Isang linggo ang siyang nakalipas simula nang ako ay magising mula sa ilang araw na pagkakatulog. At sa loob ng linggo na iyon ay hindi ko na muli pang nasilayan si Francis.
"Tapusin mo na iyan, Iha, at parating na ang senyorito. Kabilin-bilinan niya na hayaan kang magpahinga. Sinabi ko naman sa iyo na manatili ka na lamang sa iyong kuwarto o mamasyal ka sa hardin ngunit ayaw mong magpa-awat."
Nilingon ko si Nanay Selma na may mabining ngiti sa aking labi. Asawa siya ni Ka Goryo na siyang pinakiusapan ni Francis na samahan na muna ako sapagkat tutungo siya sa Maynila upang bisitahin ang mga magulang na doon naninirahan.
"It's okay, 'Nay Selma. Hindi naman na po kumikirot ang aking sukat." Sagot ko na ipinagpatuloy ang paghuhugas ang aking pinagkainan.
"O, siya! Pagkatapos mo riyan ay umakyat ka na lamang sa iyong silid upang magpahinga."
"Sige po. Salamat."
Salungat sa inutos ni Nanay Selma, hindi ako umakyat sa aking silid. Tumungo ako sa hardin at nagmasid-masid ng mga halaman. Maya-maya lamang ay umupo ako sa upuang naroroon.
Huminga ako ng malalim. Isang linggo na at kaya ko na ang aking katawan. Naalala ko ang aking pakiusap kay Francis nung una ko siyang makausap. Natatakot akong lumabas dahil baka sa aking paglabas ay nakaantabay ang mga lalaking gusto akong gawan ng masama.
"How are you?"
Gulat akong napalingon sa nagsalita. Abuhing mga mata ang sumalubong sa akin.
"Y-you're back." Nauutal kong wika sabay tayo upang harapin ito.
"You look fine. How's your wound?" muli nitong tanong.
Nailang naman ako nang titigan nito ang aking dibdib kung saan naroon ang aking sugat kaya dahan-dahan kong pinagkrus ang aking mga braso.
"Hindi na siya masyadong kumikirot. Salamat sa 'yo at kay Nanay Selma," isa din kasi sa dahilan kung bakit kay Nanay Selma ako nito pinagkatiwala ay dahil isa itong nurse na nasa bakasyon lamang. Ang asawa naman nitong si Ka Goryo ay siyang katiwala ni Francis sa kanyang Hacienda.
Tumango naman ito. Pero ang mas nagpapailang sa akin ay ang habas ng mukha nito. Ni hindi manlang nito ako nagawang ngitian. Siguro nga at nais na nito akong umalis.
"P'wede bang bukas na lamang ako umalis?"
Gumalaw ang panga nito bago tumugon. "You're leaving?"
Bahagya akong tumango. Ayaw ko man sanang umalis, nakakahiya sa katulad niyang estranghero. Hindi naman ako nito reponsibilidad para manatili pa ako rito sa kanyang mansiyon.
"Do you have a place to stay?"
Nanigas ako sa muli nitong tanong. Ayaw kong umuwi sa pamilya ko at makita ang disappointment sa kanilang mga mukha. Hindi na rin naman na ako puwedeng bumalik sa kumbente upang ipagpatuloy ang aking pagmamadre. I am sinner now. Binigo ko ang aking pamilya dahil sa landas na gusto kong tahakin na kanilang tinutulan, at ngayon, binigo ko rin Siya dahil sa napakalaking kasalanang nagawa ko.
"I don't know. Ayaw kong umuwi sa aking pamilya. Hindi na rin ako maaring bumalik sa kumbento." Nahihiya kong usal kaya agad akong napayuko.
"You can stay here if you want."
Ikinagulat ko anf kanyang winika kaya bigla kong naiangat ang aking ulo at diretso ba tumingin sa dito.
"T-talaga?" nauutal na aking tugon. "Hindi po ba nakakahiya sa inyo? Nabanggit mo na puro kayo lalaki rito."
Umangat lang ang isa nitong kilay kaya napakagat-labi ako.
"Lahat ng trabahante ko sa farm ay pawang mga lalaki," tumingin muna ito sa entrada ng mansiyon bago nagpatuloy sa pagsasakita. "Workers here are not stay-in."
BINABASA MO ANG
✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]
RomansaWARNING! (R18) COMPLETED NOBELISTA SERIES 1 Mala-santo ang pangalan, tumira ng mahigit isang taon sa loob ng kumbento ngunit sa isang iglap ay naging makasalan. Ito ang naging kapalaran ni Gorettia Evangelista. She once killed herself. Mas ginusto n...