Tahimik ko lang na pinagmamasdan si Asher na nagbabasa ng libro. Si Letisha naman ay kinukulayan ng kulay violet na nail polish ang kanyang kuko. Kagagaling lang naming tatlo sa sementeryo. Nang ipinakilala ko si Eloisa kay Asher bilang ina ay wala manlang akong nakuhang reaksiyon mula sa kanya. Tumitig lang ito sa puntod ng ina kaya hindi na kami nagtagal doon.
Inabot ko ang remote control ng telebisyon at ini-off iyon.
"Kids, gusto niyo bang gumala?" untag ko sa mga ito.
Tumigil naman sa ginagawa si Letisha at malaki ang ngiting tumango ito.
"How about you, Ash?" baling ko kay Asher na patuloy lang sa binabasa.
"I don't like po. But I want to see my dad. It's been 48 hours since I last saw him."
Natigilan ako. Sa loob ng dalawang araw ay wala akong natanggap na mensahe mula sa ama nito na lalo kong ikinasama ng loob. Hinihintay ba talaga nito ang tatlong araw para puntahan kami?
"Gusto ko rin makita si papa, mama. Uwi na po tayo sa kanya," segunda naman ni Letisha.
Napailing naman ako. Sinulyapan ko ang relong nakasabit sa dingding. Alas-dos na ng hapon. Kung aalis kami ngayon ay baka gabi na kami na makakarating doon.
"Fine. You need to wake up early tommorow. We will visit your father," may pagsukong saad ko. Tama nga ang sabi nila na kahinaan ng isang ina ang kanyanh mga anak. Hindi man sila nagmula sa akin, iisang dugo lang ang nananalaytay sa amin."I need to do something that related to my work. Just knock our room's door if you need something." bilin ko sa mga ito. Sumang-ayon naman si Letisha, pero si Asher ay nanatiling tahimik.
Pagkapasok ko sa kwarto ay sa isang kuwadro na nakapatong sa lamesita agad natuon ang aking mga mata. Mapait akong ngumiti. Litrato iyon ng isang araw palang na sanggol, ang anak namin ni Francis. Umupo ako sa gilid ng kama at dinampot iyon.
"Katulad ka rin kaya ng kapatid mong si Asher, anak, kung nabubuhay ka lang? Nakikita mo ba siya? Ang lamig-lamig ng pakikitungo niya sa akin, pero lahat ng sinasabi ko ay sinusunod naman niya. Anak siya ng tita Eloisa mo, at iisa lang ang daddy niyo. Halos magkaedad lang kayo ng mga kapatid mo, anak. Sana kabayan mo sila hanggang sa kanilang pagtanda. Lalo na kung wala na si mommy at daddy, ha? Ikaw ang kuya nila kaya dapat alagaan mo sila. Sorry kung hindi ka nailigtas ni mommy. Sorry, anak..."
Impit akong napahagulgol nang maramdaman ko ang lamig ng hangin na pumasok mula sa nakabukas na bintana na tila yumakap sa aking katawan. Napayakap ako ng mahigpit sa litrato.
"I love you,anak..."
Wala pang alas-singko kinabukasan ay gising na ako. Hinay-hinay akong bumama sa kama at lumabas ng kuwarto upang ipagluto ng almusal ang kambal. Sinangag ko ang natira naming kanin. Nagluto rin akong egg roll at pork tocino. Pagkatapos magluto ay inihain ko na iyon at bumalik sa kuwarto upang maligo. Napangiti ako nang makita ang posisyon sa pagtulog ng kambal. Hawak-hawak ni Asher ang kamay ni Letisha habang ang huli naman ay nakaunan sa tiyan ng kapatid.
Paglabas ko ng banyo ay siya namang pagtunog ng alarm-clock na sinadya kong i-set kagabi para hindi ko na kailangan pang gisingin ang kambal.
Tila naalimpungatan naman si Letisha sa biglang pagbangon ng kuya nito.
"Good morning, babies!" masigla kong bati sa mga ito.
"Morning, mama." ani Letisha.
"Morning." ani naman ni Asher na kinusot-kusot pa ang mga mata.
Bumalik ako sa loob ng banyo at kumuha ng dalawang face towel. Binasa ko iyo at piniga ng maigi.
"Wipe your face." sabay naman nilang tinanggap ang basang face towel at pinunasan ang mukha. Kagigising lang kasi nila at maliligo na rin naman sila pagkatapos kumaen.
BINABASA MO ANG
✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]
RomansaWARNING! (R18) COMPLETED NOBELISTA SERIES 1 Mala-santo ang pangalan, tumira ng mahigit isang taon sa loob ng kumbento ngunit sa isang iglap ay naging makasalan. Ito ang naging kapalaran ni Gorettia Evangelista. She once killed herself. Mas ginusto n...