Chapter 6

103 1 0
                                    

Nathan's POV

Binaba ko na ang dalawang basket sa tapat ng bahay nung Johnny. Naaalala ko pa naman ang bahay nila dahil kagabi ko lang naman nakita yun. Nilingon ko si Leigh at nakabusangot itong lumapit saakin.

"Sige na makakaalis kana....ako na bahala dito."

"Bakit ganyan mukha mo?" Pagkukunwari kong hindi alam ang dahilan.

"Sa tingin mo sino kaya ang magugustuhan yung sinabi mo kanina na halata namang bastos." Natawa ako at kumamot sa ulo.

"Tinanong kita kung gusto mo ba ng itlog at tumango ka naman edi ang sinabi ko itlog n----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hampasin ako nito ng sobrang lakas.

Napahawak ako sa parte na pinalo nito saka tumingin sakanya habang iniinda ang sakit. "Grabe! Sobrang bigat pala yang kamay mo...." Napatanga lang ako nang irapan nya ako.

Tinawag na nya yung Johnny pero hindi pa din ako umaalis. Gusto ko lang kasing makita yung gagawin nila....baka kasi hindi lang pag-abot ng balut ang gagawin ehh......

Lumabas na yung Johnny at kita sa reaksyon nito ang pagkabigla na alam ko naman na ako ang dahilan dahil nakatingin sya saakin yung tingin nya ay parang iba.........pero pinagsawalang bahala ko nalang dahil hindi ko pa naman ganoon kilala ang lalaking ito at isa pa sinamahan ko lang si Leigh na mag-abot.

"Hindi mo naman sinabi na---" Hindi ko na narinig ang huling sinabi nito dahil binulong nya lang yun kay Leigh na ikinangitngit ko. Pagkatapos ng bulungan nagtawanan pa ang dalawa sa harap ko.

"Sige kunin ko na yung mga balut. Ipapamigay daw ito ni mama mamaya sa mga kumare nya kasi pupunta sila dito sa bahay at sakto naman nakabili ako ng balut......" Tumingin itong muli saakin. "...ikaw gusto mo din ng balut?"

Umiling ako. "Sorry hindi ako kumakain nyan." Napanganga ako sa maling sinabi. Napatingin ako sa gawi ni Leigh at may iba sa binigay nitong reaksyon saakin.

"Hindi ka naman pala kumakain ng balut---" Para akong nakaramdam ng labis na konsensya nang makita ko sa mukha nya ang sakit.

Isip! Isip ng palusot! Isip! Ayun!

"I mean hindi ako kumakain ng balut kapag umaga palang pero sa gabi gustong gusto ko ng balut kaya nga bumili ako ng maraming balut kasi gustong gusto ko yun at ng kapatid ko." Kahit mahirap paniwalaan ang palusot ko sige pa din dahil ayokong makita ang nalulungkot na mukha ni Leigh.

Sa kabila nang konsensyang nararamdaman ko nakaramdam din ako ng pagbilis ng tibok ng puso at parang may kakaiba. Naalala ko na nangyari na din saakin to' pero kay Ara at hindi ko alam kung parehas lang ba ang nararamdaman ko noon at ngayon.........

"Ayy oo nga pala Leigh, baka daw babalik na yung isa mong fav na player mamaya kaya maganda talaga ang laban mamaya." Nakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Johnny. Saan naman kaya sila pupunta at anong laban yun?

Napatingin ako kay Leigh at kita ko ang excitement sa mata nitong nakatingin kay Johnny. Para akong nakaramdam ng hiya dahil parang hindi naman talaga ako belong dito. Unti-unti na akong lumayo sakanila at umalis na.

"Excuse me!" Hindi ko pinansin kung sino man ang sumisigaw at diretso lang ang lakad. Para akong bata na hindi pinansin ng crush nya.

"Uyy!"

"Uyy!"

"Uyy! Nathan!" Tawag ba nila ako?

Hindi pa din ako lumingon. Pasensya na yung mood ko kasi lumipad....

"Nathan! Gusto mo sumama manood ng basketball?" Napatigil ako. Hindi dahil gusto kong manood ng basketball kundi dahil nagyaya sila.

Lumingon ako at naabutan ko na parehas silang nakatingin saakin.

Tinaas ko ang kilay ko doon sa Johnny dahil boses nya ang narinig kong tumawag saakin.

"Gusto mo sumama bro?" Umiling ako. Pag tinamaan talaga ako ng katopakan gusto ko pilitin muna nila ako.

"Okay sige. Next time ka nalang ulit namin yayayain." Napanganga ako. Hindi nila ako pinilit? Ganun ganun nalang talaga yun? Pero sino ba naman ako para mag-inarte pa ehh hindi naman talaga nila ako kilala.

Umalis na ako at hindi na ako nakarinig pa ng tawag mula sakanila. Hindi na ako dumaan sa kung saan man at diretsong uwi nalang ako. Pagkarating ko sa bahay agad sumalubong saakin ang sekretarya ko dito at ngiting ngiti itong lumapit saakin.

"Sir, pwede po ba magrequest?" Tumango ako ako. "Yung kapatid ko po kasi may laban ngayon ng basketball. Pwede po ba akong manood? Natapos ko naman na po lahat ng pinapagawa nyo at yung ibang kailangan nyo po ay nilagay ko na po lahat sa opisina nyo dito." Tumaas ang kulay ko saka nang-aasar na tinignan ito.
"Sige na po sir. Ngayon nalang po kasi makakapaglaro ulit yung kapatid ko dahil nainjured po sya noon kaya tumigil muna sya maglaro pero ngayon gumaling na po kaya babalik na sya sa paglalaro."

"Okay....pero..."

"Pero?....."

"Sasama ako. Manonood din ako ng laro ng kapatid mo." Kita ko sa reaksyon nito ang gulat na nawala din agad saka ngumiti.

"Sige sir!" Tumango ako bago umalis at magtunho sa kwarto ko.

Tinanggal ko lahat ng saplot ko saka dumiretso na sa banyo. Binuksan ko ang shower at parehas na sinandal ang palad ko sa pader ng shower area.

Niisip ko kung paano nalaman nung Johnny ang pangalan ko ehh di ko naman sinasabi sakanya yung pangalan ko..........

Pero naalala ko na sinabi ko pala kay Leigh ang pangalan ko kaya siguro sinabi na din nya kay Johnny........

Okay wala din palang kwenta ang iniisip ko.......

---------------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon