Chapter 17

75 0 0
                                    

Leigh's POV

Sino kaya yung kasama nya? Ngayon ko lang nakita ang babaeng kasama nya kanina dito. Maganda, sexy, makinis ang balat, at mukhang yayamanin ang babae. Mukhang magkakilalang magkakilala sila.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko dahil bago lang ako sa ganito. Kahit kailan hindi pa ako nagmamahal ng lalaki dahil nakafocus ako sa pagkita ng pera para sa pamilya ko kaya nawawala sa isip ko ang maghahanap ng lalaki. Kung crush kasi pwede pa dahil may nga ilan akong crush pero dahil iyon sa galing nila maglaro ng basketball at hindi sa panlabas na anyo.

"Uyy Leigh, nakita mo lang na may kasamang ibang babae si Nathan hindi kana gumalaw. Ikaw hah! Baka kung ano na yang nararamdaman mo!." Nilingon ko ang baklang si Johnny.

"Hala sya! Wala naman akong pake kahit sino pa ang isama nya dahil wala namang kami...." Kumuha ako ng maliit na bato at tinapon iyon sa tubig.

"Ayy parang iba na yang sinasabi mo. Mukhang may pinaghuhugutan ka doon sa sinabi mo ahh!" Kunot noo ko itong nilingon.

"Totoo naman kasi yung sinabi ko." Tumayo na ako at inabutan ng tuwalya si Lance na umahon na.

Balak ko pa sana maligo sa batis pero sa hindi malamang dahilan tinamad na ako. Niyaya ko na ang mga kapatid ko na umuwi na at buti nalang sumunod na sila.

Nilingon ko si Johnny at yung kasama nya na pinakilala nya saakin na si Henry "Iwan ko na kayo dyan. Uuwi na kasi sila mama mamaya at hindi pa ako nakakasaing."

Nagtaklob ako ng balabal sa ulo at mukha ko dahil sa init ng araw at ayoko naman mangitim ako dahil baka kung ano nalang sasabihin ng mga magiging kaklase ko sa kolehiyo kapag nakita nila akong maitim at mukhang manang tignan.

Sinearch namin ni Johnny yung school na nakalagay sa binigay na scholarship ng Andrade Company saakin at nagulat ako nang makita ko na sobrang laki talaga ng school at halatang para sa mga sosyal iyon. Nagulat din kami ng makita namin kung magkano ang tuition at ayoko nang pag-usapan ang tungkol doon dahil napakamahal talaga. Napakayaman siguro talaga ng pamilya Andrade.

Pagkarating namin sa bahay nagulat kami nang nay bumungad na dalawang lechong manok sa labas ng bahay. Kinuha ko iyon saka luminga linga kung saan-saan dahil baka hindi naman saamin ito at napagkamalan lang ang bahay namin. Nakita kong lumabas ng bahay si Manang Mayet kaya tinanong ko kung sino ang nagdala ng mga lechong manok pero wala itong alam kung sino. Tumango nalang ako at pinapasok na ang mga naguguluhan ko ding mga kapatid sa bahay para makabanlaw na sila.

Nilapag ko ang dalawang lechong manok sa lamesa at tinitigan. Kanino kaya ito galing?

Hinanapan ko ng sulat ang balot ng manok pero walang nakalagay.

Tinigil ko na muna ang pag-iisip ko at nagsimula na magsaing. Siguro naman may darating mamaya at kukunin itong mga manok dahil nagkamali ng pinagbigyang bahay.

Natapos akong magsaing pero wala ding kumukuha ng manok kaya napakamot nalang ako  sa batok at tinawagan si Johnny baka kasi alam nya.

"Johnny!"

("Oh?")

"May lechong manok kasi kanina sa labas ng bahay at hindi ko alam kung para saamin ba o hindi dahil wala namang nakakaalam kung sino ang nagbigay." Tumingin akong muli sa dalawang balot ng manok.

("Ayy wow! Sarap nyan! Kainin nyo na kapag may naghanap bayaran nyo nalang.") Napaira ako sa hangin.

"Tungaks!"

("Ehh hindi ko din naman alam kung sino nagbigay nyan...ayy wait lang tanong ko si Henry.") Narinig ko sa kabilang linya ang pagtanong nito kay Henry at narinig ko din ng paghindi nito at may sinabi pa sya pero hindi ko na naintindihan dahil may mga nagsisigawan na bata sa kabilang linya. ("Ayy girl, hindi din daw galing sakanya yan at yayayain ka palang daw sana nya kumain sa labas mamaya. Pero magsabi ka lang daw kung gusto mo ng lechong manok at bibigyan ka daw nya. Whahaha.") Napairap nanaman ako.

"Ewan ko sayo! Sige na ibaba ko na itong tawag. Bye!") Binaba ko na ang tawag saka naguguluhan pa ding tumingin sa lechong manok.

Hindi naman kasi namin pwede kainin ito ng hindi nalalaman kung kanino galing dahil baka hindi naman para saamin ito. Lumabas akong muli ng bahay at muntikan na akong sumigaw ng malakas nang bumungad saakin si Nathan.

"A-anong kailangan mo?"

"Wala lang. Gusto ko lang pumunta dito." Kunot noo ko itong tinignan nang ngumiti ito saakin ng nakakaakit.

Tumalikod ako nang tawagin ako ng kapatid ko dahil gutom na daw ang mga ito at mukhang pinagpyestahan na nilang dalawa ang isang lechong manok. Pumasok ako ng bahay para pigilan ang dalawa na kainin iyon.

"Ano ka ba! Hindi natin alam kung kanino g----"

"Saakin galing yan." Sabay kaming napatingin ng mga kapatid ko sa nagsalitang si Nathan na pumasok na pala ng bahay at feel at home na nakaupo sa sala.

"B-bakit ka naman nagbigay nito?"

"Para kainin nyo. Nagsisimula na kasi ang scholarship mo at isa pa ayaw ng pamilya namin na magkakasakit ang napili naming scholar kaya simula ngayon bantay na kita." Kinindatan pa ako nito.

"T-teka! Ano bang klaseng scholarship yang binigay mo saakin at bakit hindi palang ako nagsisimulang mag-aral sa kolehiyo ehh may mga binibigay ka na?" Nilingon ako nito ng nakangiti.

"All around scholarship." Napanganga ako sa narinig.

"Ano?! All around scholarship? May ganun ba? Ang alam ko walang ganun at ang scholarship ay sa pag-aaral iyon!" Tumayo ito at unti-unting lumapit saakin.

"Wala ngang ganon pero gusto ko ehh." Lumayo din ito at bumalik na sa sala.

Anong klaseng utak ba meron itong si Nathan?

---------------------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon