Chapter 5

120 2 0
                                    

Leigh's POV

"Oh! Johnny nandito ka pala." Pinaupo ko ito sa mahabang upuan na gawa sa kahoy.

"Nakita ko kasi itong si Lance kanina at mukhang pinagtitripan nanaman sya ng mga dati nyang kalaro pero wag ka mag-alala pinaalis ka naman na sila. Hinatid ko na din si Lance dito para sabay na dahil pupunta din naman ako dito sa bahay nyo para manood ng basketball sa bayan." Nagpasalamat ako kay Johnny sa ginawa nito para sa kapatid ko. Nilapitan ko agad si Lance para suruin ang buong katawan nito kung may galos pero buti nalang wala kaya nakahinga ako ng maluwag. Pinagbihis ko na ito dahil sobrang dumi na at sigurado ako na galing nanaman sya sa bukid at doon naglaro.

Hinarap kong muli si Johnny. "Nga pala....may laban ba ngayon?"

"Oo, kaya nga niyaya kita ehh." Pabiro ko itong inirapan.

"Ewan ko sayo. Alam ko na kasi yung style mo na yayayain mo akong manood ng basketball sa bayan tapos yun pala wala namang laro at kakain lang tayo sa bayan."

"Pero totoo nga! May laban nga ngayon at nakita ko sa facebook page ng bayan yung dalawang team na magagaling daw ang maglalaban ngayon." Tumingin pa ito na parang umaasa na sasama nga ako.

Marami pa akong gagawin at isa pa laging 5pm ang simula ng laban at depende ba kung 1st game o second game yung gusto kong panoorin na laban at isa pa hindi ako pwedeng lumiban sa pagtitinda. Ang pagtitinda ng balut dito sa lugar namin ay dapat 7:30pm palang dapat magsimula na akong magtinda dahil maagang natutulog ang mga tao dito.

"Sige ganto nalang sasama ako kapag 1st game ang laban dahil pwede pa akong umabot sa pagtitinda ng balut."

Pinanood ko ang pagkamot nito sa ulo saka nag-aalinlangan na tumingin saakin.

"Ano kasi......second game yung laro dahil syempre inaabangan lagi ang laro na yun at kapag inunan nila ang dalawang team na yun edi wala nang manonood sa second game."

Parehas kaming sumimangot. Hindi ako makakasama at hindi ko makikita ang paborito kong player sa basketball........kung pwede lang sana lumiban sa pagtitinda pero kapag lumiban naman ako tiyak na wala kaming pera kinabukasan. Marami pa namang gastusin sa pag-aaral ng mga kapatid ko at hindi kaya nila mama at papa na tugunan lahat ng iyon dahil kahit malaki din ang kinikita nila sa pagsasaka sa farm ng mga Andrade hindi pa din iyon sapat dahil marami kaming pinag-uutangan at masisipag maningil lahat ng inuutangan namin.

"Pasensya na p-pero hindi ako makakanood. Siguro sa finals nalang ako manonood." Umirap ito saakin.

"Nubayan! Sige na nga magkano ba lahat yung binebenta mo laging balut at babayaran ko nalang para masamahan mo akong manood." May kinuha ito sa bulsa na wallet saka may nilabas na tatalong libo.

Napaatras ako sa ginawa nito. Masyadong malaki ang pera at hindi ko kayang tanggapin yon lalo na't hindi ko naman pinaghirapang makuha.

"Uyy....wag na na. Hindi talaga ako sasa---"

Tumayo ito saka lumapit saakin. "Tanggapin mo na at isa pa may utang ako sayo." Sapilitan nitong kinuha ang kamay ko at doon nilagay ang tatlong libo. Hindi ako agad nakagalawa dahil iniisip ko pa kung saan sya nagkaroon ng utang saakin.

"Sige alis na ako. Sunduin nalang kita dito mamaya." Umalis na ito agad nang hindi hinihintay ang sagot ko.

Tinignan ko ang tatlong libo na hawak ko ngayon. Sobra sobra ito lalo na't kaunti lang naman na balut ang binebenta ko. Dali-dali akong lumabas ng bahay at hinanap si Johnny pero hindi ko na sya matagpuan kaya nagpunta ako agad kay Aling Selya para tanungin kung ilang balut ang nasa kanila ngayon.

"Aga mo naman yata Leigh...."

"Uhm....may bumili po kasi agad ng balut saakin at kukunin nya lahat ng paninda ko kaya kung pwede po sana madaming balut ang meron kayo ngayon kasi kukunin ko po iyon." Kita ko sa reaksyon ni aling Selya ang gulat pero agad din namang umalis sa tindahan at pumasok ng bahay.

Hinintay ko ang paglabas nito at habang naghihintay ako may isang manyakis akong nakita.

Sya yung kaninang muntikan na akong halikan sa kalsada at sa harap ng mga mapanuring tao. Ngumiti ito saakin at kumaway kaya agad akong umiwas ng tingin dahil ayokong makita syang muli lalo na't delikado sya para saakin dahil manyakis sya.

Naramdaman ko ang pagtabi nito saakin kaya maslalo kong tinatagan ang sarili ko na hindi ito pansinin. Naamoy ko ang matapang pero mabango nitong amoy na nagpapaalarma saakin na malapit lang sya saakin. Unti-unti kong nilayo ang sarili ko sakanya at nakahinga naman ako ng maluwag dahil dumating na din sa wakas si aling Selya na dala dala ang dalawang basket ng balut.

"Leigh, ito na pala yung mga balut. Mainit yan kaya habang ganyan palang yan ehh dalhin mo na doon sa sinasabi mong pumakyaw ng paninda mo." Nagbayad agad ako kay aling Selya na ikinagulat nito saka kinuha ko agad ang dalawang basket para makaalis agad.

"Sige po, alis na po ako at dadalhin ko na po ito kay Johnny..."

"Ayy si Johnny ba ang bumili? Ano naman kaya ang gagawin nya dyan lahat at sobrang dami naman yata ng binili nya." Sa hindi malamang dahilan tumingin ako sa kinaroroonan nung lalaki at nandoon pa din iyon at hindi ko mabasa ang reaksyon na binibigay nya. Hindi ko namn sya kilala kaya hindi ko nalang pinansin.

Nagpaalam na ako kay aling Selya at dumiretso na sa bahay nila Johnny dala ang mga balut. Aaminin ko mabigat nga ang mga dala ko pero hindi ko nalang ininda dahil wala namang bubuhat nito kung hindi ako lang at malapit lang naman ang bahay nila.

Dahil sa bigat ng dalahin binaba ko na muna ang dalawang basket saka pinunasan ang pawis sa mukha ko. Huminga ako ng malalim bago ko kunin ang mga basket pero nagulat ako nang may naunang nagbitbit sa isang basket. Nilingon ko ang taong gumawa nun at muntikan ko nang mabagsak ang dala kong isang basket nang makita nanaman ang mukha nya.

"A-anong ginagawa mo?" Hindi ako nito pinansin at kinukuha ang bitbit ko pero nililihis ko iyon sakanya upang hindi nya mahawakan.

"Ano bang ginagawa mo?" Matapang kong sambit. Tumigil ito sa pag-agaw ng dala ko at tumingin ng diretso saakin.

"Tutulungan na kita dalhin yan....." Nilihis ko pa din ang dala ko nang balakin nyang kunin itong muli.

"Kaya ko naman at isa pa hindi kita kilala at---"

"I'm Nathan." Napatigil ako sa agarang pagpapakilala nito pero agad ko din akong nakabawi.

"Kahit magpakilala ka pa saakin hindi pa din kita kilala....k-kaya akin na yang isang basket kaya ko namang dalh--" Naging mabilis ang pangyayari at nakuha nya agad ang isang basket na dala ko.

"Akin na yan!" Hindi ako nya ako pinansin at nagdirediretso lang sa paglalakad. Hinabol ko ito at pilit na inaagaw ang mga dala.

"Amin na yang mga itlog!" Pilit ko dito pero naging matigas pa din ito.

Natatanaw ko na ang bahay nila Johnny at kailangan ko na talagang makuha ang mga balut sa lalaking ito na Nathan daw ang pangalan dahil ayokong maissue kami sa harap ng kaibigan ko.

"Amin na nga yang itlog!"

Tumigil ito at hinarap ako. "Gusto mo ng itlog?" Tumango ako pero pinagsisisihan ko na agad ang sagot kong iyon matapos kong marinig ang sagot nito.

"Sige kung gusto mo ng itlog ibibigay ko sayo yung itlog ko na may kasama pang mahabang hotdog sa gitna." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Hindi naman ako bobo para hindi malaman ang ibig nyang sabihin.

"Bastos!" Umalis na ito agad at rinig ko ang pang-asar nitong tawa.

MANYAK TALAGA!

----------------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon