Chapter 10

99 0 0
                                    

Leigh's POV

Tama na Leigh! Dapat kinakalimutan na yung mga bagay na yun. Hindi iyon kaaya aya!

Napapamura nalang ako ng mahina sa tuwing nararamdaman ko ang sakit ng pagkababae ko. Hindi ko maisip na nakipagtalik ako agad sa hindi ko pa naman ganoon kakilala.

Dumapa ako ng higa sa kama at binaon ang mukha ko sa unan dahil sa pamumula at inis sa sarili.

Yung rules ko noon na kahit magkaroon ako ng jowa hindi ko pa din ibibigay sakanya ang virginity ko dahil ibibigay ko lang ito sa mismong asawa ko na karapatdapat saakin.....pero lahat ng iyon ay nabura sa isang init na naramdaman kanina.

Tuwing naiisip ko ang mga bawat pag-ungol ko tuwing may ginagawa sya labis talaga ang hiya ko at pagsisisi.

Ano nalang ang sasabihin ng nila mama at papa at ibang tao kapag nalaman nila na may nangyari saamin ng isang Andrade.

Lilinawin ko lang....hindi ako nakipagtalik kay Nathan dahil sa pera....tinamaan lang talaga ako ng init sa katawan na dumating sa punto na nakipagtalik lang ako.

Punyeta! Nagbigay lang ako ng palitaw tapos nawala na agad ang virginity ko! Ano na ibibigay ko sa mapapangasawa ko?

"Leigh! Nasa labas si Johnny. Aalis na daw kayo." Napabangon ako ng maalala na may lakad pala kami ni Johnny ngayon.

Inayos ko ang sarili ko at nag-iba ko ng damit saka nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ng bahay nakita ko agad si Johnny na nilalaro ang tuta namin na si Mikmik.

"Ano tara na Leigh?" Tumango ako pero hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko na nagpatigil kay Johnny. "Anyare sayo girl? Ayos ka lang ba?" Binigyan ko ito ng magandang ngiti saka nauna nang maglakad.

Siguro naman hindi marunong tumingin si Johnny kung virgin pa ang isang babae o hindi na. Yung ibang tao kasi dito alam na alam nilang tumingin kung may nakagalaw na ba sayo o wala pa at iyon ang iiwasan ko dahil ayokong pagkaguluhan ng ibang tao.

Pinagdarasal ko nga na sana wala ding makakita ng ginawa namin sa ilalim ng puno ng mangga at makarinig saamin sa loob ng opisina. Alam ko na malakas ang naging pag-ungol ko kanina dahil first time ko at sobrang sakit kaya.....hindi ko naman kasi inaasahan na malaki pala ang alaga ni Natha-- TAMA NA NGA! KINAKALIMUTAN KO NA NGA TAPOS INIISIP KO PA DIN!

Sumakay na ako sa motor ni Johnny saka pinaandar na nya iyon. Ayoko na sanang sumama matapos ng nangyari saakin pero nakakhiya naman kay Johnnu dahil nag-oo na ako sakanya kanina pa at nakakadismaya naman  para sakanya na hindi ako sumama.

Mabilis lang ang naging byahe namin papunta sa bayan dahil nakamotor naman. Pumasok kami sa isang kilalang kainan dito sa bayan at pagkapasok palang namin bumungad agad saamin ang napakabangong niluluto sa loob at marami rami na din ang taong kumakain.

Humanap kami ng mauupuan at buti nalang nakahanap kami agad at sa bandang dulo iyon. Naupo kami at tumingin sa pwedeng orderin na pagkain.

"Order muna tayo habang hinihintay natin yung kaibigan ko. Ano sayo at ako na ang oorder?" Pumili ako ng masarap dahil sabi nya nung niyaya nya ako treat nya daw kaya kailangan worth it naman yung libre nya.

"Isang pancit malabon at halo-halo." Tumango ito at nagtungo na sa counter. Habang hinihintay si Johnny na makabalik luminga-linga na muna ako kung saan saan at natigil ang tingin ko sa babaeng buntis na kakapasok palang.

Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Paano kaya kapag mabuntis nya ako? Naramdaman ko ang semilya nya sa loob ko. Agad akong namutla sa pwedeng mangyari saakin.

Kapag nagkataon kasi na mabuntis nya ako siguradong maraming tao ang manghuhusga saakin at pati na din sa magiging anak ko. Madaming magsasabi na nagpabuntis lang ako dahil sa pera...dahil desperada akong yumaman....pero hindi ako ganoong tao! Maspipiliin ko nalang na maging mahirap habang buhay kesa naman magpagalaw at magpabuntis sa mayaman para maambunan ng maraming pera. Kahit kailan hindi ko gagamitin ang katawan ko para lang kumita!

"Uyy! Ano ba talagang nangyayari sayo? Tulala ka at namumutla pa. May nakita ka bang multo? Nako! Sabihin mo lang at tatakbo na ako at ikaw nalang ang bahalang kumain ng order natin dito. You know naman I hate mumu!" Nakisabay na din ako sa trip nito para makaiwas sa unang tanong nito.

Nang dumating ang order namin sakto na dumating na din ang kaibigan ni Johnny. Unang kita ko palang halata ko na agad ang tunay na kasarian.

"Ayy! Ikaw pala si Leigh! Ganda mo pala! Gusto mo ayusan kita? Libre lang pero gagawin kitang model ko." Nagulat ako nang hawakan nito ang buhok ko at nagsalita ng kung ano anong shampoo at treatment sa buhok na hindi ko naman ganoon naiintindihan dahil hindi naman talaga ako madalas magpaayos ng buhok.

Ngumiti lang ako dahil nahihiya ako dito. Pinagpatuloy naman na nila ang usapan nila at minsan napapatingin sila saakin at tatanungin kung pwede ba nila ayusan yung buhok ko. Puro ngiti at pilit na tawa lang ang binibigay ko sakanila.

Someone's POV

Bumaba ako ng eroplano at pinakiramdaman ang malamig na hangin dito sa airport.

"Finally, I'm back."

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan ang isang tao na laging handa san ko man yayain.

"Hey Nathan, Nandito na ako sa Pilipinas....nagkaroon kasi ako ng mahabang bakasyon at syempre susulitin ko iyon." Ngumiti ako dahil sa gulat nito sa kabilang linya.

"Hiking or beach?" Hinila ko ang maleta ko habang naghihintay ng sagot nito.

"Okay. Let's go! Matagala na din akong hindi nagb-beach."

"Wala akong pake kung nasan ka man. Okay. Fine! pupuntahan kita sa probinsya para sabay na tayo papunta sa beach na mapipili ko. Bye!" Hindi ko na hinintay ang sagot nito dahil alam ko naman na magpapaliwanag pa ito ng pagkahaba-haba pero sasama din naman.

Uuwi muna ako sa bahay at sosorpresahin ko ang pamilya ko.....lalong lalo na ang kapatid ko.

----------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon