Chapter 21

319 25 8
                                    

"Nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ng apo ko."

Nilingon ko si daddy at pilit na nginitian.

"Nang makaharap ko siya kanina, Dad, bumalik sa akin ang lahat. Nararapat lang siguro na magalit siya dahil sa ginawa ko. Pero sana sa akin lang, huwag na sa inyo. Ako naman ang ugat ng lahat na ito. Kung hindi ko sana naisipang maghiganti, kung alam ko lang sana ang buong pangyayari, hindi sana nangyari ang lahat ng ito."

"Nangyari na 'yun. Huwag mo nang sisihin pa ang sarili mo. Ginusto ko rin na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa 'yo at sa kuya mo kaya pumayag ako sa gusto mo. Gusto mo ba na kausapin ko si Anthony? Kahit luluhod pa ako sa harapan niya, gagawin ko. Mapatawad ka lang niya."

Umiling ako. Kung may dapat mang humingi ng kapatawaran ay ako iyon. Kasalanan ko ang lahat. Tatlong araw pagkatapos naming magpalit ng katauhan ni Eloisa ay gumawa ako ng paraan upang makalabas ng kumbento. Napag-alaman kasi ni daddy mula sa mga tauhan ni Francis na nagmamanman sa labas na kapag lumabas si Eloisa ay dudukutin nila ito. At iyon ang hinihintay naming pagkakataon upang maisagawa ang plano.

Binayaran ni Daddy gamit ang pera ko ang mga lalaki na iyon. Nang pabalik na ako sa kumbento galing sa pagbili ng pandesal mula sa may kalayuang panederya na sinadya ko talaga, may sumunod sa aking mga lalaki. Nang nagsimula akong tumakbo ay iyon na ang naging hudyat ng kanilang paghabol sa akin. Hanggang sa dinala nila ako sa kubo. Nagkunwari akong nahintatakutan dahil ano mang oras ay darating na si Francis. At dumating nga siya.

Hindi biro ang sakripisyo ko ng araw na iyon. Totoong natakot ako sa kanya dahil ang nasa aking isipan ay gagawan niya ako ng masama tulad ng ginawa niya kay Eloisa. Kaya nang inabot niya sa akin ang kutsilyo, walang alinlangan ko iyong itinarak sa aking dibdib. Pero sinigurado ko na hindi ganun kalalim. Kaya lang ako nawalan ng malay dahil sa nakita kong dugo na bumulwak mula doon. Sa takot ko, akala mamatay na ako. Pero nagising ako sa bahay ni Francis. At doon muling nabuhay ang pagkamuhi ko rito. Pero kinakailangan kong umarteng si Eloisa para hindi niya mahalata na planado ang lahat. Ginusto kong manatili sa puder niya para makahanap ng sapat na ebidensiya upang maipakulong namin siya ni Daddy.

Pati ang pagtalon ko sa dagat ay naka-plano. Totoong mahal ko na ng mga oras na iyon ni Francis, ngunit mas nanaig sa akin ang poot at ang maisakatuparan ang aking sinimulan. Pati ang lalaking nagmamaneho ng yate ay binayaran ni Daddy kaya nagkunware siyang walang nakita. Nasa kabilang bahagi lang ako ng yate kung saan ang speed boat na gamit nila daddy para makarating sa kinaroroonan namin.

Pagkatapos ng mga pangyayari na iyon ay tuluyang nakulong si Francis. Ngunit tumagal lamang ito ng isang linggo dahil agad din naming inatras ang kaso. Dalawang araw kasi pagkatapos ng insidenteng iyon ay bigla nalang bumalik ang lahat sa akin bago pa ang aksidenteng nangyari sa amin ng kuya ko. Francis was my boyfriend. Akala niya ako si Eloisa ng mga panahon na iyon. At walang kaalam-alam ang aking mga magulang at si kuya tungkol sa ginawa ko na iyon. Tanging si Eloisa lang ang may alam. Simula kasi nang makita ko si Francis sa bahay namin sa Alabang, nagkagusto na ako sa kanya. Dahil kilala nito ang kakambal ko, nagpanggap akong si Eloisa. Lumabas ako sa bahay at nakikipagkita sa kanya. Gorettia ang alam niyang pangalan ni Eloisa dahil hindi kami pinayagan ni daddy na ibigay ang buo naming pangalan sa ibang tao. Tanging malalapit lang sa pamilya ang nakakaalam nun. I love being called Tia and Eloisa as Goree.

Kaya pala simula nang nagising ako mula sa pagka-coma ay may mga napapanaginipan ako na may kasama raw akong lalaki tapos masaya kami. Akala ko isa lang talagang panaginip iyon, ngunit totoo nga pala talagang nangyari. And the reason why he tried to hugged and kissed Eloisa that day, because it was our 7th monthsary. Hindi ako pupuwede ng araw na iyon dahil nasa bahay si mommy. At wala akong idadahilan kung bakit ako lalabas, kaya nakiusap ako kay Eloisa na siya na muna ang sumipot sa date namin ni Francis. Kaya ang lahat ng pangyayari ay kasalanan ko. Walang dapat sisihin kundi ako lang at wala ng iba pa.

✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon