Palikyad-likyad kong tinalunton ang pasilyo patungo sa silid ni Francis. Nang nasa tapat na ako ng naka-awang na pintuan nito ay bahagya ako ritong sumilip. Wala na siya sa kanyang higaan. Wala pa namang alas-sais ng umaga ng aking tingnan kanina ang orasang nakasabit sa dingding ng aking silid-tulugan.
"Nasaan siya?" tanong na namutawi sa aking bibig. Dalawang araw na ang nakaraang nang sinimulan ko siyang iwasan. Tila bigla akong nagising sa isang ilusyon na hindi ako nararapat magkaroon ng relasyon sa isang katulad niya sa ngayon sapagkat hindi pa naisasa-ayos ang suliranin na aking kinakaharap.
"Looking for me?"
Napatalon ako sa pagkagulantang dahil sa pamilyar na boses na bigla na lamang nagsalita sa aking likuran.
"Ginulat mo naman ako, Francis." Nakahawak pa sa dibdib na wika ko rito.
Ngumisi lamang ito ng pilyo. Nanlaki naman ang bilugan kong mga mata dahil sa ginawa nitong paghapit sa maliit kong baywang. Tila may kuryenteng gumapang sa bawat himaymay ng aking katawan nang pinatakan nito ng munting halik ang nakaawang kong bibig.
"Done with your game, baby?" kumikislap ang matang untag nito sa akin.
Hindi ko mahagilap ang sarili kong boses. Tila-bagang nahihipotismo ako sa pagtitig sa bawat buka ng bibig nito.
"Kung hindi mo sana ako iniiwasan nitong nakaraang dalawang araw, hindi mo mamimis na titigin ang perpekto kong mukha, Tia," anito na may panunukso.
Napasinghap ako at napakapit sa hindi maliliparang uwak nitong balikat nang mas lalo ako nitong hapitin palapit sa kanyang katawan.
"Francis." May pagbabanta sa tinig na aking wika.
"Yes, baby?"
Inipon ko ang natitirang enerhiya sa aking katawan at walang agam-agam na tinulak ko siya nang may kalakasan. Marahil sa hindi napaghandaang pagkakataon, patihaya itong nabuwal.
Agad ko naman siyang dinaluhan upang tulungang tumayo. Ngunit ay kaginsa-ginsa na hinila ako nito kaya nabuwal ako sa kanyang ibabaw.
Isang malakas na tawa ang umalingaw-ngaw sa kabuuan ng koridor. Tila tuwang-tuwa si Francis sa ginawa nitong kalokohan.
"Hala sila! Ano 'yan? Making love at the corridor?"
Mabilis pa sa alas-kuwatro na tumayo ako nang matuwid dahil sa paglitaw ni Melody. Tila balewala lang naman kay Francis na nadatnan kami ni Melody sa ganoong posisyon.
"Hinila niya ako kaya naabotan mo kami sa ganoong posisyon. Walang ibig sabihin 'yon at mali ka ng iniisip, Melody," hindi magkamayaw na paliwanag ko rito.
"Ang defensive naman ni ate girl. Kilala ko si Tonton. Hindi siya ang tipong pang-corridor lang. Pang royal blood ang semen niyan kaya hindi basta-basta pinapa-aray!"
Napadaing ito nang batokan ni Francis. Sinupil ko naman ang ngiti na gustong umalpas za aking labi. Hindi ko man gusto ang mga katagang namumutawi sa bibig nitong si Melody, I like her personality. She can light up an awkward situation.
"Kung anu-ano nalang ang tinatanim mo sa utak ni Tia," Sumulyap muna sa akin si Francis bago muling nagsalita pero sapat lamang para marinig ni Melody. "Mas malala pa 'yan noong hindi pa niya naisipang magmadre."
"Ay! Matchy-matchy pala kami. From now on, bff na talaga kita, Tia. Parang sinner and saint ang dating nating dalawa. Ikaw ang sinner, ako naman ang saint." Humalakhak si Melody, kabaliktaran ng aking naging reaksiyon.
"Enough, Melody. Magluto ka nalang ng breakfast. May pag-uusapan lang kaming importante ni Tia."
"KJ!" Lukot ang mukhang tumalikod si Melody at iniwan kami.
BINABASA MO ANG
✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]
RomanceWARNING! (R18) COMPLETED NOBELISTA SERIES 1 Mala-santo ang pangalan, tumira ng mahigit isang taon sa loob ng kumbento ngunit sa isang iglap ay naging makasalan. Ito ang naging kapalaran ni Gorettia Evangelista. She once killed herself. Mas ginusto n...