Napadistansiya ako kay Francis nang lumapit sa amin ang babae. Ito rin ang babaeng pumunta sa bahay ni Francis at hinahanap ang huli. Hindi ko akalain na magkasintahan pala ang mga ito. Napasulyap ako kay Melody. Nakakunot ang noo nito at matatalim ang tingin ang ibinabato nito sa babae.
"Babe, I'm so sorry for what I've done. It wasn't my intention to cheat." Ani ng babae na nilapitan si Francis at hinaplos sa braso. Napangiwi ako sa nasaksihan. Hindi man lamang ba ito nakaramdam ng kahihiyan?
"Tanginang 'to. Depressed na naman ang pukekay. Apaka-asyumera talaga."
Lalo akong napangiwi nang marinig ang mga kataga na mahinang namutawi sa bibig ni Melody.
"What are you talking about, Kira? You're not my girlfriend and you will never be!" Sikmat ni Francis dito na lumingon pa sa akin. Napanguso lang ako at nagkibit-balikat.
"Hanggang ngayon nadedepress pa rin 'yang pukelya mo, Kira. Aba! Tigil-tigilan mo 'yan at hindi pa napagpaplanohan ng gobyerno na magpatayo ng hospital para sa sakit na ganyan. Ikaw rin, kapag tuluyang nabaliw 'yang pukelya mo, pakalat-kalat 'yan sa daan tapos kung sinu-sino nalang kakagatin niyan."
"You-" bago pa makalapit ang babaeng tinawag nilang Kira kay Melody ay nahila na ito ni Macon palayo.
"Stop it,Kira. Birthday ni Tatay ngayon. Kung p'wede lang na tigilan mo muna 'yang kahibangan mo!"
Wala na itong nagawa nang sawayin ni Macon. Padabog itong bumalik sa kinauupuan.
"Nakasalubong ko kasi itong anak ni Mayor kanina sa bayan. Nang malaman niya na nandito si Macon, gusto niyang bumisita. E, kaarawan ko naman ngayon kaya inimbitahan ko na lamang siya," paliwanag ni Tatay Istong.
"Salu-salo ng mga poorest of the poor ito, hindi nababagay ang isang anak ng politiko," muling pasaring ni Melody dito.
Imbes na maasar ang babaeng nangangalang Kira ay napangisi ito.
"Then, why are you here? You're senator's daughter,'di ba? Well, ampon ka lang naman pala."
"Tama na 'yan. Kumaen na tayo." Naiiling na wika ni Tatay Istong. Tahamik lamang naman akong nagpahila kay Francis nang hawakan ako nito sa siko at pina-upo.
Napahaplos ako sa aking tiyan nang bigla na lamang itong tumunog. I heard Francis chuckled. Napayuko ako dahil sa hiyang naramdaman.
"Kain ka na. Ipaghihimay kita ng hipon."
Hinayaan ko naman siyang ipagsandok ako ng kanin at ipaghimay ng hipon. Halos karamihan sa nakahain ay mga lamang dagat, lobster na hindi ko alam kung anong luto, may nakadesensyo pa ritong bawang, siling labuyo, at spring onions. Mayroon ding bake oyster, at bake salmon. Ni wala akong namataang karne sa hapag-kainan.
"Bakit pawang seafoods?" Hindi nakatiis na tanong ko kay Francis na sapat lamang sa kanyang pandinig.
"Mahilig kasi sa seafoods si Tatay Istong. At hindi siya kumakain ng karne." Tugon naman nito na nilagyan ng chopseuy ang aking plato.
"I don't eat vegetable," mahina kong sambit.
"I know. But you need to eat vegies. It's good to your health, Tia."
Mabilis akong umiling. Wala na itong nagawa pa nang inilipat ko sa plato nito ang mga gulay. Kumakain naman ako ng gulay ngunit ang gulay na katulad nang nasa chopseuy ay hindi ko maatim na lunukin.
Napaangat ako nang tingin dahil kanina ko pa nararamdaman na may nakatitig sa akin. Hindi nga ako nagkamali sapagkat isang matatlim na titig ang siyang nagsalubong sa akin. Imbes na iiwas ko ang aking mata, matamis na ngiti ang aking iginawad dito.
BINABASA MO ANG
✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]
RomanceWARNING! (R18) COMPLETED NOBELISTA SERIES 1 Mala-santo ang pangalan, tumira ng mahigit isang taon sa loob ng kumbento ngunit sa isang iglap ay naging makasalan. Ito ang naging kapalaran ni Gorettia Evangelista. She once killed herself. Mas ginusto n...