Chapter 7(The Fall of Saint)

496 34 2
                                    

Alas-singko na ng umaga ay mulat na mulat pa rin ang aking bilungang mga mata. Naka-ilang daan na ako ng pagbibilang ng tupa sa aking isipan ngunit ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Ito ang mahirap kapag nakatulog na ako tapos biglang nagising dahil hindi na muli akong makatulog pa. Pinilit ko na ngang iwaksi sa aking isipan ang imahe ni Francis na nagpupumilit sumiksik pero wala pa rin itong epekto.

"Is this your punishment?" bulong ko.

Tumagilid ako paharap sa lamesita at inabot ang cellphone na binigay ni Francis sa aking noong nakaraang linggo. Idenayal ko ang numerong kabisado ng aking isipan.

"Hello..." halatang bagong gising ang boses ng nasa kabilang linya dahil tila namamaos ito.

"Nagising ako kagabi, mga alas-onse. Hanggang ngayon ay mulat na mulat pa ako, hindi ako makatulog."

Ilang segundo pa ang lumipas bago ito nakapagsalita.

"So,it's you. Akala ko nanaginip lang ako nang marinig ang pamilyar na boses. It's been a month. Where were you?"

"Angel's mission?" mahina akong napahagikhik. Nakikinita ko kasi ang reaksiyon ng mukha nito.

"Kailan mo balak bumalik?" seryoso ang tono ng boses na wika nito.

"Kapag tuluyan nang nahilom ang aking sukat sa dibdib."

"What?!"

Nailayo ko nang bahagya ang cellphone sa aking tenga dahil sa may kalakasang boses nito.

"What really happened, Goree?!"

"I literally stabbed my heart. May mga lalaking humabol sa akin, ikinulong nila ako. Pagkatapos nun, balak nila akong gawan ng masama. I treasure my virginity, I'd rather die than being alive as a rape victim."

Nanahimik ito sa kabilang linya. Nang tila nahimasmasan sa narinig mula sa akin ay muli itong nagsalita.

"You always do things na akala mo makakabuti sa 'yo. It's a dangerous move, Goree."

Bumuntong hininga ako.

"I know. But you know me, I will do everything for my dream."

"Sleep now, little brat. We'll talk when I get home."

"Wala ka sa bahay?" nagtataka kong tanong. Saan naman kaya ito napadpad?

"You know me, I can't stay at home. Sige na, matulog ka na at umaga na diyan."

Bago pa ako makapagsalita ay nawala na ito sa kabilang linya. Muli na lamang akong napabuntong hininga.

"You know me so well, little witch."

Pupungas-pungas ako na bumangon nang marinig ang suno-sunod na katok sa pintuan ng aking silid.

Wala sa huwesyong binuksan ko ito. Bumungad ang nakunot-noo na si Francis.

"Kagigising mo lang?" malumanay nitong tanong pero hindi pa rin nawawala ang pagkunot ng noo nito.

Ramdam ko ang pamumula ng magkabila kong pisngi nang sundan ko kung saan nakatutok ang mga mata nito. Napalukipkip ako para sana maitago ang bakat ng aking hinaharap ngunit mas lalo lamang itong nagmayabang. Medyo may kalakihan ito kaya nababanaag ito sa suot kong manipis na kamison. Noong nasa loob pa ako ng kumbento, isa sa malaking pagsubok ay kapag oras na ng aking pagtulog. Nasanay akong matulog na halos walang suot. At iyon ang isa sa ikinabahala ng aking ina ng mga panahong ninais kong maging madre.

"P-pasensiya na, hindi ko namalayan ang oras at napahaba yata ang aking pagtulog."

Tila wala itong narinig sa aking sinabi. Patuloy lang ito sa pagtitig sa aking hinaharap na hindi nawawala ang pagkakasalubong ng dalawang kilay. At dahil doon ay bigla akong nakaramdam ng matinding pagka-ilang kaya walang salitang pinagsarhan ko ito ng pinto.

✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon