A/N:
Yung scene na umiiyak si Kath, yung yung Photo Cover nitong story. Trivia lang and Just saying.
-------------------------------------------------------------------------
KATH's POV:
This week, gagawa na kami ng props para sa stage play namin. Sa kasamaang palad, pinagbawalan kami ng security guards na magpractice at maggawa ng mga props namin sa loob ng school campus.
"Sige na naman, Kuya. Kahit hanggang 5PM lang." pagmamakaawa ng valedictorian namin na hagard na ang itsura dahil sa tadtad ng trabaho dito sa stage play na gagawin ng buong section namin.
*sighs*
Wala na bang mas boboring pa sa araw na 'to.
"Guys, paano ba yan? We need to go to someone's house para gawin tong props natin. Bukas tayo magpapractice ha. And remember, magmemorize kayong lahat ng script natin."
Kabilaan naman ang "Yes, Ma'am" at "Opo" ng mga kaklase ko. Gusto ko na umuwi. To be honest, mas gusto kong magbasa na lang ng wattpad at magfacebook at magtwitter etcetera etcetera.. HAAAAYSS.
Then nagtaas si Brent ng kamay.
"Sige na. Sa bahay nalang namin tayo magpractice. The space is enough for our practice and props making. I'll just tell my mom about this. Saglit lang tawagan ko lang si Mama." sabi ni Brent.
Wow. Ang yaman talaga ni Brent. Sabagay, naalala ko nga nung pumunta kami sa bahay nina Brent. It's almost 10 times bigger compare sa bahay namin ngayon. And mind you, malaki na para sa akin ang bahay namin. How much more ang bahay nina Brent diba?
Kumuha ng cellphone si Brent.
[ Dials ]
"Hello, Ma."
"Hello, Endong. Bakit ka napatawag?"
"Ahh Ma, nasa bahay ka ba ngayon?"
"Oo, bakit, Anak? May problema ba?"
"Ahh.. Ehh.. Wala po, Ma. Pwede ba ako magpapunta ng mga kaklase sa bahay?"
"Sure. Ilan ba?"
"Buong section po."
"Ha? Buong section? Bakit lahat ata sinama mo? O____O?"
"Ahh.. Ehh.. Opo. Magpapractice po kasi kami para sa stage play namin. Pwede po ba?"
"Ayy. Sige. Tutal grounded ka diba? Para hindi ka pagalitan ng Daddy mo pag-uwi niya. Baka matuwa pa sayo yun at tanggalin na ang ground mo. Umuwi ka na. It's almost 5."
"Sige po, Ma. Thank you."
"Sige, Bye."
[ End call ]
Yes!!!!!
Makakapagpratice na din kami sa wakas. Actually, may nagawa na kaming props pero mas maganda na ding gawin namin lahat nang sabay-sabay. Yung iba sa amin maagang uuwi pero yung iba willing magstay ng hanggang gabi para lang makatulong sa paggawa ng props. That's what we call TEAMWORK.
To make the story short, nagpunta kami sa bahay nina Brent. Halos hindi makapaniwala ang lahat na ganoon kaganda at kalaki ang bahay ni Brent. Kung mapapangasawa ko kaya si Brent, yayaman din kaya kami? LOL. Biro lang. Hindi ako ganoon klase ng tao.
BINABASA MO ANG
Forever is a Choice [ Complete Series ] -- Book 2
Teen Fiction"The Sequel of Ang Kwento ng Isang Lalaki.. from Grandprince16.. Forever is a choice.." "Which are you going to choose? The left were there is nothing right? Or The right where there is nothing left?" Sa buhay natin, marami tayong choices -- from t...