Chapter 24

312 24 8
                                    

Wala na yata akong mahihiling pa. Ramdam ko ang pagmamahal sa akin ni Francis, walang araw na hindi niya iyo ipinapadama sa akin. Sembreak ni Letisha kaya naririto kami ngayon sa Hacienda Elisa. At isa sa ikinatutuwa ko ay ang magkasundo si Letisha at Asher. Para silang magkambal kung titingnan. Nakakapagtataka nga at kulay abo ang mata ni Letisha, e, pareho namang brown any kulay ng mata namin ni Eloisa. Noong isang araw nga, akala ni Ka Goryo, anak namin ni Francis si Letisha dahil daw hawig ito sa kanya.

"Little girl, Ash, tama na muna 'yang paglalaro niyo ng chess. Your Dad will be home anytime," wika ko nang may biglang bumusina. "Oh, he's here. Go the sink and wash your hands. Kakain na tayo ng lunch."

Agad namang tumalima ang dalawang bata. Ako naman ay pinagbuksan ng pinto si Francis. Galing ito sa pag-ikot-ikot sa hacienda gamit ang Land Cruiser nito. Ngayon lang ulit nito iyon ginawa pagkatapos ng maraming taon na nawala ito sa Pilipinas. Mabuti na nga lang at mapagkatiwalaan ang kanyang mga tauhan.

"Fran!" Masaya kong bati dito pagkababa pa lamang nito ng sasakyan. Tinakbo ko pa ito upang salubungin ng yakap.

"Namiss mo agad ako, baby?" Natatawa nitong wika na niyakap ako pabalik. Hinalikan pa ako nito sa tuktok ng aking ulo.

"Ilang araw na tayong magkasama pero hindi pa sapat iyon para maibsan ang pagkasabik ko sa 'yo sa mga nakalipas na taon, Francis."

"Me too. Kahit araw-araw na kitang nakakasama pero lagi pa rin kitang namimiss. Kung p'wede lang na itali na kita sa baywang ko para nasa tabi lang kita lagi ay ginawa ko na."

Tumawa ako ng mahina. Humiwalay ako mula sa pagkakayakap dito. Umabresiete ako sa kanyang braso at hinila na siya papasok ng bahay.

"Papa Anthon!"

"Hi Dad."

Magkasabay na bati ni Letisha at Asher nang madatnan namin ang mga ito na pareho nang nakaupo sa harap ng hapag-kainan. Sabay din silang tumayo at lumapit kay Francis at nagmano. Hinalikan naman nito si Letisha sa noo.

"Hey, son. Did you take care of your little sister?" ani Francis sa anak na ginulo pa ang buhok.

"Yes, Dad. We played chess. And she's hard to beat."

Malakas namang tumawa si Francis. Napangiti naman ako. Maliban sa kung paano gumana ang utak ko, minana rin sa akin ni Letisha ang pagiging palaban nito at ayaw papatalo. At kaya nahirapan si Asher na talunin ito sa chess ay dahil pareho nila itong paboritong laro.

"That's okay, son. Women are really hard to beat. All you have to do is, understand their every move so you wouldn't be beaten."

"I'm awesome, right, papa?" nakangiting sabat naman ni Letisha.

"You are, sweetheart." Tugon naman ni Francis dito. Binuhat pa nito ang aking anak at pagigil na hinalikan sa pisngi.

Pagkatapos naming mananghalian ay nagyaya si Francis na mamasyal. Sakay ng kanyang Land Cruiser ay binaybay namin ang daan patungo sa kapitol. Pagdating namin doon ay dumaan muna kami sa opisina ni Daddy. Naka-akbay sa akin si Francis at hawak namin sa magkabilang kamay ang dalawang bata. Si Asher ay ako ang may hawak, si Francis naman kay Letisha.

"Oy, si Ms. Ysobel!"

Napatingin ako sa babaeng empleyado na sumigaw. Ngumiti naman ako nang magsibaling sa aming direksyon ang tingin ng iba pang empleyado.

"Magandang hapon ho sa inyong lahat." bati ko naman sa mga ito.

Sadya ngang mahal ng mga tao rito sa San Ildefonso si daddy. Dahil nung ipinakilala niya ako sa publiko ay wala kaming narinig na pagkadisgusto mula sa mga ito. Buong puso nila akong tinanggap. Lalo na nung nakita nila ako sa telebisyon. Tuwang-tuwa sila dahil may artista raw silang kababayan kahit ang totoo ay nag-guest lang ako sa isang show na nagpopromote ng mga libro na published under J.I publishing.

✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon