Chapter 35

110 0 0
                                    

Nathan's POV

"I think you need to go back to her, Nathan." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ara at nanatili lamang ang tingin ko sa sahig.


Simula nang makarating ako dito sa bahay nya kahapon hindi na ako mapakali. I didn't sleep with her dahil wala naman talagang natulog saamin. Busy ako sa kakaisip at busy din naman ito sa kakastalk sa kapatid ko.


Nagkwentuhan lang kaming dalawa at maya't maya din ang foodtrip kahit madaling araw.


"Napapansin ko naman sayo na mahal mo talaga sya pero naguguluhan ka lang talaga. Bakit mo pa kasi iniisip na kapag hindi mo na ako masasamahan ehh magtatampo at magagalit ako sayo? Hello! Naiintindihan ko naman na kailangan mo nang iset ang priorities mo kaya wag mo na akong isipin dahil matanda na ako at kaya ko naman na ang sarili ko." Nginitian ko si Ara.


Tumayo ako at tumingin sa relong pambisig ko. "I think I need to back now hangga't hindi pa yon nagigising." Tumayo din si Ara at nakipagkamay saakin.


"Goodluck, bro." Tumawa ito at tanging ngiti lang ang ibanalik ko sakanya.


Umalis na ako sa unit nya at nagmaneho ng mabilis patungo sa bahay. Kailangan kong magmadali dahil maya-maya lang gigising na si Leigh at kailangan kong magluto ng breakfast tulad ng ginagawa ko noon. Ito ang unang hakbang ko para bumawi sakanya.



Pagkapasok ko sa penthouse ang ngiting nakapaskil sa bibig ko ay bigla nalang mawala nang magtagpo ang tingin namin ni Leigh. Nakaupo ito sa sofa at halata sa mata nito ang antok at pamumugto.



"W-what happen to you?" Nag-aalala kong sambit dahil kita ko sa itsura nya ang labis na stress.



"Wow! Nagawa mo pa talaga akong kamustahin ngayon." Kunot noo ko itong tinignan saka unti-unting lumapit dito pero nang makalapit ako sakanya bigla nalang ako nitong tinulak.



"W-what's that for?" Ano ba talagang nangyayari?



"Sinungaling ka." Napanganga ako sa sinabi nito. What? "P-Pinanghahawakan ko lagi ang lahat ng sinabi mo saakin noon. Umasa ako.......u-umasa ako Nathan......p-pero ganto lang pala ang gagawin mo sakin." Tinanangka kong kunin ang kamay nya pero agad nya itong winaksi.


Walang salita ang nais lumabas sa bibig ko at tanging pagbukas sara ng bibig lang ang nagagawa ko dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin dahil hindi ko alam ang pinagsasabi nya.


"Oo, malaki ang utang na l-loob namin sayo at sa pamilya mo dahil wala sana kaming kapera pera ngayon nang hindi dahil sainyo.....p-pero sana naman.....yung pagsisinungaling mo ginandahan mo....yung hindi ko na malalaman para hindi ako masaktan........"


"H-hindi ako nag-"


"Hindi ka nagsisinungaling, seryoso ka?" Pinanood ko ang pagpunas nito sa luha nya at hinarap ako nang matapang pero alam ko sa likod ng aura nya ngayon ay ang Leigh na gustong gusto nang lumuha.


"A-ano ba kasi--"


"Aalis na ako. Salamat nalang sa lahat. Kapag nagkapera ako babayaran ko lahat ng utang ko sayo." Tinignan ko ang bawat galaw nya at doon ko lang napansin na nasa baba na pala lahat ng gamit nya.


Nataranta ako sa ginagawa nya ngayon kaya hinarang ko ito para hindi sya makaalis.


"Let's talk about this, baby." Sa kada pagpupumiglas nya saakin ay nanghihina na ako hindi dahil sa pagod kundi sa takot na mawala ko sya. Nagsisimula palang ako pero umaalis na sya.



Nathan Andrade (Andrade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon