Chapter 29

75 0 0
                                    

Leigh's POV

2 months na ang nakalilipas at sobrang bilis ng araw. Ayos lang naman ako sa school dahil mababait pala ang mga tao doon dahil tanggap nila kung ano talaga ako. Kung sa school ay maayos at masaya ako dito naman sa penthouse para akong hangin.


Nag-iba na sya. Sa dalawang buwan na lumipas ilang beses nya lang akong pinansin. Hindi na din ako natutulog sa kwarto nya dahil nararamdaman ko na tuwing nandoon ako hindi sya tumatabi saakin.



Yung dating pinagsamahan namin ay miss na miss ko na. Lagi nyang sinasabi busy sya kaya hindi kami magkakasamang kumain. Isang araw pumunta dito ang mommy nya at tinanong ako kung kamusta na ako dito sinabi ko na ayos lang naman pero hindi ito naniwala dahil nakikita nya pala sa anak nya na nag-iiba ito ng pakikitungo pati na din sakanila na pamilya nya.


Lumingon ako nang makarinig ng yabag. Nandito na pala sya.


"K-kumain kana ba?" Nahihiya kong tanong.


"Yes. Matutulog na ako." Napangiti ako ng mapait sa maikli nyang sinabi.


"Nathan." Tawag ko dito.


Tumigil ito sa gitna ng hagdan at nilingon ako gamit ang malamig nyang reaksyon. "Yes?"


Habang tumatagal ang malamig nyang ekspresyon hindi ko magawang maibuka ang aking bibig. Marami akong gustong sabihin sakanya pero walang gustong lumabas na salita saakin.


"W-wala." Bumalik na ako sa kitchen at tinapos ang paghuhugas ng pinagkainan at inayos na din ang dapat sana kakainin ni Nathan.


Mapait akong ngumiti at pinahid ang luhang kumawala sa mata ko at nilagay sa ref ang ulam. Nag-effort pa naman akong magluto ng paborito nyang ulam hindi naman pala sya kakain sana pala natulog nalang ako.


Umakyat ako sa kwarto at natulog na. Pagod ako ngayon kaya agad akong nakatulog. Sana kinabukasan wala na ang malamig nyang pakikitungo saakin.....dahil hindi ko na kaya.


Kinabukasa.................


"Goodmorning." Masaya kong bati dito. Maaga akong nagising para paghandaan sya ng pagkain bago sya pumapasok. Kapag nagigising kasi ako wala na sya at hindi ko alam kung nakakain na ba syo o hindi kaya ngayon nag-effort talaga ako na gumising ng madaling araw para maabutan ko sya.


"Kain kana ng brea---"


"Sa opisina na ako kakain. Nagmamadali kasi dahil may meeting ngayon. Baka gabihin na din ako umuwi o kaya kapag sobrang dami talagang ginagawa baka magpapabook nalang ako ng hotel malapit sa company mamaya. Ikaw na ang bahala sa penthouse. Aalis na ako." Hindi ko na nagawang makapagsalita pa dahil agaran na itomg umalis.



Napangiti ako ng mapait sa isiping hindi nanaman sya uuwi. Lahat ng effort na ginagawa ko sakanya napupunta lang sa wala. Pinunasan ko ang luhang lumandas saaking pisngi at walang buhay na kinain ang hinanda kong umagahan para kay Nathan.


Wala naman akong nagawang mali sakanya kaya wala akong alam kung bakit nya ginagawa saakin ang mga ito. Ang huli naming pag-uusap ay iyong nagbati kaming dalawa matapos nya akong paasahin na magkakaroon kami ng dinner. Pagkatapos non wala na akong alam kung bakit unti-unti na syang dumidistansya saakin. Noong una naglalakas loob akong tanungin sya pero puro kibit balikat lang ang lagi nyang sagot saakin. Ngayon wala na akong lakas para tanungin pa sya dahil napupunta lang naman sa wala iyon.


Inalis ko lahat ng sama ng loob ko sa pamamagitan ng paglilinis ng buong bahay. Gusto kong pagudin ang sarili ko ngayon para hindi ko ganoon maalala ang lalaking yon.


Lumabas ako ng laundry area nang makarinig ako ng yabag. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang pamilyar na babae.


Sya yung pumunta na din noon sa probinsya......


"Hi! Nandito ba si Nathan?" Tinignan ko ito at ang hawak nya.


"W-wala...."


"Ahh okay. Ito pala yung pinapagawa nya saaking breakfast." Breakfast? Ibigsabih---


"Ohh! Nathan!" Tumingin akong muli sa babae. Pinanood ko itong makipag-usap sa cellphone at hindi makapaniwala sa binibigay nitong reaksyon. Kilala ko kung sino ang kausap nya.


Gusto ko na sanang umalis sa harap nito pero di ko magawang maigalaw ang aking mga paa kaya wala akong nagawa kundi ang manatili kahit na nagmumukha na akong tanga.


"Dala ko na yung pinapagawa mo saaking breakfast. Asan ka ba? Nandito ako sa penthouse mo. Huh? Oo, nandito sya." Nilingon ako ng babae at ngumiti saakin. Yung ngiti nya ay walang halong kaplastikan.


"Sa opisina mo nalang? Sige. Bye!" Binaba na nito ang tawag at humarap saakin at nagpaalam bago umalis ng bahay.


Hinawakan ko ang nananakit kong puso. Nasasaktan ako.


Puro lang ba kasinungalingan yung mga sinabi nya saakin noong una?


Sinabi lang ba nya yon para magawal nya ako?


Tanga ba ako at pinagkatiwalaan ko sya?


Kita ko sa mata ng babae kanina na masaya sya habang kausap si Nathan at nasasaktan ako tuwing naiisip ko na sa iba nya hinahanap ang mga bagay na gusto kong gawin para sakanya.


Pinunasan ko ang tuloy tuloy na pag-agos ng luha ko at naupo sa sahig. Parang unti-unting dinudurog ang puso ko sa lahat ng naiisip ko.


Napakaganda nya........at bagay sila ni Nathan....kaya bakit ako ang sinabihan nyang mahal nya pero sa babaeng iyon nya binibigay ang pagmamahal na gusto kong maranasan uli.


Walang buhay akong bumalik sa laundry area at pinatay ang washing machine. Kinukuha ko na ang mga nalabahan na nang bigla akong nakaramdam ng hilo. Pupunta na sana ako sa kitchen upang makakuha ng maiinom nang makaramdam akong muli ng hilo kaya napagpasyahan kong munang tumigil hanggang sa mawala ang hilo ko pero sa pagtigil kong iyon akala ko maalis na agad ang sakit ng ulo ko pero nagkakamali ako dahil unti-unti akong nanghina hanggang sa ang huli ko nalang namalayan ay bumagsak na ako sa sahig kasama ang mga isasampay ko na sanang mga damit.

----------------------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon