Chapter 3

146 2 0
                                    

Leigh's POV

"Ate! Ate! Gising!" Kahit gusto ko magmura pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong marinig ako ng kapatid ko na magmura.

Inaatok kong minulat ang mata ko saka tinignan ang nakababata kong kapatid.

"Ano ba yon at ang aga-aga pa pero nanggigising kana?" Napakamot ito ng ulo saka nahihiyang tumingin saakin.

"Ate kasi.....k-kasi...ano..." Naupo ako saka humikab at hinintay ang sasabihin ng kapatid ko.

"Ano kasi yun?"

"W-wala na kasi tayong pambayad ng kuryente kaya pinutulan na tayo." Napatigil ako saka tumingin sa electric fan na patay at tumingin sa kapatid ko na nakayuko.

Tumayo ako saka kinuha ang belt bag ko at naupong muli. Kumuha ako ng pera mula doon at inabot sa kapatid ko.

"Ayan. Ibigay mo kay papa at sabihin mo magbayad na ng kuryente." Umangat ang ulo ng kapatid ko at sa pagkakataong iyon nakangiti na sya. Masaya itong lumabas ng kwarto at naririnig ko pa ang masayang sigaw nito sa labas.

Inayos ko na ang kama at binalik ang belt bag sa kinalagayan nito kanina. Nag-ayos na ako ng sarili bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko sa sala si mama na naglilinis at yung isa ko namang kapatid na sumunod saakin na nag-aayos ng isang sirang laruan na sasakyan. Tumabi ako dito at nagtanong kung saan nya iyon nakuha.

"Itatapon na dapat ito ni kuya Johnny kanina pero nakita ko kaya hiningi ko nalang sakanya at aayusin ko nalang ito para may mapaglaruan si Laurence." Ngumiti ako pero sa kabila nun ang lungkot na tinatago ko para sa mga kapatid ko. Imbes kasi bumili kami ng laruan mas inuuna nalang namin bumili ng pagkain kaya lumaki ang kapatid ko na sumunod saakin na si Lance na walang bagong laruan. Lahat ng laruan kasi na binibigay namin nila papa at mama sakanila noon ay puro mga patapon na at kinukuha nalang namin at inaayos para maging bago muli sa paningin ng mga kapatid ko.

"Ayan ate! Ayos na!" Masaya nitong tinaas ang laruang sasakyan saka tumawa.

"Sige ate labas na muna ako...ibibigay ko lang to' kay Lance." Tumakbo na ito palabas at ako naman ay tumayo na din at lumapit kay mama na naglilinis pa din.

"Ako na po dyan ma, magpahinga na po kayo kasi mamaya magluluto na kayo ng paninda nyong meryenda." Kahit hindi pa binibigay ni mama saakin ang walis at pamunas kinuha ko na ito agad sakanya at ako na ang naglinis.

"Pasensya na pala anak at wala tayong almusal ngayon. Wala na kasing natirang pangkain sa wallet ko kasi kanina pumunta yung naniningil ng utang at naibayad ko na yung tatlong libo dahil sa takot ko na baka ipakulong nya ang tatay nyo. Pasenysa na anak.....pasensya na..." Binaba ko ang walis at pamunas saka walang sabi sabi na niyakap ko ang nanay ko at pinatahan ito.

"Tahan na po mama.....ayos lang naman saamin kapag wala tayong makain sa almusal dahil sanay naman na din kami kaya wag na po kayong humingi ng pasensya saamin....." Hinigpitan ko ang yakap kay mama. Masakit saakin na makitang naghihirap at nagugutom ang pamilya ko kaya nga gumagawa din ako ng ibang paraan para makatulong. Wala na akong pake kung sinasabi ng iba na nakakahiya ang ginagawa kong pagbebenta ay pagtatrabaho dahil sa ganda ko pero para saakin walang nakakahiya basta magkapera lang at makakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Wala naman kasing magagawa ang ganda ko kung tutunganga lang ako sa bahay.

Bumitaw na kami sa isa't isa saka tinuloy ko na ang paglilinis habang nagpapahinga si mama sa labas ng bahay.

Nang matapos akong maglinis pumunta na ako sa tindahan ni Aling Selya para bayaran ang balut na binenta ko kahapon. Maliit lang naman ang singil ni aling Selya saakin dahil parang tulong na rin nya daw iyon saamin nila mama at isa pa matalik na kaibigan ni mama si aling Selya na ninang ko din.

"Sige salamat din Leigh. Ayy oo nga pala ito oh! tanggapin mo." May inabot ito saaking isang balot ng tuyo, dalawang itlog maalat, at dalawang noodles. "Ayan para kahit papaano may laman yang tiyan nyo. Kanina kasi naglalaro si Lance dyan sa tapat at tinanong ko sya kung kumain na ba kayo kasi pansin ko sa kapatid mo na parang nanghihina at sabi nya hindi pa daw kaya ayan lutuin nyo para makakain kayo." Lubos akong nagpasalamat ng marami kay aling Selya dahil sa bigay nito.

"Salamat po.....salamat po ng marami."

Ngumiti ito. "Sabi ko naman kasi sainyo na wag kayong mahiyang humingi ng tulong saakin. Para ko na din kaya kayong pamilya. Kaya kapag nagugutom kayo punta lang kayo dito sa tindahan ko at bibigyan ko kayo ng pagkain ng libre."

"Salamat po...."

"Sige na bumalik kana sa bahay nyo at lituin nyo na yan para makakain na kayo." Nagpasalamat akong muli bago umalis.

Habang tinatahak ko ang pauwi sa bahay nakasalubong ko yung lalaking bumili saakin kagabi ng balut. Kamusta na kaya yung challenge nila?

Nagulat ako nang kumaway ito sa direksyon ko kaya lumingon ako sa likod ko dahil baka mamaya ang kinakawayan nya pala ay yung tao sa likod ko pero wala namang tao sa likod ko at nang humarap ako laking gulat ko na nakalapit na ito saakin.

"Hi!" Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa sobrang lapit nito sa mukha ko. Hinigpitan ko lalo ang lagkakahawak sa plastic kung nasaan nakalagay ang pagkain namin baka kasi mahulog dahil sa lalaking ito.

"H-hello.....p-pwede ka bang l-lumayo ng k-kaunti?" Hindi ko kayang tumingin sa mukha nito dahil sa hiya at isa pa kapag humarap ako sakanya tiyak na magtatagpo ang labi namin kaya nakaharap ang mukha ko sa kaliwa para hindi para hindi magtagpo ang mga labi namin.

Hinintay ko na ayusin nya ang pwesto nya pero tumagal ng ilang segundo at hindi nya pa din ginagawa ang sinabi ko kaya pilit kong ginalaw ang mga paa ko paatras pero ang move na iyon ay isang pagkakamali dahil sa pagkakataon na iyon hinapit nya ang baywang ko at lalong lumapit ang mukha namin sa isa't isa at pati ang katawan.

Nararamdaman ko na ang hininga nya sa leeg ko kaya napapikit ako sa kiliting nararamdaman ko.  Pilit kong ginalaw ang katawan at paa ko pero wala pa ding talab at parang walang pinagbago ang position namin ngayon. Unti-unti na akong kinakain ng hiya dahil may mga nakakakita sa pwesto namin ng lalaking ito na hindi ko naman kilala.

Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa dibdib nito at buong lakas na tinulak ito at nagtagumpay naman ako kaya ginamit ko ang pagkakataong iyon para makatakbo.

Ayun ba ang naging epekto ng balut sakanya?

-------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon