Chapter 20

91 0 0
                                    

Leigh's POV

Pabagsak akong nahiga sa malambot na kama at pumikit. Grabe, hindi pa din ako makapaniwala ngayon sa lahat ng nakikita ko. Kahit kailan kasi hindi ako nakapunta sa mga tulad nito. Para akong nasa luxury hotel ngayon. Kitang kita ang napakagandang city lights na nakikita ko lang noon sa internet.

Kinuha ko ang remote control na nasa katabing cabinet ng kama. Binasa ko ang mga nakalagay doon at may iba na hindi ko maintindihan. Siguro naman hindi ganoon kalaki ang damage kapag pumindot ako ng isa.

Pumindot ako ng isang button at narinig ko na parang may bumukas at unti-unti kong nararamdaman na lumalamig na dito sa loob ng kwarto. Huminga ako ng maluwag dahil aircon pala ang nabuksan ko at sa wakas hindi na mainit. Pinunasan ko ang pawis ko at saka nagsimula nanamang pumindot ng isang button at sa pagkakataon na iyon nagulat ako nang biglang nag-open ang kurtina at napanganga ako sa bumungad na view saakin.

"Woah!" Lumapit ako sa malaking bintana at hinawakan ito ng kaunti saka binaba ko ang tingin ko na nagdahilan para mapaatras ako dahil sa lula.

Bumalik ako sa kama kung saan ko binitawan ang remote at pinindot ang isa pang button at biglang umilaw ang chandelier. Inaral ko lahat ng nasa button at nang matapos ako humiga akong muli sa kama.

"Grabe, totoo ba to'?" Hindi ko makapaniwalang sambit.

"Yes." Napabangon ako sa narinig at bumungad agad saakin ang nakatopless pa din na si Nathan. Tinaas nito ang kamay na may dalang wine.

"Tara inom?" Nahihiya ko itong tinignan dahil narinig nya yung sinabi ko kanina. "Hindi naman ganoon kalakas ang alcohol nito pero kung ayaw mo may sparkling wine doon sa baba.

Umiling ako. "Sige ayos na yan." Binuksan nito ang wine saka nagsalin ng kaunti sa wine glass at binigay saakin. Hinintay ko na makapagsalin din ito sa sariling wine glass saka sabay kaming uminom.

Hindi ko malasahan ang pait at puro tamis lang ang nalalasahan ko kaya ayos lang.

"You want more?" Tinignan ko ito saka ang wine glass ko na wala na palang laman. Tumango ako.

Sumimsim ako ng kaunti at tahimik ko itong tinignan. "Bakit pala tayo umiimon?" Wala sa sarili kong sambit.

"For celebration."

"Celebration? Wala pa namang result ng exam ahh?"

"Basta....." Ngumuso nalang ako saka sumimsim muli.

"Gusto mo sa baba tayo uminom? Para makapaghanda din ako ng pwedeng pulutan doon." Tumayo ako at sinundan ito palabas ng kwarto.

"Maupo ka dito." Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at tinignan lamang itong nakaupo sa sofa. "Hey, are you okay?"

Napaisip ako kung bakit ako tinutulungan ng pamilya nila. Marami pa naman kasing iba na masdeserve pa ang scholarship na binibigay nila kesa saakin.

Unti-unti akong naupo sa tabi nito saka sumimsim ng wine. Pinikit ko ang mariin ang mata ko at umiling para matanggal yung mga iniisip ko. Hindi ko na dapat iniisip ang mga ganoong bagay at magpasalamat nalang ako dahil kahit papaano makakapag-aral uli ako.

"Kanina ka pa tahimik. May problema ba? Kindly share...." Umiling ako. "Then, why you're so quiet?"

"May naisip lang." Naramdaman ko ang pag-usod nito palapit saakin kaya umatras ako pero hindi pa ako nakakalayo ng hapitin nya ako palapit sakanya.

"Wag kang lumayo saakin." Napatitig ako sa mata nito na parang nagmamakaawa. "I want to kiss you so bad.....but I can't....I can't baby." Iiwas na sana ako ng tingin sakanya nang magsalita nanaman ito.

"Eyes on me......" Parang may naghila saakin na sundin ang sinabi nya kaya huli na nang mapagtanto ko na unti-unti na akong nahuhumaling sa kakaiba nyang tingin.

"I want you." Nanlaki ang mata ko.

"G-gusto mo ako?" Hindi ko makapaniwalang sambit. Tumango ito na naging dahilan ng kaguluhan sa utak at puso ko.

Hindi sya ang unang lalaki na nagsabi saakin na gusto ako pero sya ang unang lalaki na nagpagulo sa puso at isipan ko sa hindi malamang dahilan.

"P-paano si Ara?" Nakita ko sa mata nito ang pagdadalawang isip at naramdaman ko ang pagbitiw nito saakin kaya ginamit ko ang pagkakataong iyon para lumayo ng bahagya sakanya.

Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib dahil sa kakaibang nararamdaman ko ngayon. Ano to'? Bakit parang nasasaktan ako sa nakikita sa mata nya.......

"Ayy sorry sa abala." Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Napatayo ako at pupunta na sana sa kwarto dahil may bisita yata si Nathan ngayon pero agad nya akong hinapit.

"Dito ka lang sa tabi ko." Bulong nito.

"Sorry pre, nakaabala yata kami sa sweet moment nyo." Tumingin ako sa nagsalita at tumaas ang balahibo ko nang kindatan ako nito.

Hindi lang isa ang bisita ni Nathan kundi buong barkada nya yata nandito at may mga kasama pang babae na halatang sumisigaw din ng kayamanan kaya para akong nanliliit sa mga tao na narito ngayon.

Pilit kong tinatanggal ang kamay ni Nathan sa baywang ko pero masyadong mahigpit ang pagkakahapit nya saakin kaya wala akong nagawa kundi tumigil at hintayin nalang kung kelan nya ako bibitawan.

"Hindi naman kaya nakaistorbo. Sige,maupo na muna kayo dyan maghahanda lang ako ng maiinom."

"Ayy pare...ikaw maghahanda ng inumin? Akala ko may katulong ka dito?" Tinignan ko yung lalaking nagsalita at para akong nainsulto dahil nakatingin ito saakin ng kakaiba.

"Wala naman talaga akong katulong d---"

"Ehh sino sya?" Tinuro ako ng isang babae na kaakbay nung lalaki na nagtanong kay Nathan.

Nagkatinginan kami ni Nathan pero agad kong binawi ang tingin ko dahil sa hiyang nararamdaman.

Hindi ako bagay dito.

Sinikap kong tanggalin ang kamay ni Nathan sa baywang ko at laking pasasalamat ko naman nang bumitaw din ito.

"S-sa kwarto lang ako." Naglakad na ako paalis sa mga taong mapanghusga.

"She's my girlfriend." Malapit na ako sa ikalawang palapag nang matigilan ako sa sinabi nito.

Girlfriend?

"Teka, may girlfriend kana pala pre? Parang yung huli nating kita hindi ka pa makaget over kay A--"

"Stop." Umiling ako at dumiretso na sa kwarto. Hindi ko na dapat pa naririnig ang mga yon.

Pagkapasok ko sa kwarto agad kong sinara ang pinto at sumandal dito. Buong lakas kong pinigilan ang luhang gustong kumawala sa mata ko. Ang sakit. Hindi ako sanay sa mga ganto. Ayoko sa lahat ay yung mga taong grabe manghusga kaya nilalayo ko ang mga sarili ko sa mga taong ganun.

Pinikit ko ang mata ko pero agad ko ding minulat iyon dahil patuloy kong naririnig ang sinabi ni Nathan kanina at yung ibang kaibigan nya.

Hindi ba ako bagay dito?

--------------------------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon