Chapter 18

339 29 12
                                    

Hindi ko na binigyang pansin pa ang suot kong hapit na bestida at mataas na takong. Lumuhod ako upang pumantay sa tumatakbo kong anak na si Letisha. Nakasuot ito nang maiksing shorts at backless blouse na parehong kulay lila. Agad itong pumaloob sa nakabuka kong mga braso. Mahigpit ko naman itong niyakap. Isang araw palang na hindi kami nagkikita pero nangungulila na agad ako sa kanya.

"Nine years old palang ang anak ko, little witch. Don't let her wear this kind of clothes." Baling ko sa babaeng nakasunod dito. Ang aking bestfriend na si Gianna Teng.

"Stop nagging, little brat! Uso na ang ganyang outfit ngayon sa mga kabataan. Saka na natin pasuotin ng saya kapag nagdadalaga na."

Inirapan ko lang ito. Kahit may kabigatan ang anak ko dahil malusog ang pangangatawan nito ay nagawa ko pa rin itong buhatin.

Napangiti naman ako nang sumubsob ito sa aking leeg.

"How's the day of my little girl?" tanong ko rito nang makaupo na kami sa sofa na nasa sala ng tinitirahan naming condo sa may Quezon City. Nanggaling kasi ako sa isang live interview ng J.I TV network, sister company ng J.I publishing kung saan ako muling pumirma ng kontrata bilang isang manunulat. It's been a decade the last time I'd showed my face in public. Gustuhin ko mang hindi maalala pa iyon, hindi ko magawa. Not unless I'll suffer for an amnesia. But that's so lame. Sa libro lang madalas nagkakaroon ng amnesia ang bidang babae.

"I miss you, mama..." garalgal ang boses na wika ng anak ko. Napatingin naman ako kay Gianna na nakaupo sa kabilang side ng couch. Nagtatanong ang aking mata. Tanging kibit-balikat lamang naman ang naging tugon nito.

"What's wrong, little girl?" Bahagya ko siyang inilayo upang tingnan sa mga mata. Nabahala ako nang makita ang luhaan nitong mga mata. "What happened?"

Umiling ito. "Miss lang po kita, mama."

I bit my lower lip to suppress a tear from falling. Ayaw kong nakikita ako ng anak ko na umiiyak.

"Ang lambing naman ng baby Letisha ko sa kanyang Mommy Ysobel, inggit much si Mommy Ninang..."

"Mag-anak ka na rin kasi, little witch."  Asar ko rito. No boyfriend since birth kasi si Gianna. Iyon ang lagi niyang pinangangalandakan kapag inaasar namin siyang magkaibigan.

"Wala ngang jowa, anak pa kaya? Ano ako? Si Mama Mary na virgin pero nagka-anak? Sana all,'di ba? Well... Nagkaroon ka nga pala ng Letisha kahit wala ka ring jowa." Anito na tumawa pa ng malakas.

"Hush, Gianna," saway ko rito nang pamansin ang papikit-pikit na mata ni Letisha. Tiningnan ko ang suot kong relong pambisig. Alas-kuatro pa lamang mg hapon. "Hindi ba 'to nakatulog?" tanong ko pa rito.

"Nope. Ayaw matulog dahil narinig niyang kausap kita. Matutulog daw siya kapag dumating ka na. At ayan na nga. Hmmm... According to my source pala, dumating na ang hinihintay mo. And he brought a boy with him, he's son.

Tila may tumusok na libu-libong karayom sa aking dibdib nang marinig ko iyon. Mahigpit kong niyakap si Letisha at hinayaang dumaloy ang luha sa aking pisngi.

"Eleven years na nakaraan, Ysobel. Let go..."

Hilam ng luha ang aking mata na tiningnan si Gianna.

"H-how? I did tirrible things, Gianna. Habangbuhay ko iyong pagsisihan. Alam mo kung paano kadaling lumapit sa akin ang karma. I lost an important person, and I am the only one to be blamed."

"Forgive yourself. Naging mapusok ka lang ng mga panahon na 'yon, at pinagdusahan mo 'yun ng sampung taon dahil sa karmang ganti ng ginawa mo na 'yon."

I shook my head. Akala ko okay na ang lahat. Akala ko kaya ko siyang harapan at humingi ng kapatawaran. Pero nang malaman kong narito na siyang muli sa Pilipinas, tila gusto kong magtago. Mahabang panahon na dinala ko sa aking dibdib ang konsensiyang naramdaman sa ginawa ko sa kanya. Akala ko kakayanin ko ang lahat, pero gabi-gabi nalang ako binabalikan ng bangungot na iyon. I want to be strong for Lestisha. I promised her mom to take care of her. Yes, Letisha is not my bornt daughter, but we shared the same blood.

✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon