Chapter 6

476 38 2
                                    

Napasulyap ako kay Francis habang magkaharap kami sa hapag-kainan at sabay na nananghalian. Hindi ko man nais pero may iba akong nararamdaman para rito. Ilang gabi na rin akong hindi pinapatulog ng isiping iyon.

"Remember, Goree, you're not an official nun yet. You're still in a discernment process." Sigaw ng aking isipan.

Gayun pa man, kahit nasa proseso pa lamang ako ng pang-uunawa ng mga bagay-bagay patungkol sa pagiging madre, sa puso't isipan ko ay isa na akong ganap na madre.

Malalim akong napabuntong-hininga. Napaangat naman ng tingin si Francis.

"Ayaw mo ng pagkain? You're not even moving your food."

Umiling ako at pilit siyang nginitian.

"Gusto ko lamang magpasalamat at ikaw ang taong kumupkop sa akin. Hindi ko alam kung ano ang aking kahihinatnan kung ibang tao ang nakatagpo sa akin sa gitna ng daan."

Matiim naman ako nitong tinitigan.

"You're here because you are Gorettia."

Yumuko ako para itago ang emosyon na nababanaag sa aking mga mata.

Matuling lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Naging malapit kami ni Francis sa isa't isa. Nagkaroon ng tiwala at koneksiyon na nagbibigkis sa aming dalawa. Pero sa tuwing nagkakasalubong ang aming mga mata, gayun na lamang din ang kabog ng aking dibdib. Pilit kong pinipigilan ang ano mang damdaming namumuo sa aking puso dahil ayaw kong magkaroon ng lamat ang aming pagkakaibigan.

Mula sa binabasang pinoy recipe magazine ay napabaling ang akong atensiyon sa bumukas na pintuan. Iniluwa nito si Francis. Napangiti naman ako ng maluwag at agad na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at sinalubong ito.

"Fran-"

Hindi ko na naituloy pa ang pagsambit sa pangalan nito nang mapansin ko ang babae sa kanyang likuran. Muntik pa akong matumba nang mabangga ako nito dahil nakipag-unahan itong pumasok kay Francis.  Mabuti na lamang at maaagap akong nakahawak sa hamba ng pinto. Napayuko ako para pigilin ang emosyong namamayani sa aking puso.

"Oh my gosh! Sorry, sorry!" Mabilis namang inilapag ng babae ang dala-dala nitong bagahe at nilapitan ako."Okay ka lang?"

Umangat ako ng tingin at nginitian ito.

"Okay lang..." wika ko.

"Hindi mo manlang nabanggit sa akin na may kasama ka pala rito, Anthony!" Nakahalukipkip na sikmat ng babae kay Francis.

"She's a good friend and she's staying her for a while," Bumaling sa akin si Francis at ngumiti."Pasensiya ka na kay Melody, lalake kasi 'yan kaya garapal kumilos."

Mahina naman akong tumawa nang sinuntok ito ng babae sa braso.

"Don't mind him. I'm Melody pala, the bestfriend."

Inilahad nito sa aking harapan ang kanan nitong kamay. Wala namang pag-atubiling tinanggap ko ang pakipag-kamay nito.

"Gorettia. Goree na lang."

"And you're a Anthony's friend?" Nakataas ang kilay na wika nito. Bigla naman akong nailang sa pag-iba ng tono ng boses nito. May pagdududa kasi iyon. Pero nagawa ko pa ring tumango.

"He's my savior. And we developed friendship after that."

"Don't mind her,Tia. Naglunch ka na ba?"

"Nagtatanong siya, Francis. Kabastusan naman kung hindi ako tutugon sa kanyang tanong."

"Ay, attitude pala itong si ate girl! Are you sure na kaibigan mo lang siya, Anthony? She's out of your league."

✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon