Chapter 7

94 0 0
                                    

Nathan's POV

"Let's go" Sambit ko sa sekretarya ko na kanina pa yata naghihintay sa labas ng sasakyan. Tumango ito saakin at nauna na akong pumasok at hinintay itong makasay.

"Sir, mamaya pa po talaga ang laro nya pero kasi kailangan na po natin maghanap ng mauupuan hangga't maaga kasi sigurado mamaya madaming tao ang manonood at isa pa sir mahirap din magpark ng sasakyan doon kapag sobrang dami ng tao." Tinignan ko ang wrist watch ko at 4:45pm palang.

Pinikit ko ang mata ko dahil sa nararamdamang  sakit ng ulo. Sa totoo lang kanina ko pa talaga ito nararamdaman pero hindi ko nalang pinapahalata dahil ayokong mag-alala ang mga tao sa paligid ko lalo na't may pinoproblema pa sila kuya. Kaya ko namang tiisin ang sakit ng ulo kaya ayos lang.

"Sir, ayos lang po kayo?" Minulat ko ang mata ko at sakto naman na may nakita akong ikinagulat ko. "Sir?"

"Itigil mo saglit ang sasakyan." Sumunod naman ito agad. Alam kong naguguluhan ito sa utos ko pero di ko nalang pinansin dahil ang buong atensyon ko ay nasa dalawang tao.

"Sir, kilala nyo po sila Leigh at Johnna?" Kunot noo kong tinignan ang secretary ko.

"Kilala mo sila, Malcolm?" Tumango ito. "P-pero diba Johnny ang pangalan nung isa at hindi J-Johnna?" Tumango itong muli.

"Johnny po sya kapag hindi sya nakasuot ng ganyan at kapag umaga pero pagdating po ng gabi nagiging Johnna sya." Hindi ako makapaniwalang tumingin kila Leigh at Johnny na nagtatawanan dahil sa suot ni Johnny na shorts at color pink na tube. Bakit ganyan?

Napatanga ako sa nakikita at ang sakit ng ulo kong nararamdaman ay nawala ng kaunti.

So it means.......

"Sir, matagal na pong bakla si Johnny at sa pagkakaalam ko po ay bata palang sya noong lumantad sya at matagal na din po silang magkaibigan ni Leigh."

Nilingon ko ang sekretarya ko at desperadong nagtanong. "Ano pang alam mo kay Leigh na pwede mong sabihin saakin?" Gulat na gulat at may halong pagtataka ako nitong tinignan.

"B-bakit sir?"

Tumingin ako kung saan at nangangapa ng maisasagot. Pero naalala ko ang rules ko sakanya.

"Basta." Mukhang nakuha nito agad ang ibig kong sabihin.

"P-pero sir wag nyo po sasabihin sa iba at syempre po sakanya din para hindi mahuli. Okay start. Ang name nya po ay Leighla Suandei Oliveros Tesoro, 23 years old. May dalawa syang kapatid sila Laurence at Lance. Pangalan ng nanay nya Linandres o maskilala dito bilang Aling Lina at yung tatay naman nya ay Alfredo. Ayun lang ang alam ko sakanya sir pero kapag kay Johnny naman yung tatanungin mo madami akong alam kasi madaldal yan kapag nakilala mo at kapag magkwento naman na sya sasabihin na nya lahat kahit yung iba ay dapat secret lang." Napatango tango ako at tumingin sa kinaroroonan nila Leigh at Johnny na nagtatawanan pa din hanggang ngayon.

Napagdesisyonan ko na lumabas ng sasakyan at puntahan ang dalawa. Agad kong napansin ang gulat sa mga mukha nila at nang tumingin naman na kay Johnny naging iba ang reaksyon nito naging pagnanasa na. Lumayo ako ng kaunti at pumunta sa likod ni Leigh at doon kunwaring nagtago.

"Uyy Johnna!" Nang bumalik na sa dati si Johnny doon na ako tumabi kay Leigh.

"Diba nagyaya kayo kanina na manonood kayo ng basketball ngayon?"

"Yes papi!"

"Okay. Pupunta din kami doon ng kasama ko ngayon. Sumabay na kayo saamin para isahan nalang ang sasakyan." Kumindat ako kay Leigh pero mukhang hindi nya nagustuhan dahil inirapan lang ako.

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon