Pasimple akong tumingala para sulyapan si Tia na kausap si Melody nang marinig ko siyang tumawa ng malakas. Nasa veranda silang dalawa, ako naman ay nasa patio at kausap ang katiwalang si Ka Goryo. I sweetly smiled when her gaze turned towards my direction. Tia smiled back as she wave her hand. The smile that make my heart flutter.
"Kasintahan mo na si Ms. Goree, Sir Anthon?" Naibaling ko ang pansin kay Ka Goryo.
Lalong lumawak ang aking ngiti nang mabasa ko ang may manunuksong kislap ng mga mata nito.
"Sa tingin mo Ka Goryo, kaya pa akong iwan ni Tia kapag pinakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal?"
"Alam mo kasi, sir Anthon, walang babaeng mang-iiwan kung nararamdaman nila ang siguridad ng iyong pagmamahal. Lalo na kung may malalim rin itong pagtingin sa 'yo."
Tumango-tango ako.
"Kumusta pala ang taniman natin ng mga pinya, Ka Goryo? Pasensiya na at ilang araw akong hindi nakagawi do'n, medyo masama kasi ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw."
Malaki naman ang tiwala ko rito kaya alam kong hindi niya pababayaan ang hacienda. Sinabi ko lang ma may sakit ako pero ang totoo, ayaw ko lang malayo kay Tia. Kahapon lang ay tumawag ang mommy ko at nagtatanong kung bakit hindi ako umuwi sa kanila nitong linggo na ito. Sinabi ko nalang na tinatamad ako at babawi nalang sa susunod na pagkakataon para hindi siya magtampo. Ayaw ko rin namang magsinungaling sa kanya dahil kung mayroon man kaming pinagkakasunduang magkakapatid,iyon ay ang hindi dapat namin binibigyan nang sama ng loob ang aming ina. Sabi nga ni Dad, without our Mom, we are nothing.
"Wala akong nakikitang problema sa mga pananim natin, Sir Anthon. Huwag kang mag-alala, ipagbigay-alam ko kaagad sa 'yo kung sakaling may napansing akong kakaiba sa mga ito."
"Maraming salamat ho. Baka bukas ay iikutin ko abg buong hacienda. Kayo na rin po bahalang magpaliwanag sa mga trabahador natin kung bakit hindi nila nakita ang kapogian ko nitong nagdaang araw."
Tumawa naman si Ka Goryo sa huli kong sinabi. Muli akong nagpasalamat sa kanya nang magpaalam na itong babalik na sa trabaho.
Muli kong sinulyapan si Tia at Melody, ngayon naman ay seryoso na silang nag-uusap. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang pagkumpas ng mga kamay ni Melody kaya dali-dali akong pumasok ng bahay para puntahan ang mga ito. Baka mamaya kung ano na naman ang sinasabi nito kay Tia. Napatigil ako hindi kalayuan sa kanila nang naging klaro sa pandinig ko ang mga sinasabi Melody.
"Ang gulo niya talaga, hindi ko ma-gets ang gusto niyang palabasin. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na ang puso ko ay may batas. Kung nasa loob ka na nito, bawal ka nang lumabas. Pero aba! Nag-comply ang loko, may ginawa siya para ayusin ang batas ng puso ko, alam mo ba, Tia, kung ano ang huli niyang sinabi sa akin bago siya nawala sa buhay ko? Sabi ba naman niya, "Naayos ko na ang batas sa puso mo, p'wede na pala ulit akong lumabas". O,'di ba? Parang tanga lang, hindi marunong sumunod sa batas!"
"Ha?"
Lihim akong natawa sa naging reaksiyon ni Tia. Kitang-kita sa mukha nito na nagulohan sa mga sinabi ni Melody.
"O, 'di ba? Hindi mo na-gets. Kasi nga mas magulo ang law of heart natin kaysa sa law of classroom. Mas pasaway ang puso natin kaysa sa mga estudiyante."
"Oo na lang..." sumusukong pahayag ni Tia.
"Stop talking nonsense, Melody. Imbes na ako lang dapat ang gumugulo sa isipan ni Tia, dinadagdagan mo pa," Saway ko rito na lumapit sa kinakatayuan ni Tia at hinalikan ito sa pisngi. "Miss you, baby."
"Ay sheyt! It's my first time to witness your sweetness, Tonton. And it's so nakaka-puke like the spelling of it in tagalog."
"Tumigil ka nga sa mga pinagsasabi mo, Melody! Kababaeng tao," Niyakap ko patalikod si Tia at ipinatong ko ang aking baba sa kaliwa nitong balikat. "Hapon na, baby, pero bakit ang bango mo pa rin?"
BINABASA MO ANG
✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]
RomanceWARNING! (R18) COMPLETED NOBELISTA SERIES 1 Mala-santo ang pangalan, tumira ng mahigit isang taon sa loob ng kumbento ngunit sa isang iglap ay naging makasalan. Ito ang naging kapalaran ni Gorettia Evangelista. She once killed herself. Mas ginusto n...