Chapter 2

180 1 0
                                    

Leigh's POV

"Ma, magtitinda na po ako." Kinuha ko na ang belt bag ko saka kinabit ito sa baywang ko.

"Sige. Mag-iingat ka anak."

Lumabas na ako ng bahay bitbit ang paninda kong balut. Halos mag wawalong taon ko na din ginagawa ito. Kailangan kasi namin ng dagdag kita para sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay kaya gumagawa din ako ng paraan para matulungan ko ang mga magulang ko. Tumigil na ako ng pag-aaral at tanging highschool lang ang natapos ko dahil mas pinili ko na makapag-aral ang nakababata kong kapatid kesa saakin. Parehas na magsasaka ang magulang ko at kahit malaki ng kaunti ang kinikita nila sa pagsasaka hindi pa din iyon sapat para mapag-aral nila kaming tatlo ng sabay kaya kahit gusto ko man makapag-aral ay hindi ko na ginawa at tumulong nalang ako sa magulang ko.

"Balut! Balut kayo dyan!" Patuloy lang ang pagtawag ko ng malakas para marinig ako ng mga gustong bumili ng balut.

"Balut!"

"Balut!"

"Balut!"

"Ate pabili nga po ng balut." Nilingon ko ang nagsasalita at yung bata pala na suki ko iyon.

"Ilan beh?"

"Dalawa lang po." Kumuha ako ng supot at doon nilagay ang dalawang mainit na balut saka kumuha pa ng isang plastic para sa lalagyan naman ng suka saka inabot dito ang binili.

"Magkano po?"

"30 lahat." Kinuha ko ang saktong pera nito saka umalis na.

"Balut!"

"Balut" Dumaan ako sa mga suki ko para mabilis ang benta.

"Ate Ayet! Bili po kayo?" Tanong ko sa unang suking napuntahan ko.

"Ayy oo. Kanina pa namin hinihintay yang tinda mo." Ngumiti ako habang hinihintay iting lumabas ng bahay. "Lima yung bibilhin ko." Kinuha ko ang limang balut sa basket saka kumuha na din ng suka.

"Yan po. 70 po lahat." Inabot nito ang saktong pera bago umalis. "Salamat po." Pahabol ko.

Sunod-sunod kong pinuntahan ang mga suki ko hanggang sa pinaka huli kong suki.

"Ayy Leigh, try mo kaya magbenta doon sa malaking bahay baka bumili yung may ari sayo." Binigay ko ang binili nito.

"Yung malaking bahay po na bihira lang magkaroon ng tao?" Tumango ito saka inabot ang bayad.

"Sabi nila may tao na daw doon dahil maliwanag na lagi ang bahay. Dumaan ka doon tas sigaw ka ng balut para marinig nila at maghintay ka ng saglit kung may lalabas ba ng bahay pero kapag wala edi wag nalang....." Binigay ko ang sukli nito saka nagpaalam.

"Sige po alis na po ako."

"Sige basta dumaan ka doon!" Nakangiti akong tumango saka lumakad na.

"Balut!" Sinunod ko ang sinabi ng huli kong suki. Dumaan ako sa malaking bahay at tama nga ito mukhang may tao na nga doon dahil maliwanag na ang bahay.

"Balut po!" Binagalan ko ang lakad at naghintay na may lumabas ng bahay.

Nathan's POV

"Kuya! Gusto mo ng balut?" Tinignan ako nito ng naguguluhan.

"Balut? Bakit meron ba?" Tumango ako.

"Sige bumili ka." Umakyat ako agad sa kwarto ko para kumuha ng pero saka nagmadadaling lumabas pero nadismaya ako dahil wala na yung nagbebenta.

Lumingon lingon ako kung saan para makita ang nagbebenta na sigurado ko na sya yung babae kanina. Natanaw ko na nasa malayo na sya kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at sinundan ko na ito agad para makabili ng balut.

Tumigil sya sa isang bahay na may kalakihan din at may lumabas na lalaki mula doon. Hula ko ay magkaedad lang kami at nakikita ko na parang may kakaibang ugnayan ang dalawa. Lumakad ako ng diretso hanggang sa makalapit ako sa babae.

Paepal na kung paepal pero hindi magpapatalo ang pinakagwapo kong mukha.

"Hey....can I buy some balut?" Pag-iingles ko. T*ngina para akong tanga!

Gulat itong tumingin saakin pero agad din namang tumango saka humarap sa lalaki na kung ikukumpara saakin ay masgwapo pa din ako.

"Sige Johnny, aalis na ako." Tumango si Johnny Johnny yes papa sa babae saka umalis na.

Sinundan ko lang ito hanggang sa tumigil din agad.

"Ilan ang bibilhin mo?"

"Teka bakit hindi mo ako pinagbentahan doon?"

"Wala lang. Ilan bibilhin mo?" Pag-uulit nito.

Tinignan ko ang basket na may takip na parang damit. "Ilan nalang ba yang tinda mo?" Nakita ko ang gulat sa mga mata nito saka binilang ang paninda.

"Mga 27 pcs pa ito...." Tumango tango ako.

"Sige kukunin ko na yan lahat. Magkano?"

"Huh?....k-kunin mo na? Kakainin mo lahat to'?"

"Yes. May challenge kasi kami at Balut Challenge ang tawag at sakto naman na may narinig kami na nagbebenta ng balut dito kaya imbes na pupunta pa kami ng bayan para bumili sayo nalang kami bibili." Nakita ko ang magandang ngiti nito. Shit! Nakangiti lang sya pero bakit bigla nalang nabubuhay ang pagkalalaki ko. Hindi naman ako ganito sa ibang babae na kahit maghubad na sila sa harapan ko ay wala paring talab saakin.

"Salamat. 14 pesos ang isa at 27 ang bibilhin mo kaya 378 lahat." Tumingin ito sa paninda saka binalik ang tingin saakin. "Ilalagay ko pa ba sa plastic? Wala kasi akong malaking plastic dito."

"Sige ganto nalang samahan mo nalang ako papunta sa bahay at may lalagyan naman doon at doon ko nalang ilalagay para hindi ka na mag-abala pa sa pagsusupot." Nahihiya itong tumango. Kinuha ko ang bitbit nitong basket saka nauna nang naglakad. "Ako na muna ang magbibitbit neto hanggang sa bahay."

Pagkarating namin sa bahay nakita ko sa labas ang sekretarya ni kuya na parang may hinahanao at nang tanungin ko nalaman ko nalang na ako pala ang hinahanap nya. Nagpakuha ako dito ng lalagyan para sa balut at buti nalang hindi na ito nagtanong pa at pumasok na din sa loob. Pagkalabas nito may dala-dala na itong maliit na basket at doon namin nilagay ang lahat ng balut.

"Ito pala ang bayad." Inabot ko sa babae ang 500 pesos na buo. Kukuha pa sana ito ng sukli sa beltbag na dala pero pinigilan ko. "Wag mo na akong suklian. Sayo na yan"

"Ayy salamat po ser......." Pinanood ko ang reaksyon nito habang tinitignan ang bahay namin.

"Dito po pala kayo nakatira....." Kita ko sa mga mata nito ang pagkamangha sa nakikita.

"Yes." Hinarap ko nito saka nagpasalamat.

"Sige basta bukas dumaan ka ulit dito para makabili kami ng balut."

"Sige po sir. Salamat po pala ulit."

"Walang anuman. Sige umuwi kana para makapagpahinga kana agad ng maaga." Tumango ito saka masayang umalis.

Sobrang ganda nya......at hindi mo aakalain na ganito ang pamumuhay nya.....

------------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon