Chapter 11

90 0 0
                                    

Nathan's POV

Fvck! Nandito na si Ara! Yung puso ko ito nanaman.....anong gagawin ko? Akala ko tapos na ako sakanya dahil nakuha na ni Leigh ang buong sistema ko pero.....bakit sobrang lakas pa din ng tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses nya.

Nilibot ng paningin ko ang kabuoan ng bahay ng mga Tesoro. Mukhang pinarenovate na ang bahay dahil hindi na ito ganoon kaluma tignan base sa mga sinabi ni Malcolm kanina. Isa sa makapangyarihang pamilya dito sa probinsya ang mga Tesoro dahil sa laki din ng ari-arian nila.

Naupo ako sa sofa na base sa pagkakaalam ko sumisigaw ito ng karangyaan. Napatingin ako sa lalaking palapit saakin na hula ko ay sya yung Carlito Tesoro Jr.

Nakipagkamay ako dito at tama nga ako sya nga yung sumulat saakin.

"Akala ko ang daddy nyo ang makikipagkita saakin....pero anak nya pala..." Tumawa ito na halata namang peke. "So ayun nga...sumulat ako sa opisina nyo para makipag-usap tungkol sa pagbenta namin ng lupa sainyo. May malaki kaming lupa na dati pa namin balak ibenta sa pamilya nyo. Sumang-ayon doon ang ama mo pero hanggang ngayon wala pa din syang sinasabi kung kelan nya bibilhin kaya sumulat akong muli dahil baka nakalimutan na ng ama mo ang napagkasunduan namin noon."

May nilapag itong folder sa coffee table saka ngumiti saakin. Napapansin ko sa matandang ito na hindi lang pagbenta ng lupa nila ang balak nito.....at iyon ang kailangan kong alamin dahil isang maling desisyon ko lang tiyak na malaking pera ang mawawala saamin.

"Sige bibilhin ko mismo ang lupang binebenta nyo at pera ko mismo ang gagamitin ko sa pagbili pero syempre bago ko bilhin yang lupa nyo kailangan may matibay kayong pruweba na binebenta nyo nga talaga ang lupa......." Ngumisi ako sa matandang kaharap ko.

Tesoro......pamilyang minsan na muntikan na din kaming naloko tungkol sa lupa pero buti nalang bago namin mabili ang lupa nagdouble check na muna kami at ang lumabas ay pekeng kontrata pala ang binigay nila saamin. Hindi namin sila pinakulong o kinasuhan manlang dahil masyadong mabait ang ama ko kaya nanahimik nalamang kami pero kaming magkakapatid ay kating kati namang kasuhan ang mga Tesoro.

Buti nalang talaga......apelyido lang nila ang nakuha ng pamilya nila Leigh at hindi ang ugali.

"S-syempre meron kaming matibay na ebidensya sa ibebenta naming lupa." Tinuro nito ang kontrata. "...ayan ang ebidensya namin....ang kontratang iyan." Natawa ako ng peke dahil sa sinabi nito.

Seryoso?.....matibay na ebidensya? Saan sa panloloko?......ang lakas pa din talaga ng loob nila na ipakita uli ang pekeng kontrata na binigay sa tatay ko noon.

Nawala ang tingin ko sa pababang matandang babae na kung titignan mo ang pananamit ay talagang sumisigaw din ng karangyaan. Ito na siguro ang babaeng Tesoro.

"Oh! Hi Mr.Andrade. Napakagwapo mong lalaki at tiyak na babagay ka sa apo ko....." Tumayo ako at magalang na nakipagkamay dito. Kahit ganto ako may galang pa din ako sa mga nakatatanda.

May tinawag itong babae at hindi nagtagal may lumapit na isang dalaga sa tabi nito. Hindi maikakaila na maganda din itong babaeng nasa harapan ko pero mas nangingibabaw pa din talaga ang ganda ni Ara ay este ni Leigh....pero may laban din naman ang itsura ni Ara.

"Meet my beautiful apo, Khloe Ann Lopez Tesoro. Mukhang hindi naman nagkakalayo ang edad nyo at isa pa kahit masmatanda ka Mr.Andrade sa apo ko hindi naman halata dahil napakabata mong tignan." Ngumiti ako ng peke na palagi ko namang ginagawa sa tuwinh may pinapakilala saakin.

At ano bang pinagsasabi nya? Matanda na ako? FYI, 26 years old palang ako....

Naupo akong muli at pinatabi naman saakin ang dalaga na ngiting ngiti. Hindi ko pinansin ang babae at kinuha ko agad ang kontrata saka sinuring mabuti. Wala akong masyadong alam sa mga gantomg bagay pero susubukan kong gamitin ang ibang natutunan ko sa pagsuri ng kontrata.

May ibang parte naman na nagpapatunay na totoo itong kontrata pero may parte din na hindi pumapasa sa pagsusuri ko. Binigay ko ang kontrata sa sekretarya ko at tumayo na.

"Pag-iisipan ko muna ang lahat bago ko bilhin ang lupa nyo. Kukunin ko muna ang kontrata para mapirmahan ko agad kapag napag-isipan ko na bilhin na ang lupa." Nagpaalam na ako sakanila at diretso nang lumabas ng bahay.

Nag-alok ng meryenda ang matandang babaeng Tesoro pero hindi ko na tinanggap dahil may gagawin pa akong importante.

Sumakay na ako ng sasakyan at inantay ang sekretarya ko na makasakay na din at ipagmaneho ako.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at binuksan iyon. Agad bumungad saakin ang ilang missed calls ni Ara kaya tinawagan ko.

"Baki---- hey what happen?" Nag-aalala kong sambit dahil naririnig ko sa kabilang linya ang hikbi nito.

("I saw Greg and Arisa.....sobrang sakit pa din talaga na makita silang dalawa....")

Nakaramdam ako ng matinding inis dahil hanggang ngayon hindi nya pa din makalimutan si Greg...ang kapatid ko. Gusto ko nalang sabihin sakanya na ako nalang....dahil ako naman itong matagal na nagmamahal sakanya......

......pero paano si Leigh? Kung sakaling mahalin na din ako pabalik ni Ara. Ayokong makita syang nasasaktan o umiyak manlang. Hindi ko naman sila pwedeng pagsabayin ni Ara. First love ko si Ara at sya ang pangarap kong babae pero si Leigh....kahit maikling panahon palang kaming nagkakakilala may parte na din sya sa puso ko.

Pinikit ko ng mariin ang mata ko at pilit na tinanggal sa isipan ko ang mga iyon.

(".....Nathan I need you right now....")

Fvck....mahina ako pagdating kay Ara. Tuwing sinasabi nya ang mga katagang iyan hindi na ako nagdadalawang isip pa na puntahan sya at damayan kahit gaano man sya kalayo saakin.

Uutusan ko na sana ang sekretarya ko na magmaneho na patungo sa Manila pero naisip ko....may Leigh akong maiiwan sa probinsya at hindi pa ako humihingi ng tawad dito matapos ng ginawa ko.

Parte saakin na gustong puntahan si Ara para damayan ito pero may parte din na wag nalang muna bumalik dahil sa isiping kailangan din ako ni Leigh.

Si Ara o si Leigh......

Fvck! Ang hirap mamili!

-----------------------------------

Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon