ANDREA's POV:
It's been days. Pero ako na lang lagi magisa dito sa kwarto ko. Nauutal na ako dito. Wala kasing ibang ginagawa kundi ang manood ng TV. T________T
May nakakausap na akong nurse dito. And ang sabi niya, hindi daw pangkaraniwang tao yung police na nandito nung nakaraang araw.
Brent.
Ang cool naman ng name niya. Kahit medyo mayabang ang dating niya pero.. aaminin ko, gwapo siya ha.
Anyway, kelan ba ulit pupunta yun dito? Sana naman makapunta na siya.
KNOCK KNOCK!
Si Brent na kaya yan? O____O?? Wow ahh. Parang LBC lang Lord? Ang bilis? XD
"Ma'am, breakfast niyo po." sabi sakin ng nurse.
"Uhmm, nurse, bakit nakadextrose parin po ako?" tanong ko. Medyo nangangalay na kasi yung kamay ko sa dextrose na meron ako.
"Ayy Ma'am. Dehydrated po kasi kayo. Kaya for the mean time lang naman yan." sagot ng nurse habang sineserve niya ang breakfast ko in bed.
"Ahh ganun ba? Kelan daw po to tatanggalin?" sabi ko sa kanya.
"Baka po mamayang gabi or bukas ng umaga depende po sa nutrition status niyo. We will look on that later." Wow english. Feeling ko tuloy alagang alaga ako sa ospital na to. San ba to? O_____O??
"Sige thank you." then she left.
Kaso pagtingin ko sa pagkain ko.. I saw fried chicken served breakfast. Nagdilim bigla ang paningin ko nang biglang dumating ang isa pang vision sa nakaraan ko.
[ Start of her Vision ]
"Welcome to our Second Wedding Day. Well, alam naman nating lahat ng it's been years na kasal na kami ng asawa ko, but on this 20th Anniversary, I just wanted to marry her again." sabi ng daddy ko na hindi ko alam ang pangalan.
Then he started to get my Mom's hands tapos hinalikan niya yun in front of the audience.
"Awww. Ang sweet niyo talaga!" puri naman ng puri ang mga bisita ni Dad noon. Anong name ni Dad? Bakit hindi ko maalala?
"Ang sweet ng parents mo, Andrea ha." sabi ng bestfriend ko. Maski ang bestfriend ko, hindi ko malaman kung anong name ng bestfriend ko.
"Oo, sinabi mo pa." sabi ko daw sa bestfriend ko.
"Tara kain na tayo." dagdag ko pa then we ate those fried chickens we got from the buffet.
Tumayo daw ako para mag-CR nang biglang nagpakita ang isang lalaking hindi ko alam kung anong relasyon ko sa kanya.. Kaibigan? Classmate? Pinsan? Ewan! Basta may relationship kami pero hindi ko malaman kung paano kami connected.
Sinundan niya ako papunta ako sa CR.
"Bakit mo ko sinusundan, Matthew?" sabi ko daw. Matthew? Sinong Matthew? Paano kami related?
"Umalis ka na dito, Andrea. You need to get out of here." sabi niya sa akin. Then he grabbed my arms and pulled me away.
"Don't make me into trouble again, Matthew." then bumitaw ako sa pagkakahawak niya sakin. Mejo mahigpit ang hawak niya. And besides, masakit siya humawak.
BINABASA MO ANG
Forever is a Choice [ Complete Series ] -- Book 2
Teen Fiction"The Sequel of Ang Kwento ng Isang Lalaki.. from Grandprince16.. Forever is a choice.." "Which are you going to choose? The left were there is nothing right? Or The right where there is nothing left?" Sa buhay natin, marami tayong choices -- from t...