Pinaningkitan ko ng mata si Melody dahil sa walang tigil na panunukso nito sa akin.
"What's with your eyes?" She smirked.
"You're ain't funny." I hissed at her.
"But you are. Ganoon ka na ba katorpé, Tonton?"
Sana pala hindi ko nalang binanggit sa kanya ang nangyari nung pinuntahan ako kahapon ni Tia sa kuwarto. Hanggang ngayon kasi ay ayaw pa rin akong tigilan ng babae na ito.
"I'm not. Hindi lang siguro ito ang tamang oras para malaman niya ang tunay kong nararamdaman sa kanya."
"Pero sa ginagawa mo, aasa siya na may something ka sa kanya. Tapos dahil lagi mong binabawi, she will stop hoping. At kapag darating ang araw na handa ka nang ipagtapat sa kanya ang lahat, she will not believe it anymore. Aakalain niya na nangtitrip ka na naman kahit hindi. Ikaw din ang talo sa huli, pre. Tatanda kang binata."
Hindi ko mapigilan ang aking mga mata na umirap dito. Signature na yata naming magkakapatid itong pag-irap kapag naiirita, o may hindi kami gustong marinig. Iyon nga lang, bihira ko itong ginagawa lalo na kapag kaharap ko si Mommy. Ayaw kong isipin niya na wala siyang matinong anak. Ofcourse, we are all sane. Masyado lang pasaway at minsan ay isip bata ang dalawang nakababata kong kapatid.
"Isa pa nga,Tonton. Bagay pala sa 'yo ang umirap. Mga kapatid mo kasi, nagmukmukhang bakla kapag ginagawa nila 'yan."
"Stop teasing me, Melody! Bakit ba kasi naisipan mong magbakasyon dito? Ginugulo mo ang tahimik kong buhay!"
Lumabi lang ito at tinalikuran ako. Nasisigurado ko na nagtampo na naman ito sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa malaking ugat ng puno ng mangga. Sinundan ko ito nang pumasok ito sa kubo na ginagawang pahingahan ng mga manggagawa rito sa hacienda.
"Tampo agad? Bakit kasi ayaw mong tumigil sa pang-aasar diyan? Iyon na nga lang ang paraan para pigilan ang sarili kong angkinin si Tia bilang pag-aari ko, aasarin mo pa ako." I potted her head.
"Don't you ever use that tone on me again, Anthony Francis! Isusumbong kita kay tita. Alalahanin mo na higit kanino man, ako ang may alam ng lahat ng mga kalokohan mo sa buhay. You're so fake in front of Tita El. Kapag sinumbong talaga kita, putol etits ka!"
I covered my crotch area. "Damayin mo na ang lahat,huwag lang itong alaga ko, Melody Alcantara! Baka nakalimutan mo rin ang ginawa mong kalokohan kaya ka naririto? Should I call your so called boyfriend?"
"Fine! I will not sumbong na kay Tita. Anyway, does Tia know na hindi lang mag-bestfriend ang relasyon nating dalawa kundi higit pa roon?"
Umiling ako na ikinangisi naman nito. Alam ko ang ibig sabihin ng ngisi nitong si Melody. Paniguradong may naisio na naman itong kalokohan.
"Not Tia, Mel." Nahintatakutan kong wika. Baka ano ang gagawin nito kay Tia at ako naman ang malalagot sa ama nito. Ayaw kong tuluyang mawala sa buhay ko si Tia. Akin lang siya.
"Wala naman akong gagawing ikapapahamak ng Tia mo. Ikaw pa nga ang makikinabang sa gagawin ko, e!"
Tumayo ito at inilapit ang bibig sa kaliwa kong tenga at may ibunulong. Mabilis akong umiling.
"That's so lame."
"Whatever! You can't stop me for doing it."
Padabog ako nitong tinalikuran. Pero bago pa ito tuluyang malalayo ay nahatak ko na ang pixe cut hair nito.
"Fuck! Anthony Francis. Not my pretty hair!"
"Saan ka pupuntang lalaki ka?!" asik ko rito.
"Bwesit ka! Ilalaglag na talaga kita kay Tia mo!" Hiyaw nito at sinabunutan ako.
BINABASA MO ANG
✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]
RomansaWARNING! (R18) COMPLETED NOBELISTA SERIES 1 Mala-santo ang pangalan, tumira ng mahigit isang taon sa loob ng kumbento ngunit sa isang iglap ay naging makasalan. Ito ang naging kapalaran ni Gorettia Evangelista. She once killed herself. Mas ginusto n...