A/N:
Background Music: Something Bout Love - David Archuleta (See right side)
Pampakilig. :))
------------------------------------------------------------
KATH's POV:
Maaga lang natapos ang practice namin. Nararamdaman kasi ni Anna na wala sa mood magpractice si Dianne and Brent. And major character si Brent ng aming stage play.
Dianne became Anna's assistant leader. As usual, they are just pretending na walang nangyari sa kanila kagabi. It's almost 5 o'clock nung matapos kaming magpractice. Hindi na kami pwede magpagabi. Aside sa pwedeng may mangyari na namang hindi naming gusto, baka mapaano pa kami.
Yung iba nga sa amin, pinagalitan na ng parents eh. Dapat daw hindi nagpapagabi ng uwi. Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa daan. Better safe than sorry.
"Uwi na tayo, guys. Sa susunod na araw na yung play. Gawin nating lahat yung part natin at our very best okay? Let's work as a team."
Naging masaya lahat dahil halos patapos na din ang rehearsal namin. Memorize na din ng iba yung mga lines nila sa play. And it's not what you think pero may kissing scene si Romeo and Juliet sa stage play. That means... Hahalikan ako ni Crush. :""">
Pero Brent is really sad. :((
Really... Really... Sad... :((
Halos umuwi na lahat. Ofcourse, hindi na nakipagusap si Dianne sa kanya. And alam kong masakit para kay Dianne ang nangyari. They just need time to move on. :(
Nasaan si Crush?
Nasaan na nga ba si Brent?
HAAAYS. :((
Nandun na naman siya sa garden. Umiiyak na naman siya. T___T
Matatagal ata bago siya makamove on.
"Uhmm.. Brent.."
"Kath, not now. I just want some time alone." malungkot niyang sinabi sa akin.
Siguro kelangan ko lang siyang iwan. Tinabihan ko siya. Hinawakan ko yung kamay niya. Mahigpit na mahigpit. Hindi para mang-chancing sa kanya. Pero para malaman niyang nandito ako para maging kaibigan niya. Gusto kong tanggapin niya ako as a friend.
"Call me if one day, you don't want to listen to anybody. Call me. And I promise to be very quiet." then tumayo ako sa bangko na kinauupuan namin. Pero hawak ko parin ang kamay niya. Then naglakad ako papalayo and that makes me let go of his hand.
Kinikilig ako na nalulungkot. Kinikilig ako kasi hawak ko ang kamay ng crush ko. Actually, hindi ko na nga siya crush eh. Mahal ko na siya. Kasi masaya ako kapag nasa tabi ko siya. Pero kapag nakikita ko siyang nalulungkot, nalulungkot din ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Ewan. inlove talaga ako sa kanya.
Naglakad ako papalayo sa kanya at umalis na ako. Umuwi na ako to be exact. Ang sakit lang malaman na kahit na umaasa pa rin akong mahalin niya ako, naalala ko. Hindi nga pala niya alam na mahal ko siya. Ni-hindi nga din niya alam na may crush ako sa kanya noon pa. Wala siyang idea.
Nakakaawa lang ang situation ko. Umaasa lang ako sa wala. Nagdadasal ako na sana mahalin niya din ako. Pero wala naman akong lakas para sabihin sa kanyang mahal ko siya. Para akong umasang mananalo ako sa lotto kahit hindi ako bumili ng ticket.
-------------------------------------------------------
ENDONG'S POV:
"Uwi na tayo, guys. Sa susunod na araw na yung play. Gawin nating lahat yung part natin at our very best okay? Let's work as a team."
Yan ang sabi ni Anna bago kami naghiwalay-hiwalay.
Yes, bukas na ang huling araw ng practice and the day after tomorrow? It's the stage play day. Wala akong ganang ganapin ang Romeo sa stage play na yan. First of all, hindi na ako inlove. Sinaktan ako ng taong mahal ko. Ang sakit diba? Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Nakipagbreak ako sa kanya kasi niloko niya ako.
Explanations? Hindi ko na kelangan ng explanations. Kitang kita ko. Nakapatong si Matthew sa ibabaw niya. UGGHHH!! Bakit ko ba siya iniisip? Wala na akong pakialam sa kanya.
I just walked out until everyone has already gone home. Tinitignan ko yung white roses sa garden. Naisip ko. Ang ganda ng love story ni Mama at ni Papa. (Book 1: Ang Kwento ng Isang Lalaki) tapos yung love story namin ni Dianne, walang kwenta.
Buti pa si Mama, pinaglaban niya si Papa hanggang sa huli. And in the end, hanggang ngayon, masaya silang magkasama at nagmamahalan. I am not after marriage already. Fourth Year HS palang ako. Pero I just need somebody to love and to love me back.
"Uhmm.. Brent.."
Si Dianne ba yun?
Lumingon ako..
Si...
KATH?
Haays. Mangungulit na naman ba tong babaeng to sa akin? Gusto ko lang mapagisa. :((
"Kath, not now. I just want some time alone." hindi siya nagsalita. Tumabi lang siya sa bench na kinauupuan ko. Then suddenly, unexpectedly, nagkadikit ang mga kamay namin. Hinawakan niya ang kamay ko.
Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nung hawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit pero that holding hands is very special. May nararamdaman akong hindi ko maintindihan. Hindi ko pa to naramdaman dati. Maybe it's...
Nothing. :(
"Call me if one day, you don't want to listen to anybody. Call me. And I promise to be very quiet."
Gusto ko sana siya tawagin para makausap ko siya. Pero... It's late. Hindi ko na magagawa pang ibalik si Dianne. Besides, magkapatid naman kami sa ama. So tama lang na nakipagbreak ako sa kanya. :((
Hindi ko alam. Bahala na. T________T
Practice ulit bukas para sa stage play na to. Pero sana maganda din talaga ang kalabasan ng aming stage play. I don't know why pero something about that holding hands with kath made me cheered up a bit again. >_____<!!! Ano bang iniisip ko? Wala to. Wala to. IT'S NOTHINGGGGGG!!!
-------------------------------------------------------
A/N:
Maganda na yung mga susunod na chapters. :) Votes naman jan para malaman ko kung nagugustuhan niyo yung update ko. Thanks sa reads guys. :)
Czar Dy @grandprince16
BINABASA MO ANG
Forever is a Choice [ Complete Series ] -- Book 2
Fiksi Remaja"The Sequel of Ang Kwento ng Isang Lalaki.. from Grandprince16.. Forever is a choice.." "Which are you going to choose? The left were there is nothing right? Or The right where there is nothing left?" Sa buhay natin, marami tayong choices -- from t...