A/N:
Uyy, guys. GUSTO KO LANG I-acknowledge ang presensya ni Ate Tin a.k.a. loveorhatethisgurl dito sa wattpad. Siya lang naman ang nagsulat ng 300 Days of my Contract Husband, The Princess' Heart and Marrying the Cassonova. And she's reading Ang Kwento ng Isang Lalaki and Forever is a Choice by yours truly. :"""> Wala lang. Isang malaking honor lang ang basahin ni idol ang story ko. :) Thanks Ate Tin.
-----------------------------------------------------------
CLASSMATES #1, 2 and 3's POV:
Ang landi talaga ng babaeng to. Well, to be honest, crush namin si Brent. Bukod kasi sa mayaman na, gwapo pa, mabait pa. Daig pa ang 3-in-1 na kape kung idedescribe si Brent. Well, it's just a matter of crush thing and ayaw lang naming tatlong may umaaligid kay crush.
For almost 3 weeks na wala si Dianne sa school, naging masaya kami sa pagkawala niya dahil nagkaroon ulit ng chance ang isa sa amin para maging girlfriend ni Brent. Well, yes. Umaasa kaming mapapansin din kami ni Brent.
PERO....
WHATTT???? >_________<!!!
Magkasama ba si Kath and Brent sa playground?
Classmate #1: Haaynakuu, kasama ni Brent si Kath. *smugs badly*
Classmate #3 and #2: Talaga?
Kitang kita naming tatlo na magkasama si Brent at Kath sa playground habang recess time. Napansin din naming kung makadikit naman si Kath kay Brent ay parang walang nangyari sa bestfriend niya at kay Brent. Yung parang hindi sila nag-away 3 weeks ago?
It's been a disgust! Ang landi talaga ng babaeng ito. Ang MAKATI, lugar sa Pilipinas. Hindi inuugali.
Kung makapulupot naman tong si Kath, grabe!!! Sayo yan teh?
Classmate #2: At gustong gusto din ni Brent ha?
Classmate #3 and #1: Oo nga eh.
LANDIIIIIIII
Puwes, humanda ka Kath. Makakatikim ka ng selos naming tatlo. Hindi ka makakatakas sa amin. Humanda ka. Let's go girls!
----------------------------------------------------
ENDONG's POV:
Pauwi na kami that day. And kasama ko si Ryan and si Kath papunta sa bahay. Magmomovie marathon kami kasi it's TGIF! YESSS! FRIDAY NGAYON. And in a few days, Quarter Exams na namin.
T________T
So yeah, enjoy muna namin tong araw na to. :)
Pagpasok namin sa bahay, sinalubong na kami ni Mama. Well, since Mom's a housewife, wala si Papa sa bahay, Mom warmly welcomed Kath and Ryan.
"Oh, Kath. Hi, Ryan." bati ni Mama sa kanila.
"Hi po. Good after noon po." sabi ni Kath. Nilapag niya ang bag niya sa sofa namin while Ryan take off his shoes while I'm preparing the DVD Player. Dito kami sa maliit na entertainment room namin nanood ng Movie. Hindi pumapasok si Mama dito.
Ayaw niya kasi ng mga palabas ni Papa dito. Halos lahat kasi action, horror and suspense. Wala man lang romance. Kung meron man, hindi naman maganda para kay Mama. Kaya ang entertainment room para kay Mama, ginagamit lang kapag may bisitang magbi-videoke sa bahay.
"Nasaan na yung Perks of Being a Wallflower?" tanong ko kay Ryan. Agad niyang kinuha sa bag niya ang DVD Copy. Well, pirated lang siya kaya mura lang ang bili ni Ryan. HAHAHA.
Sinalpak ko ang DVD sa DVD Player namin.
Swiiiiiiishhhh....
Then nagloloading na siya. YESSS! MANONOOD DIN KAMI. HIHIHI. Pinatay ko yung ilaw para naman mashadong maganda yung effects nung TV namin. Para feel na feel namin. XD
[ Pinatay ang Ilaw ]
Tapos...
Loading Disc...
Loading Disc...
Disc Error. Please try again!
WHAT? AYAW BASAHIN? AYAW GUMANA NUNG DVD NI RYAN.
"Ryan, mukhang ayaw gumana ng DVD mo." kumamot ng ulo si Ryan and tinignan niya ang DVD.
"Subukan mo ulit." pinasok ko ulit yung DVD sa loob ng player.
Swiiiiiiishhhh....Swiiiiiiishhhh....
Loading Disc...
Loading Disc...
Disc Error. Please try again!
"Ayaw talaga. Tsk." Matutuloy pa ba ang Movie Marathon namin? :(( Then tumingin ako sa mga CD ni Papa. Baka may magandang pwedeng mapanood dito. Kaso horror.
"Horror lang ang meron dito sa mga CD ni Papa eh. Okay lang ba?" tanong ko sa kanila. Sabay namang sumagot ang dalawa.
"NOOOO!!" --Kath.
"YESSSS!!" --Ryan.
"Hahaha. Okay lang yan Kath!" nilagay ko yung DVD ng favorite Horror Movie ko. The Nun. Kwento siya ng madreng pinatay sa isang dorm and on the present time, gumaganti yung madre sa mga estudyante niya na pumatay sa kanya.
"Well, hito na nagloloading na." sabi ko. Then nagplay na yung movie.
Tumabi ako kay Kath. Si Ryan? Nandun. Nasa gitna namin si Kath. So bali, ako sa right. Si Kath sa gitna. Then si Ryan sa left.
Nagstart na yung movie.
Then there was this part when...
"WAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!" sumigaw si Kath. Buti nga at hindi narinig ni Mama kundi yari kami. HAHAHA.
----------------------------------------------------
A/N:
Thanks guys. :) VOTE? COMMENT? BE A FAN!
Czar Dy @grandprince16
BINABASA MO ANG
Forever is a Choice [ Complete Series ] -- Book 2
Teen Fiction"The Sequel of Ang Kwento ng Isang Lalaki.. from Grandprince16.. Forever is a choice.." "Which are you going to choose? The left were there is nothing right? Or The right where there is nothing left?" Sa buhay natin, marami tayong choices -- from t...