A few days had passed when Tia fainted. I thought she already remembered, but I was wrong.
"Bakit tulala ka diyan, kuya?"
Nilingon ko ang kapatid kong si Emmanuel at tinaasan ng kilay.
"None of your fucking business."
"Luh! Attitude ka, kuya? Sumbong kaya kita kay Mommy? Ang plastik mo kapag sila ni Daddy ang kaharap mo. Feeling tuloy nila, apakabait mong nilalang."
"Go. Samahan pa kita. Baka nakalimutan mo ang kalokohang ginawa mo, Emmanuel?" Nakangising wika ko rito.
"Sa dami nila, Kuya, alin doon ang isusumbong mo? Atleast bearable 'yung akin, samantalang 'yung sa 'yo..."
"Fuck off, Emmanuel! Hindi ka nakakatulong!" asik ko rito.
Sumeryoso naman ito at umupo sa aking harapan.
"How is she? Wala pa rin bang naalala?" tukoy nito kay Tia.
Napailing ako. "I want her to remember, but I'm scared. Takot ako na kapag naalala niya ako ay lalo siyang mawala sa buhay ko."
"You did nothing. You did everything you could for her. You did not expect that thing to happen. You were a victim too."
"I know. Pero ako pa rin ang naging sanhi nang pagkawala ng ala-ala ni Tia."
Napakunot-noo ako nang pamansin ang pigil na ngiti nito.
"What?" I ask.
"Wala naman. Pansin ko lang kasi, Kuya, na ang tatas mo nang magtagalog."
Bahagya naman akong tumayo para maabot ito at binatukan.
"I'm being serious here. Kailan ba kayo matototo ni Pio na hindi haluan ng kalokohan ang usapang seryoso?" Sermon ko rito na umayos ng upo.
"Mahigit isang taon na ang nakalipas, Kuya. Uso mag move-on. Close na nga ulit kayo ng tatay niya,'di ba? 'Yun nga lang, kapag nalaman ni Tia ang mga pinagagawa niyo ng ama niya, tatay niya nalang ang pakasalan mo."
Muli ko itong binatukan.
"Arouch, Kuya! Nakadalawa ka na sa akin, akin? Required ba na kapag bunso ay laging babatukan?" Nakangusong reklamo nito. Hinimas-himas pa nito ang batok.
"You're so gay. Lumayas ka nga sa harapan ko. Naalibadbaran ako sa kapangitan mo."
"What a big words coming from a dugyot farmer like you, Kuya?"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. It was Pio. As usual, nakataas na naman ang isa nitong kilay.
"Without this dugyot farmer, you have nothing to eat, you moron!"
Inirapan lang ako nito at lumapit kay Emmanuel at may ibinulong na hindi naman nakaligtas sa aking pandinig dahil medyo may kalakasan ito.
"'Pag ito sinumbong natin kay Mommy, goodbye, hacienda 'to."
"I heard that."
"Ibinulong ko lang 'yun sa 'yo, Emmanuel, paano mo niya narinig?" Sumulyap muna si Pio sa akin bago muling nagpatuloy. "Apakatsismo naman pala nitong kuya mo."
"Oo nga. Hindi ka naman siguro bakla niyan, kuya?"
Hindi na ako nakatiis. Tumayo ako para lapitan ang mga ito at pinag-untog ang mga ulo.
"Ouch!" Sabay na hiyaw ng mga ito.
"You guys can go to hell!" asik ko bago sila tinaliguran.
"O, bakit nakasimangot ang paborito kong anak?"
BINABASA MO ANG
✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]
RomanceWARNING! (R18) COMPLETED NOBELISTA SERIES 1 Mala-santo ang pangalan, tumira ng mahigit isang taon sa loob ng kumbento ngunit sa isang iglap ay naging makasalan. Ito ang naging kapalaran ni Gorettia Evangelista. She once killed herself. Mas ginusto n...