Mahigit sampung taon na ang lumipas. Mula sa airport ay sa sementeryo ako dumiretso. Mariin kong ikinuyom ang aking kamao habang tinitigan ang isang puntod kung saan naka-ukit ang pangalan ng babaeng minahal ko ng higit pa sa aking buhay.
"Gorettia," sa ilang taon na nawala ako sa Pilipinas, ngayon lang muling namutawi sa aking mga labi ang pangalan nito. I could still remember how she drown herself into the sea water.
"Who is she, Dad?"
I force a smile as I tilted my head to face my little man, Asher.
"She was the woman I loved the most, son." I patted his head.
Asher nod his head. He seriously stared at the grave. Sa edad nitong siyam na taong gulang, ito palang ang unang beses niyang pagtapak sa lupain ng Pilipinas. Sa Los Angeles na siya lumaki at nagka-isip. Nakakaintindi rin siya ng tagalog dahil isang Pinay ang nanny nito.
"Let's go. You're ate Ella is waiting." tukoy ko sa anak ng kapatid kong si Pio. Naging malapit ang mga ito nang magbakasyon ang pamangkin kong si Ella ng halos dalawang buwan sa Los Angeles.
Ngumiti lang naman ito. Isang sulyap pa ang muli nitong iniwan sa puntod at walang imik na humakbang patungo sa sasakyang nakaparada sa hindi kalayuan.
Muling kumuyom ang aking kamao at ngumisi.
"See you in no time, baby..."
FLASHBACK...
Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak ng dalawang pulis. Ngunit hindi ko magawang makawala dahil nakaposas ang aking mga kamay.
"Bitiwan n'yo ako!" Galit kong sigaw sa mga ito. Nasa gitna kami ng dagat. Hindi ko alam kung paano kami ni Tia natunton ng Daddy nito at nagsama pa ng dalawang pulis. Nadatnan ko nalang ang mga ito sa roof deck ng yate nang lumabas ako mula sa cabin namin ni Tia upang puntahan sana si Kiro at kumustahin.
"It's your fault, Benedicto! Lahat nalang ng anak ko nawala ng dahil sa 'yo!" Sikmat ng Daddy ni Tia.
Namataan ko si Kiro na lumutang. Nang magtama ang aming tingin ay umiling ito. A tears fell from my eyes. Sigurado ako na hindi pa nakalayo ang katawan ni Tia. Baka hindi lang naghanap ng maayos si Kiro kaya hindi niya ito nakita.
"Please, Sir... Tell your men to let me go. Kailangan kong masagip si Tia." Nakikiusap kong wika rito.
Matigas itong umiling. Bumagsak naman ang aking balikat sa naging tugon nito.
"Tatawag ako ng rescue. Hindi mo na kailangan pang isakripisyo ang buhay mo sa paghahanap sa anak ko, Benedicto. Hindi ako papayag na mapadali ang iyong kamatayan."
Wala na akong nagawa nang kinaladkad ako ng dalawang Pulis. Sinenyasan ng mga ito si Kiro na imaneobra ang yate pabalik sa pier ng Batangas.
"Nandito na po tayo, Sir Anthon."
Napapitlag ako nang magasalita ang driver na si Rommel. I gritted my teeth. I don't want to remember those nightmare that happened in my life anymore. Sinulyapan ko ang tulog kong anak. A smile formed into my lips. Ang amo ng mukha nito na animo'y anghel. Well, he's really my angel. Kung hindi siya dumating sa buhay ko, nanatili siguro ako sa dilim.
"Wake-up, son." Mahina ko siyang iniuyog.
Dahan-dahan naman itong nagmulat ng mata.
"We're here?" mahina nitong wika.
Tumango naman ako at lumabas ng sasakyan. Sumunod naman sa akin si Asher.
"Kuya!"
Umikot ang aking mata nang mamataan ang dalawang pigurang nag-uunahang lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]
RomanceWARNING! (R18) COMPLETED NOBELISTA SERIES 1 Mala-santo ang pangalan, tumira ng mahigit isang taon sa loob ng kumbento ngunit sa isang iglap ay naging makasalan. Ito ang naging kapalaran ni Gorettia Evangelista. She once killed herself. Mas ginusto n...