? Namumutla ka." Umiling ako saka ngitian ito para hindi na sya mag-alala. Masaya kaming pumasok sa mall kaya dapat lalabas kami dito na masaya din.

"Are you sure?" Tumango ako. Kinausap na muna nito ang manager ng store bago nya ako nilapitang muli. "Idedeliver nalang nila lahat sa bahay yung mga nabili natin para wala tayong bibitbitin habang namamasyal." Tumango lang din ako. "Sure ka? Okay ka lang? Kapag may nararamdaman ka sabihin mo sakin at uuwi na tayo."

"Ayos lang talaga ko." Humawak ito sa waist ko saka sabay na kaming naglakad patungo sa kung saan.

"Kakain muna tayo dahil baka gutom kana." Hindi na ako nakapalag dahil nakapasok na kami sa isang famous fast food chain dito sa mall.

----------------------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon