Chapter 24

82 0 0
                                    

Nathan's POV

"I love you too Nathan......" Napalingon ako sa nagsalita. It's Leigh. Tinitigan ko ito at walang kahit na anong lumabas sa bibig ko dahil sa pagkabigla sa sinabi nya.

Umamin ako sakanya kanina pero yung inaasahan ko sanang sagot mula sakanya ay wala. Alam kong nagulat sya sa sinabi ko kaya naiintindihan ko naman kung hindi nya ako agad masagot pero hindi ko naman inaasahan na sasabihin nya ang nais ko ngayon ding araw na ito.

"Y-you l-love me too?" Umangat ang tingin nito saakin saka unti-unting tumango.

Woah! Totoo ba itong nangyayari?

Unti-unti akong lumapit sa kinatatayuan nito saka tinitigang muli upang alamin kung totoo ba ang sinasabi nya at para na din siguraduhin na hindi ako nananaginip.

I touch her cheeks and it feels so soft in my hands and I really like it so much.


"May ginagamit ka bang facial cream?" Wala sa sarili kong sambit. Napansin ko na naguluhan sya sa sinabi ko kaya agad ko nalang ding binawi.

"Hindi ako gumagamit ng facial cream o kahit ano mang pampaganda dahil sayang lang sa pera kapag bumili pa ako ng ganun at isa pa kuntento naman na ako sa binigay na mukha ng Diyos saakin." Napanganga ako.

"Okay.Okay."


"Bakit mo nga pala natanong?"

"Ang kinis kasi ng mukha mo....."

"Ahh....bakit yung mga nahahawakan mo bang mukha ng ibang babae ay magagaspang?" Napaubo ako. Teka? Bakit parang nag-iiba na sya at gustong gusto ko naman.

"Hindi naman...." Binigyan ko sya ng mabilis na halik sa labi saka binitawan ang mukha nya. "Tara kain na tayo...." Ako na ang nagpresinta na magluto at pinaupo ko nalamang sya sa bar stool at hinayaan syang panoorin ako.

Habang nagluluto tinatry ko na akitin din sya para naman mabigyan ako ng reward mamaya at ang reward na yon ay alam nyo na.

"Ang harot Nathan!" Nilingon ko ng saglit si Leigh para kindatan saka bumalik din sa niluluto ko.

First time ko maramdaman ang ganito. Dati iniimagine ko lang ang mararamdaman ko kapag sinabihan din ako ng I love you pero ngayon nararamdaman ko na.

"Btw, after pala nating kumain maligo na dahil pupunta tayo sa mall para bumili ng ilang kakailanganin mo sa pagpasok. Alam ko na wala pang result ng entrance exam pero sigurado naman ako na makakapasok ka." Pinatay ko ang kalan saka nilagay ang fried rice sa isang malaking bowl saka sinunod naman lutuin ang ulam.

"Okay."

Kinuha ko ang isang balot ng bacon apat na itlog. "Anong gusto mong luto ng egg?"

"Kahit ano." Ngumuso ako saka binate lahat ng itlog. Mas gusto ko kasi ang ganitong style ng itlog kesa sa sunny side up.

Nang matapos akong magluto hinanda ko na ang lahat at hindi ko na pinagalaw sa kinauupuan si Leigh dahil kanina ko pa napapansin na mukhang masakit ang nasa gitnang parte nya dahil paika-ika ang lakad nya. This is our second time at mukhang hindi pa sya sanay sa laki ko.

"Let's eat." Agad kong sinandukan ng kanin at ulam si Leigh bago ako para makakain na ito.

"Thank you." Tumango ako saka inabot naman dito ang kape na may creamer.


Nang matapos kaming kumain kahit gusto nya sya na ang maghugas pinilit ko pa din na ako nalang para makapag-ayos na sya.

"Per---"

"Ako na ang maghuhugas. Umakyat kana at maligo." Nginitian ko sya. Halata sa itsura nito ang pagdadalawang isip pero umakyat na din naman.


Binilisan ko ang paghuhugas at naglinis na muna ako ng kaunti sa penthouse bago ako umakyat. Sakto naman na pag-akyat ko tapos na itong maligo at bihis na din. Hinayaan ko syang libutin ang penthouse habang naliligo ako pero mukhang ayaw nya kaya binuksan ko nalang ang TV para makanood ito ng ilang palabas.

"Ito yung remote. Pumili ka lang ng gusto mong panoodin. Pwede mo din pindutin yung botton na ito para dumiretso ka sa youtube at ito naman para sa netflix." Matapos kong tinuro sakanya ang parte ng remote pumasok na ako ng banyo.


Nang maisara ko ang pinto ng banyo lalo kong nilanghab ang pambabaeng amoy na nanggaling kay Leigh. Sa simpleng amoy na iyon naramdaman ko ang pagkabuhay ng alaga ko.

Agad akong umapak sa shower area at naligo na. Nag-isip ako ng kung ano-ano na magpapatanggal ng kalaswaan na nararamdaman ko ngayon pero wala pa din talagang talab dahil kada mag-iimagine ako puro mukha at katawan ni Leigh ang pumapasok sa isipan ko.


Natapos akong maligo pero hindi pa din humihinahon ang alaga ko kaya masminabuti ko na munang magstay dito sa loob ng banyo hangga't buhay na buhay pa si junjun.

Ayokong isipin ni Leigh na s*x lang ang habol ko sakanya. Gusto kong maramdaman nya na totoo ang sinabi ko at hindi lang puro s*x ang alam ko. Oo nga bago ako pagdating sa mga ganitong nararamdaman dahil ngayon palang naman umamin ang mahal ko saakin. Kaya sana tandaan nya hindi ako tulad ng ibang lalaki na manloloko.


pero........mapapanatili ko ba itong nararamdaman ko kapag nasa harap nanaman ako ni Ara?


Aaminin ko hindi pa talaga ako sigurado sa lahat pero ayoko lang kasi na magsisi ako sa huli kapag hindi pa ako umamin kay Leigh. Paano kung may naghihintay pala sa probinsya sakanya? Paano ako? Hindi pa naman ako sigurado kung kakayanin ba akong mahalin ni Ara.........


Mali ang ginagawa ko.......


....pero ayokong masaktan uli kung sakaling hindi ako mamahalin ni Ara.

Napakaselfish kong tao.


Pinikit ko ng mariin ang mata ko para alisin lahat ng iniisip ko.

Kailangan ko na munang humanap ng paraan kung paano ako makakawala sa pagkahumaling kay Ara bago ko sabihin kay Leigh ang lahat.....

-----------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon