Chapter 21

80 1 0
                                    

Nathan's POV

Pinigilan ko ang sarili ko na sapakin si Jared dahil sa sinabi nito at syempre ayoko din naman manakit ng babae kaya pinigilan ko din ang bibig ko na sagutin din si Carla. Mga kaibigan ko sila pero yung babaeng alam kong nilalait nila ay ang babaeng gusto ko.

Yes, I really like Leigh.......

but Ara......I don't know.

Umakyat ako sa ikalawang palapag at tumungo sa kwarto ni Leigh. Nakalock ang pinto kaya kumatok nalang ako ng ilang beses at buti nalang binuksan din nito agad. Ngingiti na sana ako pero natigilan ako nang bumungad saakin ang namumugtong mata ni Leigh.

Agad kong hinawakan ang mukha nya. I hate seeing her crying. "Are you okay? Gusto mo na bang paalisin ko na sila? Are you mad at me? Say something please......." Umiwas ito ng tingin kaya lalo akong kinabahan.

"Eyes on me baby.......Are you mad at me? Say something....." Umiling ito. Naramdaman ko ang kamay nya na pumatong sa kamay kong nakahawak sa pisngi nya at pilit itong tinatanggal kaya lalo akong nagmatigas.

"M-matutulog na a-ako......d-doon kana sa mga k-kaibigan mo." Unti-unti kong tinanggal ang kamay ko sa pisngi nya at tumunganga.

"Sagutin mo muna ang tanong ko." Seryoso kong sambit habang nakatingin sa mata nito. "Ayos ka lang ba talaga?" Tanga kong tanong.

"Oo naman. Sige na doon kana sa mga kaibigan mo inaantok na din ako ehh." Aalis na sana ito pero agad kong hinila ang kamay nya.

"No, you're not okay."

Kunot noo ako nitong hinarap muli. "Paano mo naman nasabi?"

"Nakita ko sa mata mo."

"Ayos nga lang ako."

"You're not."

"Ayos nga lang ako!"

"NO! YOU'RE NOT!" Napansin ko na muntikan itong mapatalon sa sigaw ko kaya kinalma ko ang sarili ko at hinarap itong muli.

"B-bakit ka sumisigaw?"

"Coz' you're not saying the truth." Patuloy ko pa ding pinapakalma ang sarili ko habang kaharap ito.

"Matutulog na ako." Hindi ko na sya napagilan dahil dali-dali syang pumasok sa kwarto.

Siguro bukas nalang kami mag-uusap.

Tahimik akong bumaba at naabutan ko na tahimik din ang mga kaibigan ko sa sala at lahat ng atensyon nila ay nakatuon lang saakin. Hindi ko pinansin ang mga matang nagtatanong at dumiretso lang ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig upang mahimasmasan ako kahit papaano.

"Pre, alam kong dahil saamin kaya kayo nag-away ng girlfriend mo. Kung gusto mo aalis na kami. Ako na ang bahala sa iba para naman makapa-usap kayo ng girlfriend mo. Pasensya na din pala sa inakto nila Jared ag Carla baka nagulat lang yung mga yun dahil nga matagal na din tayong hindi nagkita-kita. Don't worry ako na bahalamg kumausap sa dalawa." Nilingon ko ang nagsalita. Boses palang kilala ko na.

"Wag mo na abalahin yun Gab. Wag na kayo umalis."

"Pero pa---"

"Bukas nalang kami mag-uusap ni Leigh. Papahupain ko muna ang lahat bago kami mag-usap kasi mahirap makipag-usap sa taong may dinadamdam pa." Ngumiti ako saka inabot dito ang dalawang red wine. "Dalhin mo na yan sa sala para makapagsimula na sa inuman. Matagal tagal na din tayong hindi nagsama-sama at miss na miss ko na din ang tropa."

"Paano ba naman kasi hindi mamimiss ehh laging nasa beach o kaya sa bukid." Ngumisi lang ako. Umalis na ito at nagtungo na sa sala kaya naghanda na din ako ng ilang pagkain na ipapares sa wine saka nilagay ang ilang wine glass sa isang tray at inabot kay Gab nang bumalik itong muli.

"Sunod nalang ako doon. Ihanda ko na muna itong meat." Tumango ito saka umalis din.

Tinuon ko ulit ang tingin ko sa piniprito kong marinated beef. Tumikim ako ng isa at napapikit ako sa sobrang sarap at nanunuot nitong lasa pero agad din akong natigilan nang maalala na kadarating ko lang ngayon dito at wala naman akong naalala na may iniwan akong marinated beef dito. Mabilis kong sinilip ang ref at puno iyon ng iba't iba pang pwedeng lutuin. Kinuha ko ang telepono sa kusina saka dinial ang number sa bahay.

("Hello po....") Boses palang alam ko na si manang Tere ito.

"Hello manang, si Nathan po ito. Paki tanong pala si mommy kung sya ba yung naggrocery ng mga nakalagay dito sa ref ko."

("Ayy sige po saglit lang ser.")

Hinintay ko ang sagot nito at rinig ko sa kabilang linya ang boses ni mommy.

("Hindi daw po ang mommy nyo ang naggrocery pero sya daw po ang nag-utos sa ibang katulong na maggrocery ng ilang pagkain dahil nga po darating kayo.")

"Ahh okay po. Sige po salamat. Bye." Binaba ko na ang tawag nang matapos makapagpaalam ni manang.

Kinuha ko na lahat ng niluto ko at nilagay ito sa malaking plato. Nilagay ko sa lababo ang pinaglutuan ko saka dumiretso na sa sala dala ang niluto ko.

"Yown ohh!" Rinig kong sigaw ng isa kong kaibigan na hula ko ay si Darren.

Nilapag ko ang plato sa coffee table at naupo na katabi si Gab. Kinuha ko ang inabot nitong wine glass na may laman na din at sumimsim ako ng kaunti.

Nagdaldalan lang kami tungkol sa kung ano-ano at nagtawanan sa mga ala-alang hindi makalimutan hanggang sa natigilan kaming lahat nang may marinig kaming putukan. Lumingon kami lahat sa bintana at kitang kita doon ang ang makukulay na fireworks. Nagsilapitan ang lahat sa bintana dala ang kanya kanyang wine glass.

"Woah!" Nagsisigawan ang lahat dahil sa sobrang lapit ng fireworks dito at yung ibang babae naman ay kumukuha ng litrato at sigurado ako na ipopost nanaman nila iyon.

Lumingon ako sa pinto ng kwarto ni Leigh. Nakikita nya kaya ang ganda ng fireworks ngayon?

Lalakad na sana ako papunta doon nang lumabas ito ng kwarto habang nakatakip sa magkabilang tenga. Teka anong nangyayari?

------------------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon