Chapter 14: The Ugly Truth

109 1 0
                                    

Narrator:

The next day, walang nagpapansinan kay Dianne and Brent for almost the whole day. Uwian na naman and lahat ay pupunta ulit sa bahay ni Brent para magrehearse naman ng mga lines. Kapansin-pansin ang hindi pagpapansinan nina Brent and Dianne. At nabahala dito si Kath.

Sa bahay nina Brent...

ENDONG's POV:

"Okay, guys. Practice na tayo." sabi ni Anna. Anna is a great leader. Halos hindi nagsasalita si Dianne about sa nangyari kagabi. Wala naman kumikibo kay Kath and Matthew about dito. Hindi na din sila kumain kagabi sa dinner. Umuwi na din sila kaagad.

Almost the whole day, sinusubukan ni Kath na kausapin ako at i-cheer up. Pero I just don't want to talk to anybody. Actually, ayoko nga magpractice and wala talaga akong ganang magsalita. I just can't believe na tatraydurin ako ng girlfriend ko.

Isipin mo? Naglalandian pala sina Matthew and Dianne kapag wala ako. I didn't even know about this. Kath, who is trying to cheer me up the whole day, hindi ko siya pinapansin. Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong kausapin. Pero for me, ayoko muna makipagusap.

[ FLASHBACK ]

"Brent, kausapin mo naman ako." sabi sakin ni Kath. Naglalakad ako sa hallway noon pero I just seemed na parang wala akong naririnig. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Brent! Brent! BRENT!!!" sigaw lang siya ng sigaw.

Pumunta siya sa harap ko habang naglalakad ako. She pushed my chest and napaatras ako ng isang hakabang.

"Ano bang problema mo, ha? Bakit di mo ko kinakausap?" tanong niya sa akin. Buti na lang walang tao sa hallway na yun kung hindi issue na naman to.

"Ayoko makipagusap kahit kanino!"

"Nakikipagusap ka na sa akin ngayon." narealize kong tama siya. Dapat hindi ako nakikipagusap sa kanya. Kung may kakausapin man ako, siguro yung mga tao sa bahay na lang. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapag-isa ako.

Then nakasalubong ko si Anna.

"Brent, pwede ba tayo sa bahay niyo?" tanong niya sa akin.

"Sige. Bahala kayo. Pumunta na lang kayo doon. Uuna ako umuwi."

Nakasimangot akong umalis at naglakad papalayo sa kanila. It's more of a whatever-face na mukha at pissed off talaga ako kay Dianne at Matthew. Magsama silang dalawa. Wala na akong pakialam sa kanila. Tutal hindi na naman nila ako pinapahalagahan.

"Anong problema nun?" narinig kong sabi ni Anna kay Kath. Akala nila hindi ko sila naririnig.

"Basta. May nangyari lang after mong umuwi kagabi. Basta, just act normal. Kelangan na nating magpractice. Bukas na ang play."

[ End of Flashback ]

-----------------------------------------------------

Narrator: What happened after magwalk out at mag-away ni Matthew and Brent last night? Ito ang scenario.

DIANNE's POV:

"What is your problem, Brent?" pinuntahan ko si Brent nung nagwalk out siya. Sinapak niya si Matthew.

BOOOOOGSH!

Forever is a Choice [ Complete Series ] -- Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon