A/N:
Kath's Picture on the Left. :) Siya din po yung nasa Cover nitong Forever is a Choice. Kaso nasa Chapter 12 nitong Forever is a choice. :)
May nabanggit ditong wattpad story. It's My Robotic Boyfriend. Actually, I'm planning to start writting it already pero I want to know if gusto niyo na simulan ko yun as in now na. So if you want me to start it already, click niyo yung VOTE button sa right side. :) Kapag umabot atleast 30 votes, sisimulan ko na isulat yung My Robotic Boyfriend. Thanks guys. :))
--------------------------------------------
KATH's POV:
No calls. No texts. No Chats. No PM's. No GM's. No tweets. No emails. No plurks. Maski ang sinusulat ni Dianne sa wattpad na "My Robotic Boyfriend", wala pa din update for 3 weeks already.
Three weeks nang walang paramdam si Dianne sa aming magkakaibigan at magkakaklase. She didn't even send any message sa amin. Siguro tuluyan na talaga siyang pumunta sa America para magbagong buhay. Pero I don't understand...
I just don't understand.
Hindi mo kailangang takbuhan ang problema mo. Isipin mo nalang na mas malaki ang langit kesa sa mga problema mo.
Recess time. Yes, break time na yun.
"Kath, break na tayo!" NOOOOO, BRENT! MAHAL KITA. CHAROOOOT. HAHAHAHA.
Ang landi ko talaga. Well, napansin ko lang. This days, si Brent na ang nagyayaya na sa akin kapag magrerecess at magla-lunch kami. Broken hearted ba si Brent? Ofcourse. Alam kong masakit ang pagkawala ni Dianne at pagpunta niya sa America para kay Brent. So I just give him time to move on diba?
As far as I can see, unti-unti na din siyang nagchi-cheer up. Buti na lang marami kaming magkakaibigan and somehow, nakikita kong bumabangon ulit si Brent.
Anyway, wala na din namang nangyari sa amin ni Brent. LOL. Ampanget ng term ko. "nangyari sa amin ni Brent". As if naman, may mangyayari sa amin ni Brent. HAHAHA.
I mean, after than kiss under the rain, wala nang iba pang nangyari sa amin. Parang walang malisya yung halik na yun. It's just that gusto ko lang maging M.U. sa kanya. Hindi ko alam. Maybe an open relationship? Pero I will not take it seriously.
"Sige, Brent. Tara, break na!" sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang pera ko at pumunta kami sa canteen. Kasama ko din pala si Ryan.
Matthew, as always, eats with himself. Emo mashado yang lalaking yan. Pero bahala siya sa sarili niya. Simula nang makita ni Brent ang nangyari sa rooftop nila between Dianne and Matthew, hindi na siya umiimik gaano. Sa klase namin, hindi na din siya gaano nagrerecite. Kapag tinatanong lang siya ng teacher sumasagot.
Umupo ako sa swing ng playground namin.
*Swing! Swing! Swing!*
"Anong ginagawa mo diyan?" istorbo naman tong si Brent. Ang saya saya na ng pag-swing ko eh. HEHEHE. Para akong bata kung mag-swing. :D
"Nagsu-swing. Obvious ba?"
"Ang taray naman nitong babaeng 'to. Nilibre na nga kita ng meryenda eh." may dala siyang isang Nova at isang Piattos para sa recess namin. Hindi pa kasama ang maraming snacks sa isang supot. Grabe talaga. Ang yaman niya ha. Ang daming FOODS. Food trip lang?
--------------------------
A/N: Bayaran kaya ako ng NOVA at PIATTOS para sa libreng advertisement? HAHAHA
BINABASA MO ANG
Forever is a Choice [ Complete Series ] -- Book 2
Teen Fiction"The Sequel of Ang Kwento ng Isang Lalaki.. from Grandprince16.. Forever is a choice.." "Which are you going to choose? The left were there is nothing right? Or The right where there is nothing left?" Sa buhay natin, marami tayong choices -- from t...