Chapter 31

89 0 1
                                    

Nathan's POV

"What?" Hindi ko makapaniwalang tinignan si Ara.


"Nagtry naman talaga akong makipagdate sa ibang lalaki pero......w-wala talaga!" Ginulo ko ang aking buhok.


"As in wala ka talagang nagustuhan sa mga nireto ko sayo?!" Umiling ito. Mahina akong napamura at sumimsim ng kape.


"Alam ko naman na sa kakambal ko na si Greg pero hindi ko pa din kasi sya makalimutan!" Tumayo ako at niyakap ito nang magsimula na syang umiyak.



"Tahan na......." Inalis nito ang pagkakayakap ko sakanya at lumayo.


"Btw, pumunta ako sa penthouse mo noong isang araw and I saw your girl na mukhang pagod na pagod. Nathan, wag mo namang gawing katulong si Leigh!" Napanganga ako. "I don't want to ruin your relationship with her kaya please lang ipakita mo naman sakanya na mahal mo sya. Alam kong masyado na akong nagiging pabigat saiyo at kahit hindi mo sabihin saakin na nahahadlangan ko na ang pagmamahalan nyo alam kong ganun na nga ang nangyayari sainyo. Kaya please lang magbigay ka ng time sakanya dahil nahahalata ko na miss na miss kana nya. Don't wait na iwanan ka nya kaya dapat ngayon palang ipakita mo sakanya na mahal mo sya."


Tumalikod ako at bumalik sa swivel chair ko.


"Pero wala kaming relasyon......" Seryoso kong sambit.


"What?! Pero sinabi mo saakin na may ginawa na kayo! My gosh Nathan! Hindi ikaw ang lalaking bigla nalang makikipagtalik sa babae!" Hindi ko nalang ito pinansin dahil maslalo lang akong maguguluhan.


Hindi pa malinaw saakin ang lahat at sobrang gulo na ng isip ko. Kay Ara lang tumatahimik ang isip ko kaya nananatili ako sakanya. Mahal ko si Leigh.....oo mahal ko sya.....pero tuwing kasama ko sya bigla ko nalang maaalala si Ara.


Magulo diba?


Hindi ko kayang pumili sa dalawa......


Si Leigh ang mahal ko pero si Ara ang nakapagbibigay ng peace of mind saakin.


Iniiwasan ko si Leigh dahil ayoko na munang gumulo nanaman ang isipan ko dahil malapit na akong mabaliw. Ayokong humingi ng tulong sa pamilya ko dahil isa lang naman ang sasabihin nila saakin at iyon ay ang pumili ako ng isa. Pipili nga ako ng isa pero iisipin ko pa din kung ano na mangyayari doon sa hindi ko pinili.



Alam kong nasasaktan ko na si Leigh at naaawa na ako. Gusto kong alisin na sya sa puso ko dahil kapag nagpatuloy pa iyon maslalo ko lang syang masasaktan pero kapag ginagawa ko naman na hindi ko na kaya kasi nga mahal ko sya at hindi basta basta natatanggal ang pagmamahal sa isang tao.



"Uuwi na ako. Linawin mo ang nararamdaman mo sakanya bago ka gumawa ng kung ano-anong hakbang dyan." Hindi ko pinansin ang pag-alis nito dahil sa dami ng iniisip ko.



Kaya kong masolve ang problema ng pamilya ko kahit gaano pa ito kalaki pero.....bakit yung sarili kong problema hindi ko kayang masolusyonan.....



Tinawagan ko ang sekretarya ko at pinaubaya muna dito ang maliliit na gawain sa opisina.


Kailangan ko munang umuwi at makasama si Leigh. Kailangan kong masolusyonan agad ang problema ko bago ako gumawa ng hakbang. Kailangan kong malaman kung kaya ko bang mawala si Leigh o hindi......at kapag nakaya ko....baka ito na nga ang panahon para bitawan sya.......



Mabilis akong nakauwi sa penthouss. Agad kong tinungo ang kitchen dahil laging nandoon si Leigh pero sobra akong nadismaya nang wala sya doon.


Tanghali na.....kumain na ba sya?


Kung hindi pa sya kumakain edi sabay na kami dahil hindi pa din naman ako kumakain.


Naalala ko na may niluto pala syang ulam saakin noong isang gabi. Dali-dali kong binuksan ang ref at hinanap ang ulam pero wala na ito doon. Tinignan ko ang ilang pagkain na nakalagay sa ref. Wala naman akong natatandaan na may ganoon doon at hindi ko pa naman ako nag-utos na maggrocery na.


Nagtungo ako sa kwarto para magshower at makapagbihis na muna bago ko puntahan si Leigh. Binilisan ko lang ang pagligo at pagbibihis dahil sa sobrang excite na nararamdaman ko ngayon. I don't know why basta nararamdaman ko nalang sya.


"Leigh." Sambit ko habang kinakatok sa pinto ng kwarto nito.


"Leigh" Pagtawag kong muli.


"B-bakit?" Umatras ako ng kaunti ng buksan nya ang pinto. Hindi ako agad nakapagsalita at tinignan ko lamang ang kabuoan ng katawan nya.


Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko nang makita na pumayat ito at lumaki ang eyebugs nya. Masyado na ba akong pabigat para sakanya?



"Kumain kana ba?" Habang binabanggit ko iyon nakaramdam ako ng labis na hiya.



"Oo. B-bakit?" Tumango ako at yumuko dahil hindi ko alam ang susunod na sasabihin.


"W-wala ka---"


"Sorry.....sorry Leigh. I'm really sorry. Sorry kasi iniiwanan kita. Alam kong kailangan mo ako pero pinapabayaan kita. Mahal kita Leigh.....mahal na mahal kita kaya please wag mo akong iwan kahit sobrang laki ng kasalanan ko sayo." Luluhod sana ako nang hatakin ako nito agad.



"Wag mo akong luhuran......." Hinatak ako nito pababa at patungo sa kitchen area. "K-kumain kana ba?" Umiling ako at tinitigan lang ito. " G-gusto mo ipagluto kita?" Tumango ako.


Pinanood ko lang ang bawat galaw nya sa kusina habang nakaupo sa bar stool. Habang pinapanood ko ito hindi ko maiwasang maramdaman ang labis na pagkamiss ko sakanya.



Natapos itong magluto at tahimik lang akong akong pinanood habang kumakain. Minsan tinatry kong subuan sya pero panay lang ang pag-iwas nya saakin kaya wala akong nagawa kundi tigilan na ito. Hindi dapat ako magalit sakanya dahil ako naman ang may gawa nito kung bakit ganon nalang ang pakikitungo nya saakin.



"Nga pala...." Inangat ko ang tingin ko dito. "H-hindi ako pumasok kahapon sa school.....uhm....k-kasi..."


Kumunot ang noo ko. "Kasi?"


"Masakit ang tiyan ko at ayoko namang sa school ako dumumi." Tinignan ko ang mukha nyang namumutla kaya hindi ko maiwasang hindi mag-alala.


Binaba ko ang kutsara't tinidor at hinawakan ko ang kamay nyang nanlalamig. "Are you okay? You want me to call the doctor---- hey why are you crying?" Tumayo ako at lumapit dito saka niyakap ito ng mahigpit.


"May masakit ba sayo? Say it." Kinuha ko ang cellphone ko at pipindutin ko na sana ang call button nang biglang hablutin saakin ni Leigh ang cellphone at patayin iyon.


"Wala ito. Hindi ko kailangan ng doktor. Ayos lang--"


"No! I know may iba kang nararamdaman kaya sabihin mo saakin kung ano yon?" Hindi ko mapigilang mag-alala at makaramdam ng guilty dahil may nararamdaman na pala syang masama tapos hindi ko manlang nagawang daluhan sya.



"W-wala.....s-sige kumain kana dyan. Sa k-kwarto lang ako. Kung m-may kailangan k-ka n-nandoon lang a-ako sa kwarto." Hindi ko na sya nagawang pigilan pa dahil tumakbo na ito palayo saakin.


Ano bang nangyayari?

-------------------------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon