RECAP!
Dapat kakausapin talaga ni Brent ang doctor ni Andrea, ang subject person niya sa OJT niya. Nang marealize niyang hindi pa umuuwi ang parents niya, agad siyang pumunta sa bahay nila para malamang umiiyak ang Mom niya. Ito ay dahil nabalitaan nilang pinatay ang Dad niya, si Ferdinand. Sino nga ba si Andrea? At Sino naman ang pumatay kay Ferdinand?
Background Music:
River Flows in You - Sungha Jung
See youtube video on the right. :D
-------------------------
BRENT's POV:
"Sir, Brent! Kakain na daw po." sabi ni Aling Felicita sa akin.
"Ayoko kumain." sabi ko sa kanya. Hindi ako makatingin ng deretso kay Aling Felicita.
Umalis si Aling Felicita. Inintindi na lang niya ang sitwasyon ko. Punong puno ng galit at kalungkutan ang puso ko. Binuksan ko ang drawer ko. Nakita ko ulit ang mga sulat ni Daddy kay Mommy.
Binasa ko ulit yun and it hurts na malaman ang katotohanan sa pagitan ng girlfriend ko dati, si Dianne. Nawawala na talaga si Dianne. Hindi na siya nagparamdam.
Nasaan na kaya si Dianne? T_______T
Mahal ko pa siya. Habang binabasa ko yung mga love letters ni Mama at Papa ay nakakaramdam ako ng pagbabalik ng pagmamahal ko para kay Dianne. Alam kong hindi na magpaparamdam muli si Dianne dahil matagal na silang pumunta sa Amerika.
"Makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo." yan ata ang pinakamasakit na sinabi ni Papa kay Mama sa mga sulat niya. Hindi ko alam pero parang tinamaan ako.
Paano si Kath? May feelings ba talaga ako kay Kath? O... nakikipaglaro lang ako sa kanya sa loob ng tatlong taon? Panakip butas ba talaga si Kath?
Natulog na lang ako instead na kumain.
[ After 2 hours ]
"Anak, gising na." Huh? Sino to?
"Mom?" tanong ko. Ngumiti si Mama habang nagpungas naman ako ng mga mata.
"Endong... Brent... Anak... anong nararamdaman mo ngayon?" yan na ata ang pinakamalalim na tanong ni Mama sa akin simula nang ipinanganak niya ako.
"Malungkot, Mommy. Hindi ako sanay ng wala na si Dad sa atin." sabi ko. Kinuha ko ang nakapatong na panyo sa side table ng kwarto ko at pinunasan ko ang luha ko. Nagsimula na din maluha-luha si Mama pero dahil wala na siyang maiiyak, halos mugto na lang ang makikita sa mga mata ni Mama.
"Gusto kong mahalin mo ang babaeng nararapat sayo katulad nang pagmamahal ng Dad mo sa akin, ha?" sabi ni Mommy sa akin. Parang naghuhuling habilin na si Mama. Don't tell me na susundan niya si Papa? Ano to? Temple Run?
"Ma, wag ka ngang ganyan. Alam ko namang hindi tayo pinabayaan ni Papa. And I know, someday, we will move on. As soon as possible maybe. Only God knows." sabi ko sa kanya. Niyakap ako ni Mama and I know I made her feel better in such a way na binigyan ko siya ng panibagong pag-asa.
Bumaba kami sa kitchen. And there comes my sister, Jhea. Still crying over Dad's death.
T________T
Tahimik kami habang kumakain. Sanay kasi kaming nagjojoke si Papa kapag kumakain kami ng sabay sabay. Sanay din kaming magkwento ng walang katapusan si Papa about sa mga pinagdaanan nila ni Mama nung kabataan nila.
BINABASA MO ANG
Forever is a Choice [ Complete Series ] -- Book 2
Teen Fiction"The Sequel of Ang Kwento ng Isang Lalaki.. from Grandprince16.. Forever is a choice.." "Which are you going to choose? The left were there is nothing right? Or The right where there is nothing left?" Sa buhay natin, marami tayong choices -- from t...