Chapter 37

103 0 0
                                    

Nathan's POV

Agad kong nilapitan si Dra.Severino para alamin dito kung kamusta ang lagay ng mag-ina ko.


"Ayos naman silang dalawa sadyang nastress lang si Leigh kaya dinugo sya." May binigay itong papel saakin na agad ko ding kinuha. "Ayan ang reseta nya. Nakalagay na dyan ang vitamins na iinumin nya and also the milk." Tumango ako at nagpasalamat dito. "Pwede ka nang pumasok para hindi sya magpanic kapag wala syang nakitang tao sa loob." Tumango ako at nagpaalam sa doktora.


Binasa ko ang nasa reseta at natigilan nalang ako nang marinig ang nag-aalalang tawag ni mommy saakin.


"Nathan, what happen to Leigh?" I hug my mom to gain more strength.


Kinalas ko ang pagkakayakap kay mommy saka tinignan silang dalawa ni dad.


"Mom, dad. Leigh is pregnant and I'm the father." Natigilan ang dalawa at nagtinginan sa isa't isa bago ako tinignan muli na may nagugulahang reaksyon.


"W-what?" Nginitian ko lang si mommy.


"I'm going to be a father." Masaya kong sambit. Iniwan ko na ang mga magulang ko sa labas na naguguluhan pa din at pumasok na ako sa room ni Leigh. Alam kong mahirap pa din magsink sa utak lahat ng mga nangyayari ngayon pero para saakin masaya ako na magiging ama na ako like kuya Adam na busy lagi sa pag-aalaga kay Lucas.


Hinalikan ko sa noo si Leigh at hinawakan ang kamay nito.


Binitawan ko ang kamay nito at lumayo ng kaunti saka tinawagan si Gab.


"Gab, nagawa mo na ba yung inuutos ko sayo?"


("Malapit na akong matapos.")

"Good. Bye." Binaba ko na ang tawag saka tinuot ko muli ang atensyon kay Leigh na kagigising lang.


Lumapit ako dito nang nagsisimula na syang magpanic.


"Nathan, kamusta ang baby?" Nginitian ko lang ito nang pagkatamis tamis. "Wag mo akong ngiti ngitian lang at sabihin mo saakin kung kamusta ang anak ko!"


"Anak ko din Leigh." Nakita ko nanaman ang masungit na tingin nito pero hinayaan ko nalang dahil baka maslalo lang itong mastress. "The baby is fine kaya wag ka nang mag-alala." Nakita ko ang paghinga nito ng maluwag kaya pati ako ay huminga na din ng maluwag.


Tinulungan ko syang mahiga muli at buti nalang hindi ito umangal sa ginawa ko at isa pa kasi kahit umangal sya sa mga ginagawa ko para sakanya ipagpapatuloy ko pa din ang ginagawa ko dahil responsibilidad ko iyon.


"Gusto ko na umuwi sa probinsya......" Natigilan ako sa ginagawa nang marinig ang mga salitang iyon. "Buti pa kasi doon simple lang ang buhay ko doon." Tinignan ko si Leigh at halata na dito na pagod na pagod na nga sya sa lahat. Ako din naman pagod na din.


"Kung gusto mo doon edi pagkalabas mo dito sa hospital pupunta na tayo sa probinsya--"


"Gusto ko ako lang muna ang umuwi doon. Ayaw na muna kitang makita...o kahit sino man." Bumagsak ang panga ko at naguguluhang tinignan ito.


"B-bakit? Ayaw mo saakin? Leigh I love you....please bigyan mo naman ako ng chance. I will fix this mess. Please.....just don't leave me...I will change all the wrong decision that I made so you will never leave me.......c'mon Leigh, we're having a child....." Nakita ko nanaman ang luha nya na gustong gusto kong punasan pero hindi ko kaya sa ngayon dahil ayaw na nya saakin.


"N-natulog ka kasa si Ara. Nathan babae yon at lalaki ka naman, ano sa tingin mo ang iisipin ko? S-sabi mo mahal mo ako........p-pero bakit sa tuwing sinasabi mo yon imbes na matuwa ako, nalulungkot ako.......kasi iniisip ko na baka hindi naman para saakin yon."


"Leigh, mahal talaga ki--"


"Stop. Saka mo ba sabihin yan kung sigurado kana ba saakin? Marupok ako pagdating sayo Nathan kasi mahal kita kaya nga noong mga panahon na hindi mo ako pinapansin at para lang akong basura na dinadaan daanan mo ay napili ko pa din magstay sayo kasi p-pinanghahawakan
ko pa din ang sinabi mo na mahal mo ako. M-masaya ako noong napansin mo na ako pero bakit iniiwan mo pa din ako. S-sawa na ako Nathan......at isa pa tama talaga ang sinabi ng mga kaibigan mo na hindi tayo bagay....k-kasi nasa tuktok ka at ako ay nasa baba lang at tinitingala kayong nasa tuktok."



"Hayaan mo na akong umalis Nathan......please. Kung iniisip mo ang bata sinisiguro ko naman na magiging ayos sya. Hindi kita pipigilan na makita ang bata kaya wag ka mag-alala. Doon ko sya palalakihin sa probinsya dahil ayokong maranasan nya ang mga naranasan ko dito."


"Leigh.....d-don't leave me." Lumapit ako ng kaunti sakanya at hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.


"S-sorry Nathan." Umiling iling ako para para sabihin dito na hindi ako payag.


"A-alam kong mahal mo si Ara--"


"No! Hindi ko sya mahal! Ikaw lang ang mahal ko Leigh at ang magiging anak natin! Kayo lang ni baby ang m-mahal ko!" Hinawakan ko ang kamay nito at nagmamakaawang tumingin dito.


Ayoko. Ayokong maiwan. Nagsisisi na ako sa lahat ng ginawa ko......



"Leigh, please don't leave me. I need you. I love you. I hate myself for being a stupid guy for you but I will promise that I will never hurt you again and I'm going to be a responsible father to our child.....so please I'm begging you not to leave me." Hindi ko pinahid ang mga luha ko na tuloy tuloy ang agos at tinigan ko lang sya ng buong puso. "K-kung ayaw mo dito then aalis tayo dito.....bubuo tayo ng pamilya sa probinsya o kung saan mo man gusto basta isama mo lang ako sayo......I don't care if you don't talk to me just like what I did to you just let me be with you. Lalayo tayo sa mga taong ayaw mo. Kung gusto mo ng space bibigyan kita basta isama mo lang ako sayo promise hindi ako manggugulo sayo. Gusto ko makita ang paglaki ng tiyan mo, ang panganganak mo, at ang paglaki ng anak natin kaya please....hayaan mo akong sumama sainyo." Hinalikhalikan ko ang magkabilang kamay nya at nagmamakaawang tumingin dito.


"Pero Nathan.....pinapalala mo lang ang sitwasyon!"



Umiling iling ako. "N-no.....h-hindi ko pinapalala ang sitwasyon....h-hindi."



"Bakit Nathan? Kapag nasa malayo na ba tayo masisiguro mo ba na wala na manggugulo saatin? Ayokong masaktan ang bata kaya please--"



"Po-protektahan ko kayo Leigh! Gagawin ko ang lahat para maprotektahan at maalagaan ko lang kayo ni baby."


"Mabibigay mo ba ang space na kailangan ko?" Tumango tango ako.


"Maaalagaan mo ba kami ng anak mo?"


Tumango tango akong muli. "Wala man akong sapat na kaalam sa pag-aalaga ng bata pero papag-aralan ko yon at kung pag-aalaga naman sayo ang tatanungin mo kayang kaya ko yon." Matapos kong sabihin iyon tumahimik ang pagitan namin.


"Okay. Wala na akong choice. Dalhin mo ako sa lugar kung saan walang taong mapanghusga." Ayon ang huli nyang sinabi bago sya nakatulog muli. Sa sinabi nyang iyon natahimik ang buong pagkatao ko kasi wakas......kasama nya pa din ako.

---------------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon