Chapter 38

101 0 0
                                    

Leigh's POV

Matapos kong makalabas ng hospital napagdesisyonan agad ni Nathan na pumunta na kami sa sinasabi nyang private property kung saan kami maninirahan. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya pero bilang pagsang-ayon sa gusto nya sasama ako.


Hindi pa kami gaano kaayos pero trying hard talaga syang maibalik ang dati naming pagsasama. Nagdecide na din ako na hindi na ako papasok dahil nga sa kalagayan ko ngayon at nirecommend din ng doctor na tumigil muna ako sa pag-aaral dahil baka magiging risky iyon sa pagbubuntis ko kung pinagpatuloy ko pang pumasok.


Nakausap na namin ang mga magulang ni Nathan at humingi ako ng paumanhin dahil mukhang nasayang ko ang pera nila dahil sa pagtigil ko pero mabait si Mrs.Andrade at naiintindihan nya daw ako.


Matagal ko na ding alam na si Nathan ang nagpapaaral saakin dahil sinabi iyon ng mga kaibigan nya saakin noon. Napakababaw ko naman kung magagalit ako sakanya tungkol doon kaya masminabuti ko nalang na tanggalin iyon sa sistema ko para mabawas bawasan naman ang mga problemang iniisip ko ngayon.


Hindi ko pa nakakausap sila mama at papa dahil natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Madami akong kasinungalingan na sinabi sakanila kasama na doon ang pagtira ko sa bahay ni Nathan. Ang alam nila ay sa isang apartment na inihanda ng mga Andrade para saakin pero ang totoo ay sa penthouse talaga ako ni Nathan tumira simula nang may mangyari muli saamin.


"Let's go?" Walang emosyon kong tinignan si Nathan. Sanay na ito sa ginagawa ko sakanya pero trying hard pa din sya. Minsan nga naiisip ko nalang na parang ang kapal na ng mukha ko kasi sya ang gumastos lahat ng gastusin ko pero nagagawa ko syang saktan.....pero kasi nasasaktan din naman ako. Okay lang saakin kung sabihin nyang ayaw na nya at kung pagbabayarin nya ako sa lahat ng utang ko sakanya at sa pamilya nya.


Hindi muna ako pumasok sa loob ng sasakyan dahil inaayos pa nito ang uupuan ko.


"Yan. Upo ka na." Nakangiti itong tumingin saakin. Nginitian ko sya ng saglit para kahit papaano mabuhayan ito.


Naupo ako ng maayos saka kinabit agad ang seatbelt at naghintay ng pag-upo nito sa driver's seat.


Habang nasa daan nakikinig lang ako sa lahat ng sinasabi nya. "Sa Beach house na pinatayo ko tayo titira. Makakapagrelax ka doon ng maayos dahil isa iyong private property at secured din ang buong property. Tayong dalawa lang ang nasa bahay. Wag ka mag-alala kung ayaw mo akong makasama sa isang kwarto nakahanda naman na doon ang kwarto mo. Hindi kita guguluhin sa mga gusto mong gawin basta sabihan mo lang ako kung may kailangan ka. Magkakaroon ka din ng monthly check up, pupunta si Dr.Severino sa bahay or minsan pupunta tayo sa malapit na hospital doon para icheck kung healthy ba kayo ni baby." Marami pa syang sinasabi pero bumibigat na ang talukap ng mata ko kaya hindi ko na namalayan at nakatulog na pala ako habang nagsasalita pa din sya.


Naalimpungatan ako nang mapansin na parang tumigil kami. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad agad saakin ang malawak na parking lot.


"Nasan tayo?"


"Magstop-over muna tayo dito dahil malayo pa ang byahe natin at kapag di tayo tumigil dito baka gutumin tayo sa gitna ng daan." Luming linga ako saka binalik din ang tingin dito.


"Kanina pa ba tayo dito?"


"Hindi naman masyado. Siguro mga 20 mins." Nanlaki ang mata ko.


"20 mins?! Bat di mo ako ginising?"


"Masarap ang tulog mo at ayaw ko namang putulin ang tulog mo dahil baka ma-stress ka kaya naghintay nalang ako na magising ka." Inirapan ko ito.


Nauna na akong bumaba ng sasakyan at hinintay itong bumaba. Pinanood ko ang paglagay nya ng car key at wallet sa kanyang bulsa at ang paglapit nya saakin.


"Saan mo gustong kumain?" Nilingon ko ang mga kainan na hindi ko naman kilala kaya nagkibit-balikat nalang ako.


"Saan mo gusto? Eat all you can, grilled foods, uhmm....may seafood restaurant din dito." Lumingon ako sa iilang restaurants na may mga nakakaakit na desenyo.


"Hindi ko alam." Sambit ko pero habang nakatingin sa isang korean restaurant. Napapanood ko lang yon sa TV o kaya sa cellphone.


"Gusto mo dyan sa korean restaurant?" Nilingon ko ito saka unti-unting tumango. Narinig ko ang mumunting tawa nito na hindi ko na gaanong pinansin dahil ang isip ko ay lumilipad sa korean foods na pwede kong makain doon.


Pumasok kami sa loob ng restaurant at bumungad agad saakin ang bawat mess na may mga griller sa gitna. Hindi gaano kadami ang tao   kaya nakapili kami ng pwesto. Hinayaan ko si Nathan na pumili ng kakainin namin dahil hindi ko alam kung ano ang meron doon.


Hindi ko inintindi ang mga sinasabi ni Nathan dahil ang atensyon ko ay nakatuon sa kabuoan nitong korean restaurant.


"Leigh, you want pork cutlet?" Nawala ang atensyon ko sa desenyo ng restaurant dahil naagaw ni Nathan ang pansin ko.


Tumango ako.


"Sir if you want you can add 150 pesos for Soju." Tinignan ko si Nathan.


"Uhm....no..no. Magdadrive pa ako." Tumingin saakin ang waiter at magsasalita na sana ako nang maunahan ako bigla ni Nathan. "She can't drink." Tumango tango ang waiter saka inulit nalang ang mga order namin bago umalis.


"Leigh......"


"Hmm?"


"Kung gusto mo bumili ng ibang korean foods punta tayo doon mamaya." Tinuro nya ang isang glass door. Hindi ko agad inalis ang tingin doon. Kaya pala yung ibang tao na kumakain dito ay pumupunta muna doon bago umalis.


Nang dumating ang mga kakainin namin hindi ko mapigilan na manubig ang bagang kahit hindi pa naman luto.


Kahit sinabi ni Nathan na sya nalang ang magluto hindi pa din ako sumunod dahil gusto ko din naman magtry lalo na't first time ko iyon.


"Woah" Mahina kong sambit pero nahalata ko na narinig iyon ni Nathan dahil tumawa sya ng kaunti.


"Sir, ito na po yung pork cutlet na inorder nyo po." Tumingin ako sa pork cutlet pero naagaw ng atensyon ko ang malanding tingin ng waitress kay Nathan. Hindi pinapansin ni Nathan ang malandi nitong paglalagay ng mga pork cutlet sa table namin dahil busy ito sa pagluluto ng meat. Halata sa galawan ng babae na pinapakita nya kay Nathan ang mga malulusog nyang dibdib. Meron din naman akong ganyan sakto nga lang ang size pero lalaki din naman ito lalo na't magkakaanak na ako.


"Ayan na po lahat sir ng order nyo. Tawagin nyo nalang po ako kung may oorderin pa po kayo." Umalis ito na may ngiting malandi.


Hindi ko na pinagtuonan ng pansin ang babae at nagfocus nalang ako sa mga pagkain na nasa table namin.


Halos isa't kalahating oras din ang tinagal namin sa restaurant dahil ayaw kong tumigil sa pagkain. Busog na busog na si Nathan pero ako hindi pa din busog. Tumagal din kami ng kaunti sa korean store na naroon dahil sa sobrang dami nilang binebenta. Kahit hindi ko sinasabi na bumili si Nathan ay bumibili pa din sya para daw kapag nagcrave ako ng korean foods ay makakain daw ako agad. Lumambot ang puso ko sa ginawa nya pero syempre may bumabagabag pa rin saakin.


"Nandito na tayo." Sa sobrang lutang ko hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami. Napanganga ako sa ganda ng beach house at sa dagat na payapa.


Malayo ng kaunti ang dagat mula sa beach house pero matatanaw mo pa rin mula doon ang ganda ng dagat at sigurado ako na masaya manood ng sunset at sunrise dito kahit nasa beach house ka lang.


Nauna akong lumabas ng sasakyan at namamangha kong tinignan ang modern beach house. Madaming salamin ang bahay at dahil doon lalo akong namangha.

"Let's enter the house?" Masigla akong tumango.

-------------------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon