Chapter 11: The Aftermath

119 1 0
                                    

FERDINAND’s POV:

It’s already late. 8PM ng gabi? I still need to head home from work. Ugh. Nakakapagod. Natapos ko na ang lahat ng reports ko sa office today and now, I have to go home already. Gabi na kasi. I’ll just drive myself home para hindi magalit ang asawa kong si Martha. Anyway, I know the kids are waiting for me. Nakaluto na kaya si Ma nang dinner? Ano kayang dinner namin?

[ Nagring ang cellphone. May nagtext! ]

“Hi, Pa. Hihihi. Dinner’s ready. And I cooked your favorite. I love you, Pa. Forever and always.”

Awww, ang sweet talaga nang asawa ko. Nagtext pa talaga siya sa akin, ha. Nakakawala ng pagod, diba? Mareply-an nga. :”””>

“I’m on my way home, Ma. Tinapos ko lang lahat ng reports ko sa office. And now, I’m heading on the parking lot to drive myself home.”

“Oh, okay, Pa. Hmm, wala pa si Endong. Hindi pa siya nauwi. :(“

“HAAA??? Wala pa si Brent? Nagsabi ba siya sa inyo kung saan siya pupunta?”

“Hindi nga eh.”

“Sige, ako na bahala. I’ll go home na. Mahal na mahal kita, Martha. Mahal na mahal.”

“I love you too, Pa. Always and forever.”

And who can ever guess na 16 years ago, namromroblema kami nang asawa ko sa parents ko. It’s been 16 years na kasal na kami ni Martha. And now, lumalaki na ang mga anak namin. May dalawa na kaming anak – si Endong and si Jhea. Grade 6 na ang anak kong si Jhea. Nagsisimula na ngang magkacrush sa school eh.

Wala naman problema sa akin iyon. Pero si Brent ang pinoproblema ko. Unfortunately, nalaman niyang magkapatid sila ni Dianne, ang girlfriend niya. Kung ako ang anak ko, baka magtampo ako. Pero bilib ako sa anak ko. He just asked for some time para sabihin sa girlfriend niya ang totoo.

Anyway, puppy love palang naman kasi ang sa kanila ni Dianne. Yes, anak ko si Dianne sa una kong asawa. Si Monette. Hindi ko naman talaga naging asawa si Monette eh. Pinilit lang ako ni Mama para maging Company Leader at maging part ng Big Six sa kumpanya namin.

Habang nagdadrive ako pauwi naalala ko lang ang mga nangyari 17 to 18 years ago. Yung mga panahong namromroblema kami nang asawa ko sa mga patung-patong naming problema na hindi namin malaman kung saan kukuha nang pag-asa para mag-hold on sa lahat ng problema namin.

[ FLASH BACK ]

“Ma, ayokong tanggapin ang Last Will and Testament ni Papa.”Sabi ko sa Mama ko. Namatay si Papa noon sa hindi naming alam na dahilan. But before he died, iniwan niya ang Last Will and Testament niya. Alam niyo kung anong masakit?

Na-obliga kaming paghati-hatian ang lahat ng kayaman ni Papa. I am really not after the money and the properties he gave. Pero ang ikinagalit ko ay ang long-term agreement ni Papa sa mga Business Partners niya na ikasal kami sa mga daughters nila as part of negotiation. Kapag nagkataon, mapapasakamay ng mga business partners ni Papa ang kumpanya.

I know it’s awkward to say pero ayoko sa fixed marriage na ginawa ni Papa.

“You! Bastard!” sigaw ni Mama sa akin.

“Grabe ka, Ferdinand. Bakit hindi mo nalang sundin si Papa? Patay na siya. What more can you do to him?” yan naman ang sumbat sakin ng panganay naming kapatid.

Forever is a Choice [ Complete Series ] -- Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon